0

My husband cheater


Report

Kabanata 32

Sa gabing iyon, wala ng nagawa pa si zara, at tuluyan siyang bumigay sa asawa. Mag alas dose na ng hating gabi nang maka uwi sina tita at tricia sa kanila. Pero laking gulat nila ng makitang mahimbing na natutulog ang dalawa sa kama ni zara. Wala silang kamalay malay na dumating na ang mag ina.

“Anung ginawa niyan dito?” Gulat na bulong nito sa ina, habang pinagmamasdan nila ang dalawa na magkayakap na natutulog sa kama.

“Halika na?” Ani tita at hinila si tricia at dahan dahan nilang sinarado ang pinto ng kuwarto.

“Inay! Bakit dito iyan natulog, at magkayakap pa?” Nalilitong sabi ni tricia sa ina.
“Hayaan muna iyan sila. Doon kana lang matulog sa kuwarto ko.” Bulong nito sa anak. Iniiwasan nilang makagawa sila ng ingay para hindi magising ang dalawa.

Si zara ang unang nagising, alas kuwarto pa lang ay nagising na ito, at nakayakap pa rin sa kanya ang mahimbing na natutulog na si mateo.

Pinagmamasdan niya ito habang natutulog. At bigla siyang napangiti nang biglang maalala kung paano nangyaring naging asawa si mateo.

Lihim siyang nag c-crush sa binata, lalo na sabay silang lumaki. At isang paaralan lang ang kanilang pinapasukan. Maraming mga girls din ang naghahabol sa guwapong kaibigan.

Hanggang sa isang araw nagka ayayahan ang mga kaibigan sa isang birthaday party ng isang kaibigan, sabay silang umuwi. Hanggang naisipan ng dalawa na dumaan sa isang bahay kubo na walang tao. Lasing na lasing na silang pareho.

Hindi na kaya pang maglakad ng dalawa. Pagdating sa kubo. Hindi na mapigilan ni zara ang kanyang feeling sa binatang kaibigan. Lalo na at marami ang nagkagusto dito.

Agad niyang sinunggaban ng halik si mateo.

“Zara? Bakit?”biglang tanung ni mateo sa kanya, habang nakadagan na si zara sa kanya.

“Mahal kita mateo,” bulong nito at inulit ang paghalik niya dito

Hindi na nakatanggi pa si mateo sa mga halik ni zara dahil unti unti itong nadadala sa mga maiinit niyang halik.

Hanggang sa paulit ulit nilang ginawa ang hindi dapat gawin.

At umabot sa punto na kailangan siyang panagutan ng lalaki.

Na udlot ang pagbalik tanaw nito sa kanilang nakaraan. Nang mapansin nitong wala si tricia sa kanyang kama. Dahan dahan siyang bumangon at sinilip ang kuwarto ng kanyang tita.

Nakita niyang mahimbing ng natutulog ang dalawa. Naisip niyang magpapaliwanag siya kinabukasan.

Nakapag luto na siya sa kanilang agahan. Nang biglang tumawag si dave sa kanyang celphone.

“Goodmorning babe?” Unang bati niya sa nubya.
“H-hi” aniya na parang nenerbiyos. Hindi alam kung anu ang kanyang sasabihin sa binata, lalo na at may nangyari sa kanila ng asawa.

“Maaga ako sa opisina”i hope na maaga ka rin darating.” Ngiting sabi ng binata.
“O-Oo!” Sige?” I’ll see you!” Paalam nito sa nubyo.

“Uhhh!! Ani mateo at kinapa niya ang kinaroroonan ng asawa sa kanyang bandang kanan. Bigla siyang napabangon. At sinilip sa banyo. Hanggang sa naka amoy siya ng masarap na pagkain na bagong luto mula sa kusina. Bigla siyang napasilip doon.

At nakita niyang nandoon ang kanyang asawa. Bigla siyang ngumiti dahil nakikita niya ang pag asang maging maayos sila ng asawa.

Kabanata 33

Tinungo niya ang banyo, at naligo. Paglabas niya sa banyo. Isinuot niya muli ang kanyang damit dahil wala siyang pampalit na dala.

“Gising kana pala.” Biglang sabi ni zara sa likod nito.
“Oo’ thank you pala sa pag aalaga saakin kagabi.”ngiting sabi nito.

“Pagkatapos...


mong mag almusal pwedi kanang umalis.” Ani zara

“Akala ko ba okey na tayo na napatawad muna ako sa ginawa ko?” Biglang lungkot na sabi niya dito.
“Zara,please!!! Gusto mo bang lumuhod pa ako sayo para mapatawad mulang ako?” Giit pa ni mateo.

Hindi malaman ni zara kung anung gagawin sa dalawang lalaking minahal niya.?

Nakita niyang taos pusong humihingi sa kanya ng tawad ang asawa nito.

“Kung nasaan ka, kailangan andoon ako zara,?” Ani mateo

Hindi nalang siya kumibo sa naging reaksyon ng asawa nito. Hanggang sa nagising sina tita at tricia.

“Pinsan, halika nga… aniya habang hinila niya palabas si zara

“Magandang umaga po tita, tricia. Ngiting bati niya sa dalawa.

“What are you doing? Your are out of your mind?” Ani tricia na nanlaki pa ang mga mata habang naiinis sa pinsan nito.

“Huwag mong sabihin na kayo na ulit ng asawa mo?” Saad pa nito. Habang si zara ay nalilito din sa mga nangyayari.

“Nagulat na lamang kami ni nanay, dahil pagdating namin dito kagabi. Nakita namin na magkayakap kayo ni mateo? Pinsan kayo naba? Paano si dave.” Biglang bulong nito sa kanya.
“Tricia, im worried” kasi nga dipa kami hiwalay ni mateo?” Biglang sagot nito sa pinasn.
“Pero niloko ka niya. Ipinagpalit ka niya sa kaibigan mo? Tapos ngayon. Okey lang sayo na maging kayo ulit?” Dagdag pa ni tricia na namumula na sa inis. Kontra siya kay mateo dahil sa ginawa nito.

“Kapag oras na malaman ni mateo na kami ni dave. Baka kasuhan pa kami?” Pag alala naman sagot nito sa pinsan.

Tahimik lang si tita sa isang tabi. Para sa kanya. Kung saan masaya ang pamangkin doon siya.?

Mga ilang sandali muling pumasok ang dalawa. At nakisabay sa dalawa habang kumakain ng agahan.

“Sabay sabay nalang tayo papasok sa trabaho.” Masiglang sabi ni mateo sa dalawa.

Nagkatinginan nalang sina tricia at zara.

Hindi makakapayag si elane na pagkatapos ng lahat ay basta basta na lamang siya iwan ng lalaking inaakala niyang tunay siyang minahal.

May sapat na itong pera dahil sa kanyang pag model.

Kaya hindi ito makakapayag na basta basta nalang ito iiwan…

Pagdating nila sa office, masayang pinagbuksan siya ni mateo sa front set ng sasakyan, kung saan siya naka upo. Tahimik lamang si tricia habang pasulyap sulyap siya sa dalawa.

Halos madurog ang puso ni dave, sa nakita niyang kasweetan ni mateo kay zara. Parang binabayo ang puso nito. Nasasaktan siya?

Pagkatapos kausapin ni elane ang taong inutusan nito para dukutin si zara. Agad itong nagbigay ng pa unang bayad para maisagawa agad ang gusto nitong mangyari para sa dating kaibigan na ngayon ay isa ng mortal niyang kaaway, isang pusakal na kriminal si dexter. Dahil hindi ito makakapayag na muling magkabalikan ang dalawa.

Naramdaman ni dave na may mga yabag ng sapatos ang papalapit sa pinto ng kanyang office. At ilang sandali pa ay nakarinig siya ng marahang katok at dahan dahang naman nagbukas.

“Goodmoring!”masiglang bati nito sa kanyang nubyo. Pero ngiti lang ang tugon ni dave….

“Hey! Aniya habang nilapitan ang katipan, na tila wala ito sa mood!
“Kayo naba ulit?” Biglang tanong nito na sobrang seryoso ng mukha. Na akala mo nawalan siya ng isang laruan.

“Uh! Uhm! No!” Aniya
“Nakita kung magkasama kayo, sinundo kaba niya?” Ulit nitong tanong.

“Uhm- uh! Oo!” Pagsisinungaling niya ulit dito. Mas pinili niyang magsinungaling dahil wala siyang lakas na loob para sabihin dito ang totoo….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.