0

My husband cheater


Report

Kabana 34

Pagkaraan ng ilang oras, hinyaan niyang mag ring ng mag ring ang kanyang mobile phone at hindi niya ito sinasagot, sa halip kanya pang gisilent ang ringtune nito para hindi makagawa ng ingay.’

Labis naman nanggagalaiti sa galit si elane, lahat ng mahahawakan ng kanyang kamay ay kanyang tinatapon.

“Shiitttt!!!! Sigaw niya na halos labas ang mga ugat niya sa leeg? Hindi niya matanggap ang pagbabaliwala sa kanya ni mateo.

Halos abutan na siya ng ilang oras sa kakatawag niya sa numero nito. Subalit walang tugon galing sa kanya.

Bigla niyang tinawag so dexter para sa kanyang maitim na balak para kay zara. At ready na si dexter at naka abang na siya sa target.

Naisipan ni mateo na puntahan ang asawa nito sa kanyang pwesto, upang bisitahin. Nakita niyang nakabukas ng kunti ang pinto. At bigla siyang napasilip sa loob. Pero tumambad sa kanya ang isang katotohanang, labis niyang ikinagulat. Nag init ang kanyang pakiramdam at tumaas ang dugo niya at nagkuyom siya ng kamao. At naniningkit ang kanyang mga matang..
Biglang sinugod ang kuya nitong nakipaghalikan sa asawa nito sa loob.

Na labis naman ikinabigla ni zara at dave.

“Hayopp!!! Agad niyang binitawan ang kamao nitong kanina pa niyang kinuyom at biglang dumapi sa maamong mukha ng kuya nito at bigla naman naka ilag si dave kaya sa panga siya natamaan.

“Traydor ka kuya!!! Diko akalain na magagawa mo ito sa’akin.!!! Singhal nito.

Labis naman nabigla si zara sa mga nangyari dahil hindi niya inaasahang makita sila ni mateo.

Sinubukan niyang awatin ang dalawa, hanggang sa dumating na ang ibang staff at nina tricia at ethan na umawat na rin sa dalawang nagsuntokan…

“Wala kang karapatan na halikan mo ang asawa ko.!!! Aniya na.
“Pagkatapos ng ginawa mo sa asawa mo, at ipagpalit sa ibang babae! Tapos ngayon gusto munang makipagbalikan sa kanya.!!! Para anu!!! Sigaw din ni dave habang nagdurugo ang panga nito na natamaan ng suntok ni mateo.

“Wala kang alam sa pinagdaanan ng asawa mo nung ipagpalit mo siya sa iba!!!

Nilapitan agad ni tricia si zara at nag alala ito. Gulong gulo naman ang isip ni zara habang patoloy na umiiyak. Hindi niya akalain na ganun katindi ang ginawa nito na pinagsabay ang dalawang lalaki. Pero tao lang siya at naipit sa matinding tensyon ng dalawa.

“Tama naaaaa!!!! Sigaw ni ethan.
“Please leave us both of you!!! Sigaw niya sa mga staff na nakinuod sa kanila. At agad naman sila nagsilabasan at bumalik sa kani kanilang trabaho. Agad binalibag ni ethan ang pinto ng opisina ng kanyang kuya.

“Ikaw lang ang makapag disisyon nito zara…” baling niya dito.

“Makikipaghiwalay si zara kay mateo!! Giit naman ni dave. Habang si mateo nagpipigil lang matinding emosyon.

“Asawa ko si zara!! At kahit kailan, hindi ko isusuko sayo ang asawa ko!! Kahit umabot pa tayo sa korte!! Asawa ko iyan kasal kami!! Tugon niya habang nagkukuyom ng kamao.

Dahil sa gulong gulo na ang isip ni zara, at dahil din...


sa sobrang kahihiyan. Bigla siyang lumabas sa opisina at nagtatakbo siyang palabas…

Hinabol siya ni tricia, pero patoloy parin siya sa pagtakbo, wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob at labas ng building na iyon….

Kabanata 35

“Zaraaaa!!!! Sigaw ni tricia habang nakikita niyang nasa labas na si zara hanggang sa dina niya makita ang pinsan.

“Nasaan na iyon?” Tanong ng kanyang isip ng biglang mawala sa kanyang paningin ang pinsan.

“Anu itong ginawa ko…. sobrang nakakahiya… “naguguluhan ako” sigaw ng kanyang isip habang patoloy siyang tumatakbo..

“Mahal ko si dave… at mahal ko din si mateo…”ohh god please’ liwanagin mo ang isip ko, kung alin sa kanila ang lalaking niloko ako o’ iyong minahal ako at tanggap ang nakaraan ko”

Hanggang sa matapat siya sa isang hilux na color block at nabigla siya ng may kung anung bagay ang humila sa kanya papasok sa sasakyan. Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng saklolo pero bigla siyang binatukan ng malakas ni dexter at bigla siyang nawalan ng malay..

Bago siya nawalan ng malay pilit niyang kinikilala ang mga taong dumukot sa kanya, pero lahat sila nakatakip ang mukha…

Nakailang balik na si tricia, at ng subukan niyang tawagan, si mateo ang nakasagot sa tawag nito dahil naiwan nito ang kanyang mobile phone sa opisina.

Labis ang pag aalala niya dahil naka ilang oras ng hindi pa bumabalik si zara.

“Kasalanan mo to mateo!!! Gigil na sabi ni dave habang ginagamot ni liza ang natamo niyang sugat.

“Ikaw!!! Ganti naman niya.

“Para kayong mga batang paslit!!! Pwedi ba hanapin nalang natin si zara! Hindi iyon, pareho kayong nagsisihan.’ Ani ethan.

“Anung sinasabi mo ate! Nawawala si zara!”Biglang tugon ni mang leandro, labis ang pag alala ni tita sa biglang pagkawala niya na kahit ang dala niyang hand bag at mobile phone nito ay hindi niya dala. Hanggang sa maggagabi na ay wala paring zara na dumarating.
Kaya nisipan ng matanda na ipagbigay alam na ito sa kanyang mga magulang.

Kahit sina dave ay labis na din nag alala.

Habang tumatakbo ang sasakyan, unti unting dinidilat ni zara ang kanyang mga mata. Labis siyang kinabahan ng maramdaman niyang nakagapos ang kanyang kamay at paa. Hindi siya makakilos dahil sa kalagayan niya, at kumikirot pa ang kanyang batok sa lakas ng pagkakabatok sa kanya ni dexter. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga nangyari na iyon sa kanya….

Gusto niyang magsalita pero nakabalot ang kanyang bibig, kaya minabuti niyang manahimik nalang at nagmatyag.. bigla naman may tumawag sa mobile phone ni dexter.

“Ma’m mission accomplish” at agad tumawa ang lalaki na katabi ng driver. Habang siya’y maingat na nakasilip sa backset ng sasakyan..

“Bahala kana, sa kanya dalhin mo kahit saan. Basta malayo lang dito sa maynila.”

“Huwag kayong mag alala, dahil malayo na kami sa maynila.”

Labis ang kaba na kanyang naramdaman. Pilit niyang inaalam kung sino ang taong nagpadukot sa kanya. Basang basa ng luha ang kanyang makikinis na pisngi. Maingat ang bawat galaw nito dahil sa matinding takot sa dalawang lalaking nasa front set naka upo…..

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.