0

My BestFriend’s Husband Chapter 25


Report

#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🌹Tiffany POV
(Mapaghiganting Stephanie)
Hindi ko inaasahan na ako ang unang magigising saming dalawa. Ayaw ko mo nang magpakita gusto ko mo nang magtago at wag harapin ang lahat. Pero nandito na ito. Kailangan kong harapin ang lahat.
Binalaan na ako dati ni Yuri na bago ako gumawa ng hakbang ay pag isipan mona. Pinag-isipan at pinaghandaan ko naman ang lahat pero bakit naduwag na ako ngayon. Bakit may pag sisisi na akong nararamdaman bakit natatakot na ako ngayon sa mangyayari.
Bakit ayaw ko nang tapos in ang lahat. Bakit pinag hihinaan na ako ng loob. Dahil ba nalaman kong hindi pala ako pinabayaan ni Kuya Vincent. Dahil ba nalaman kung binalikan nya ako doon. Kaya ako naduwag ngayon sa kung ano man ang pinaplano ko?
Maaga akong umalis sa mansyon hindi na ako nag paalam. Tinawagan ko si Yuri para makapag usap kaming dalawa. Nalaman kong nakauwi naka uwi na sya ngayon sa pinas.
Kaya dinalaw ko sya sa office nya sa hospital na pinagtatrabahuan nya.
“May problema kaba kaya ka nakipagkita sa akin?” Alam na alam ni Yuri na kaya ako makikipag kita ay dahil may malaki akong hinaharap na problema
“b-buntis Ako” mahina kong sabi at gustong gusto kong umiyak sa harap nya pero pinipigilan kong wag umiyak sa harapnnya.
kita ko sa mga mata nya ang pagka gulat nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya.
“Ano! Tinuloy mo ang binabalak mo sa singapore. Hib*ng kana ba? Anong tung ginawa mong gulo. Stephanie. Nahihib*ng kana ba. Bakit mo pinaabot sa ganito ang lahat? Bakit ka nag pa buntis” pinipigilan nya ang sarili nya na pagtaasan ako ng busis at wag magalit. Pero ramdam ko ang galit nya
Pinapagalitan nya ako
“Hindi ko alam .gulong gulo na ako Yuri.. Hindi masamang tao ang kuya ko. Binalikan nya ako ng araw na yon. halos mabal*w ang kuya ko sa paghahanap sa akin.” Naiiyak konang sabi pero si Yuri nanatili paring seryuso pero may galit sa mga mata nya.
” Binalikan kanga nya pero Huli na ang lahat Stephanie . Gusto mo na bang maging malaya. Kung nag patawad ka bakit hanggang ngayon dalawa parin kayong nabubuhay sa katawan ni Megan. Katawan yan ni Megan pero mukha mo ang ginaya ko. Para maprotekthan ang kakambal ko sa pagkatao mo. Pero ano itong pinasok mong gulo. . Stephanie.?”
Bigla akong nakunsinsya sa mga sinabi saakin ni Yuri. Nakikihati nga ako sa katawan ni Megan. . Oo katawan ito ni megan ngunit mukha at pangalan ko ang ginagamit nya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil totoo ang mga sinasabi ni Yuri.
” Ano ba ang Plano mo ? ipapaubaya mona ba kay Megan ang pagkatao mo ?.yun ba ang binabalak mo? Kaya ito ang ginawa mo?”
Nagsimula na nyang ipakita ang galit nya.
” Paano ku pa maipapaubaya ang pagkatao ko kay Megan , kung pinagbubuntis nya ang anak ni Andrew.. Oo Asawa ni Andrew si megan at pweding pwedi silang magka anak pero mukha ko at pangalan ko ang ginagamit ni Megan. Magkapatid kami kaya hindi ko pweding ipa ubaya nalang ang pagkatao ko kay Megan. Paano kung magkabukingan na paano kung malaman nila na anak ako ni Mr.Danilo. Magkapated kami ni Andrew. Paano sila mabubuhay ng masaya Kung gagamitin nya ang pangalan ko. Kung sakaling ipapa ubaya ko sa kanya ang katauhan ko. Pero paano naman ako.. paano ang pagkatao ko. habang buhay na ba akong makikihati sa katawan ni Megan? ”
Naiiyak kong sabi. . Hindi kona alam ang gagawin ko
Gulong gulo na talaga ako. Oo katawan ni Megan ang ginagamit ko at nakikihati lang ako. Dahil hanggang ngayon nakaratay parin ang katawan ko sa hospital na ito. Ang tunay kong katawan...


ay nacomatos. Isang taon na ang nakalipas ng matrap ako sa malaking sunog kung saan ginanap ang Birthday PArty ni Hena. Sunod sunod na pagsabog ang nangyari sa party na iyon. Naiwan akong mag isa sa loob at laking pasasalamat ko may tumolong saakin at dinala ako sa hospital. Pero nadala nga ako sa hospital pero hindi namn magising gising ang katawan ko dahil pagala gala lang ang kaluluwa ko. Hindi ko alam kong patay na ba ako o mabubuhay pa ako.
Lutang ako sa mga oras na iyon walang mapuntahan. . Walang makausap. Wala ni isa sa tabi ko na pwdi kong sandalan.
Napad dap nalang ang ligaw kong kaluluwa sa lugar na kinalalagyan ni Megan. Humihingi sya ng tulong habang nasusun*g ang katawan nya sa lugar na iyon. Hanggang sa Nawalan na s ng mal*y si Megan. Kinailangan ko syang saniban para mailigtas sya sa umaap*y na lugar na iyon. Pilit kong makalabas sa lugar na iyon gamit ang katawan ni Megan kung hindi ko iyon ginawa masusun*g ng boung bou si megan. Nakalabas syang buhay at sunog ang katawan.
Mabuti nalang at may kilala akong kaibigan ni Yuri sa naka rescue sa katawan ni Megan . Kaya dinala na nya ako agad kay Yuri . Laking gulat ni Yuri at hindi makapaniwala na dalawa na kaming nabubuhay sa katWan ni Megan. . Kaya pinaayos nya ang sunog na katawan ni megan sa katauhan ko kaya naging kamukhang kamukha na ako ni Megan. Natrap ako sa katawan ni Megan hanggang ngayon hindi parin ako makalabas labas kaya ito nagsisisi ako ngayon sa maling nagawa ko.
Hinayaan kong mabunt*s si Megan kay Andrew na hindi man lang ako nag isip ng mabuti kaya hito pinapagalitan na ako ni Yuri ang kakambal nya.
“Ano na ang balak mo Stephanie? . Paano kung malaman nila ang katutuhanan magkapated kayo ni Andrew . PagnalaMan ito ni Vencent baka hindi nya mapigilan ang sarili nya na makapat*y ng tao dahil alam nyang magkakpated kayo pero ang iba walang kaalam alam na magkakapated kayo.. Ano na mangyayari kay Megan pati sa magiging anak nila ni Andrew. Hindi pa bumabalik ang alala ni Megan.. ano na ang balak mo stephanie?”
” Hindi nila dapat malaman ang katutuhanan. Hindi dapat malaman ni kuya Vensent na anak tu andrew ano kaya kong aminin na natin sa kanila ang katutuhanan na sya talaga si Megan. Maniniwala kaya sila?”
” Nababal*w kana talaga Stephanie . Kung sasabihin naten ang totoo. Mapapahamak kayong dalawa. malalagay sa alanganin si Megan. Alamong may nagtatangka sa buhay nya. ipina ubaya ko sayo si Megan. dahil ang akala ko mapprotiktahan mo sya sa pagkatao mo pero ano ito? nilalagay mo sya sa kapahamakan. Stephanie. Nilagay mo sya sa alanganin”
“Nasisisi na nga ako sa ginawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo na talaga ako.” Naiiyak kong sabi.
Nyakap ako ng mahigpit ni Yuri para damayan ako. Kahit papaano ay napapakalma nya ako.
Lumabas mona ako at pumasok ako sa isang silid kung saan nakahiga ang totoo kung katawan. Isang taon narin akong hindi nakakabalik sa tunay kong pagkatao. Sa totoo kung katawan yung hindi na ako makikihati pa.
Naiiyak na akong pagmasdan ang sarili na wala paring malay. Hindi ko parin alam kong bakit hanggang ngayon hindi parin ako bumabalik sa katawan ko. Habang buhay na ba akong makikihati sa katawan ni Megan?
” Ikaw…. bakit ayaw mo parin magising . . Bakit nakahiga ka parin dito? Hanggang kailan ba ako ganito.? Hanggang kailan ako makikihati kay Megan. Bakit hanggang ngayon si megan parin ang kaagaw ko sa lahat?”
Naiinis kong sabi.
Sawang sawa na akong makihati pa sa katawan ni Megan. Gusto ko nang mabuhay ng normal pero kailan yun mangyayari?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.