1

One Nightstand With Mafia Boss Chapter 5


Report

Nakatulala lang si Ivanna habang tinatahak ang kwarto ni Hanna dito hospital.
Pagkatapos kasi sabihin ni Lazarus ang katagang yun ay umalis na ito may iniwan rin kay Ivanna na number para tawagan kung papayag siya.
Hanggang gabi lang ang final ng desisyon nya.
Pagbukas ni Ivanna ng pinto nakita niya na tulog pa ang bata habang si Karen ay nakupo sa sofa at nakatutok sa cellphone nito.
Agad niyang isinara ang pinto at pabagsak na umupo sa sofa.
“Ohh bakit ganyon ka lang?”.bungad na tanong sakanya ni Karen.
“May problema ba?”.tanong muli nito.
Hindi alam ni Ivanna kung sasabihin niya ba ang nangyari kanina dahil sigurado na papangaralan na naman siya nito.
Buo na ang desisyon nya na sabihin ang totoo. “Ano kasi…wag kang..mabibigla”.utal niya
“Hmm?”.naghihintay na susunod na sasabihin ni Ivanna.
“Magpunta kasi yung lalaki na ninakawan ko ng limang milyon”.sabay pikit niya.
“Ano?!!!!!”.gulat na bulyaw nito
Kaya agad ni Ivanna iminulat ang mata para tingnan ang bata kung nagising.
“Ano ka ba Karen ang lakas ng boses mo baka magising si Hanna”.Singhal niya dito.
Nakita ni Ivanna na napahilamos ng mukha si Karen dahil sa matindi nitong pag aalala.
“So kailan? Anong sinabi?”.sunod na tanong nito.
Napalunok si Ivanna lalo na at maalala niya ang napag usapan.
“Kaninang pag uwi ko nakita nasa loob siya ng apartment natin at kinuha yung kwintas”. kwento ni Ivanna dito sa kaibigan habang nakikinig lang si Karen.
“Then iyun hinahanap niya rin yung five million, kaso hindi ko binigay dahil gagamitin ko nga yun, kaya nagkaroon siya ng kondisyon na magtrabaho ako sa kanya bilang katulong”. kwento ni Ivanna dito sa kaibigan.
Gulat lang na nakatingin saknya ang kaibigan. “So anong sinabi mo? Pumayag ka?”.tanong ng kaibigan
“Nagbigay siya saakin ng time na hanggang gabi lang ang final”. nakayuko na saad ni Ivanna dito.
Napahinga naman ng malalim si Karen.
“So anong plano mo?”.tanong ni Karen
Napakagat labi si Ivanna bago sagutin ang tanong ng kaibigan. “Papayag ako na magtrabaho sa kanya”.matatag na sagot niya.
“Sabagay kailangan mong pumayag dahil kung hindi baka hindi natin maoperahan si Hanna”.sabay tingin sa batang natutulog.
Tumango lamang si Ivanna.
“Ehh anong pangalan nung lalaki?”.tanong pa muli ng kaibigan.
Ikinuha naman ni Ivanna ang isang calling card na may pangalan sa kanyang bulsa at ibinigay sa kaibigan.
“Lazarus Smith”.basa ni Karen sa nakasulat
Napatakip naman sa bigbig si Karen na makilala ang ito.
“Anong nangyari sayo?”.takang tanong ni Ivanna na makita ang reaction nito.
“Kilala ko ito, isa siya mga business tycoon may malaki rin itong kumpaniya sa Italy”.gulat na saad nito na ikinakunot naman ni Ivanna.
“Paano mo naman na sabi?”.takang tanong pa ni Ivanna.
Napansin naman ni Ivanna namay ipinipindot sa cellphone itong si Karen at ng matapos ibinigay sa kanya.
Kunot noo niya ito tiningnan kung ano ang nasa cellphone ng kaibigan.
Nakita niya ang isang article at dun nakita niya ang hot at gwapong mukha ni Lazarus.
“My god Ivanna hindi ko akalain na si Lazarus Smith pa talaga ang na nakawan mo”.gulat na sambit ng kaibigan.
Ibinigay naman ni Ivanna ang cellphone kay Karen na gulat rin sa loob loob niya.
“I don’t know”.tanging sagot niya nalang.
“Pero Ivanna mag iingat ka sa Lazarus na yan may mga balita rin na isang mafia ang taong Yan”.paalala nito kay Ivanna.
Bigla naman napatigil si Ivanna na marinig ang salitang Mafia naalala niya tuloy ang taong dahilan kung bakit naging madilim ang buhay niya isa rin ito sa taong ibinaon niya na sa kanyang nakaraan.
“Hmm mag iingat ako”.sagot niya sabay ngiti sa kaibigan.
Gabi na kakatapos palang nila maghapunan kasalukuyan siya ngayon nasa rooftop ng hospital para sabihin sa Lazarus ang kanyang desisyon.
Nanginginig siya habang idinadial ang numero.
Hanggang tinatawagan niya na ito.
Hindi rin nagtagal ay sinagot narin nito ang tawag niya.
“Hello who’s this?”.rinig niyang baritonong boses nito at hindi siya pwedeng magkamali dahil kahit kaninalang sila nagkita nakatak parin sakanyang isipan ang boses nito.
“Ako to si Ivanna”. nanginginig niyang saad sa kabilang linya.
“So, what is your decision”.tanong sa kabilang linya.
“Pumapayag na ako”.madiin niyang sagot.
“Yeah, I see dahil wala ka naman talagang pagpipilian lalo na kailangan mo talaga ng pera sa pampaopera”.nagulat siya sa sinabi nito.
‘ibig Sabihin alam nito’.sambit sa isipan ni Ivanna
“Paano mo nalaman, stalker ba kita”.may halong inis niyang tanong dito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya pakiramdam ni Ivanna ay kaysarap sa tenga pakinggan ang tawa nito.
“Tsk funny, I have my own Ms. Garcia”.cold na sagot nito.
“So, kailan ko ba sisimulan ang trabaho ko?”.pagbago niya ng topic
“Bukas”.tipid na sagot...


nito na ikinagulat niya
“Anong sabi mo?”.tanong niya ulit
“Ayoko na inuulit Ang mga sinasabi ko Ms.Garcia”. maawtoridad na saad na sagot saknya
“Hindi pwede na bukas dahil yun rin ang araw na oope…”.hindi na natapos ang sasabihin ni Ivanna na sumingit na si Lazarus
“I don’t care Ms. Garcia”.sagot nito
“Bukas ng 7 may susundo sayo sa apartment mo kaya doon ka pumunta”. diretsahang sagot nito sabay end call ng tawag.
Nakanganga lamang si Ivanna habang iniisip parin ang mga pinag usapan nila.
6 o’clock palang ay gising na si Ivanna, maaga rin nagising si Karen sinabi niya dito ang pinag usapan sa una ayaw ng kaibigan dahil ngayon ang magaganap ang operation ng bata pero kinumbinsi ni Ivanna ang kaibigan kaya pumayag rin ito.
Sinabi narin nila sa bata na kailangan itong operahan pumayag naman ang bata.
Ngayon ay nandito na siya sa kanilang apartment nagpaalam narin siya kanina at sabi niya hahanap siya ng paraan para makapunta sa hospital.
Nagiimpake siya ng gamit niya sa sala ng may ng may kumatok kaya pinagbuksan niya iyon nakita niya ang isang lalaki nakapormal na suot pero litaw rin ang gwapo nito.
“I’m Owen Lumber at your service Ms. Ivanna Garcia”. nakangising bungad nito, napangiwi lang si Ivanna dahil mukhang itong babaero.
“Sige, kukunin ko lang yung gamit ko”.paalam niya pero pinigilan siya nito.
“Ako na ang kukuha Ms. Ivanna baka kasi mapagod ka pa”.sabay kindat sa kanya at pumasok ito sa loob ng kanilang apartment.
‘Napakapresko naman ng lalaking yun’.sambit sa isip ni Ivanna.
‘Sabagay mana sa amo’.dugtong pa niya sa isip.
“Wag kayong mag alala Ms. Ivanna utos ito ni Boss na wag kang pabuhatin dahil siya lang ang dapat magpapagod sainyo”.nagulat si Ivanna ng hindi mapansin na andito na pala si Owen.
Pakiramdam ni Ivanna may meaning yung salitang dapat ang boss lang nito ang dapat magpapagod sa kanya.
Agad sila pumunta sa sasakyan nito ito narin ang naglagay sa likod ng sasakyan ang gamit niya at pumasok narin siya sa backseat.
Habang nasa biyahe sila ng biglang nagsalita itong kasama niya.
“Masarap ba si boss?”.muntik na masamid ang laway ni Ivanna sa tanong ng lalaking ito.
At napansin ito ni Owen kaya humalak lak ito ng tawa.
Tiningnan lang ito ni Ivanna ng masama agad naman ito tumahimik hanggang huminto ang sasakyang sa isang itim na gate.
Napausog ng konti si Ivanna sa bintana ng kotse Ng makita ang malaking gate.
Habang papasok sila namangha siya sa ganda ng paligid may bulaklak na Rosas na nakapalibot hanggang huminto na ang sasakyan.
“Nandito na tayo”.wika ng kasama niya at nauna itong lumabas para kunin ang gamit niya.
Lumabas narin siya. Mangha siya ng makita ang malaking bahay nito.
“Ohh Owen siya na ba?”. napatingin siya sa likod ng may magsalita at nakita niya ang babaeng matanda.
“Opo siya si Ivanna”.pagpapakilala sakanya ni Owen sa matanda.
Tumingin naman ang matanda sakanya.
“Hello po”.bati ni Ivanna sa matanda.
“Ohh dalaga ka papala akala ko ang tinutukoy saakin ng batang yun ay may katandaan na”.Ani nito naikaitanga niya at tumawa naman itong kasama niya nasi Owen.
Gusto niyang sapakin ang lalaking yun dahil sa maling kwento nito.
“Wag ka sanang magalit kay Lazarus sadyang mapanglait lang ang batang iyon”.pagpapakalma sa kanya ng matanda na siguro napasin ang pagsalubong ng kilay niya.
Tumango lang siya.
“Sya pala ako nga pala si lolo Fely matagal na ako dito at magreresign narin alam mo maykatandaan narin ako”.pakilala nito sa kanya.
“At ikaw si Ivanna ang papalit saakin dito”.patuloy nito.
“Opo”.tipid na sagot niya.
Inaya naman siya ni lola Fely na pumasok sa bahay kasama itong alagad ni Lazarus at ang Sabi naman nito ni Lola Fely ay nasa trabaho pa daw itong si Lazarus pero uuwi daw ito ng maaga dahil ngayon ang alis ng matanda.
Kasalukuyan na naghahanda sila Ivanna at si Lola Fely ng tanghalian dahil ngayon darating si Lazarus.
Nakaalis na rin kanina si Owen dahil may aasikasuhin pa ito. Marami ring tinuro si Lola Fely sa mga dapat niyang gawin. Inilibot rin siya nito sa buong bahay kaya mangha sa ganda nito.
Ngayon rin ang alis ni Lola Fely hinihintay lang nito si Lazarus para makapag paalam.
Maya maya may narinig sila ng ugong ng sasakyan at iyon ay kay Lazarus.
Sabay silang lumabas para salubungin.
Pagkalabas nila nakita niya na pababa na si Ivanna sa kotse nito.
Hindi maipaliwanag ni Ivanna ang nararamdaman na makita ulit ang lalaki lalo na tingnan ang suot ni na naka formal attire na nagpakisig sa katawan nito.
Parang kinukueryente siya ng magtama ang mga mata nila.
A/N: 😍💖😍💖


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.