0

MINSAN LANG AKONG MAGMAHAL PERO BAKIT SA ISANG CHEATER PA?


Report

MINSAN LANG AKONG MAGMAHAL PERO BAKIT SA ISANG CHEATER PA?
“May kwento ako sa‘yo love.” video call na pananalita ko sa aking girlfriend.
Nakilala ko s’ya sa rpw noong 2020 tapos ngayon umabot kami ng 2022 kaya sobrang saya ko ng matagpuan ang kagaya niya rito.
“Ano iyon?”
“Kanina kasi, bumili ako ng juicy lemon sa tindahan tapos iyong tindera doon ay matanda na, ito iyong usap namin. ‘pabili mo juicy lemon’ ayon nasabi ko sa kaniya tapos sabi nito ‘rc?’, ‘hindi po, juicy lemon’ tapos sabi ba naman oo nga rc e di ako namang abnormal hinintay s’yang kumuha non sa ref. Tapos pagbalik niya binigay iyong juicy lemon na rc daw, diba nakakatawa?” saad ko habang tumitili.
Napabuntong-hininga ito, “ah oo nakakatawa talaga. Galing non ah!” aniya.
“Oo naman, matanda na kasi s’ya kaya minsan hindi alam iyong binibili.”
“Oo, nga pala bukas na 18th birthday ko baka naman d’yan mahal, kahit lsm lang.”
“Sige ako na bahala.”

“Today is my girlfriend 18th birthday, ang masasabi ko lang sa‘yo mahal. Nandito ako sa mga oras na kailangan mo handa akong makinig sa lahat ng problema mo, kaya ko iyang intindihin maliban na lang sa pagka abnormal mo kidding. Ang wish ko lang ay daat healthy ka at take care din minsan huwag na pasaway, I love you. Sa pm ko na lang ilalagay iyong iba.” post ko sa Facebook, kaya maraming kakilala ko ang bumati sa kaniya.
“Thank you, I love din.”
Chinat ko s’ya roon ng walang kapaguran, halos ginawan ko ng paraan ang lsm na dapat sa kaniya. Iyon ang gusto niya e saka nagbili na rin ako ng Jollibee at pina deliver iyon sa location niya. Kahit ganun lang ka simple I know na worth it naman ang nagawa ko for her.
“Salamat sa padala mong Jollibee mahal.” chat nito kaya napangiti ako.
5 days ng mangyari ang birthday niya, umamin s’ya sa’kin bigla na nagcheat ito.
“Hindi ko sinasadya...


na mahulog ulit ang loob sa kaniya.” aniya nito sa call namin.
“Ah ganun? Babalikan mo s’ya kasi nahulog ka? Tangina iniwan kana non, hindi paba sapat iyong niloko ka niya ng paulit-ulit? Gago pala iyang ex mo e. Alam na niyang may boyfriend kana nakikisiksik parin?” galit na tuno ko.
“E hindi ko alam pero babalikan ko s’ya, ano kasi mahal ko pa e. Hindi mo’ko masisisi kong bakit s’ya ang pilit kong mahalin.”
Nag-iba narin ang takbo ng puso ko sa sinabi niya, tila titigil ito sa ilang minuto na lang.
“Kapag binalikan mo s’ya, paano ako? Paano ang nagawa ko sa‘yo? Ganun-ganun na lang ba iyon? Tangina ginagamit mo ba ako ha?” sigaw ko.
Napahinga ito ng maluwag, “ewan. Mahal ko pa s’ya, sorry na bye.” huling sambit nito at pinatay ang tawag.
Chinat ko bigla iyong kaibigan niya may rpw account kasi iyon, tatanungin ko lang talaga s’ya. I know na marami itong alam tungkol sa gf ko.
“Nica, may alam kaba kina Kyle at Natasha?”
“Ahh, oo bakit?”
“May namamagitan ba sa kanila nong kami pa?
“Oo, she cheated on you. Pasens’ya kana hindi ko nasabi sa‘yo noon baka ayaw mo lang akong pagkatiwalaan e.”
“Oh, ok lang iyon. Btw ano ba tungkol sa kanila nong kami pa?” chat ko.
“Ganito iyon matagal ng sila ah, 2017 pa pero naghiwalay iyong dalawa noong 2020 alam mo namang marupok si Natasha diba? Kaya ayon tinaggap niya ulit si Kyle nong nanligaw ito nong 2021. Bale tinuloy nila ang anniversary noong naging sila pa.” mahabang chat nito na nagpagulat sa’kin.
Paano nangyari iyon? Ibig sabihin ba non, habang kami niloloko na niya ako?
“Oh thank you.” tanging sagot ko.
Binalikan ko ulit si Natasha upang kausapin ito pero huli na iyong lahat, i-unfriend niya ako at blinock ng hindi man lang nagpaalam.
“Iyong effort ko sa‘yo at pagmamahal hindi mo nadama.”
— WORK OF FICTION
— DON’T PLAGIARIZED
— ERRORS AHEAD
— @sae


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.