0

THE NIGHT BEFORE YOU GONE


Report

THE NIGHT BEFORE YOU GONE”
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Title: THE NIGHT BEFORE YOU GONE
Author:Js
Genre:mix
~~~~~
Tahimik akong nakaupo at tila lumilipad ang isip ng marinig ko ang isang boses na tumawag sa pangalan ko..
“Klander!!”
Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon,
“Nasan si Yanna? Anong nangyari? Ayos lang ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Denver ngunit nanatili akong walang imik.
“Klander! Tinatanong kita!”
“H-hindi ko a-alam” utal kong saad
“what? Klander wake up! I said where’s Yanna?”
Tumingin ako sa kanya at binalikan kung ano nga ba ang nangyari…
{flash back}
“love saan tayo pupunta after nito?”
Napalingon naman ako sa kanya at tinigil ang pagkain.
“uhm? Saan mo gusto??”
“anywhere, basta kasama ka” saad niya at ngumiti
“sa bahay na lang late na din and nandun na si Denver”
“yes, sige pagod na din ako” sabi niya at sumimangot
“your so cute my love, let’s go I’m done na”
“Ang ganda ng buwan love” saad niya habang nakatingala
“yes just like you, your so beautiful”
“haist ikaw talaga, hindi ako maganda”
“love for me your beautiful, at kahit madaming babae dyan i don’t care cause i have you, i love you Yanna” saad ko habang nakatingin sa kanyang mga mata
“And i love you more Klander” niyakap ko siya at hinagkan sa noo
“let’s go love maybe inaantay na tayo ni Denver”
Habang naglalakad kami ay nakita kong dumaan sa harap namin ang isang batang babae sa tingin ko ay five or six years old pa lang, nakatuon ang atensiyon nito sa laruan na kanyang dala, sinundan ko siya ng tingin ng makita kong tatawid ito, agad akong tumakbo ng makita ko ang papalapit na kotse sa bata, itinulak ko siya agad alam kong wala ng pag kakataon na maka-alis pa sa kinatatayuan ko dahil sa bilis ng paparating na kotse ng maramdaman kong bumagsak ako sa di kalayuan at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay…
Rinig ko ang sigawan ng mga tao. Nahihilo ako dahil sa pag tama ng ulo ko ngunit pinilit kong buksan ang mga mata ko, nakita ko ang bata sa tabi ko at umiiyak agad akong lumingon sa mga taong nagkukumpulan, bigla akong kinabahan kaya’t nagmadali akong lumapit upang makita ang pinagkukumpulan nila..
“Yanna…” sambit ko at tuluyang napaluhod sa nakadapa at duguang si Yanna
“Yanna.. Yanna naririnig mo ba ko?”
Minulat niya ang kanyang mga mata at pinilit magsalita
“K-klan-der”
“Yanna sshhh wag ka munang mag salita okay pagdating na ang ambulansya”
Pilit kong nilakasan ang loob ko kahit na natatakot na rin ako sa dami ng dugong nasa kamay ko at mula ito kay Yanna.
“Sir excuse me” agad nilang pinasok sa ambulance si Yanna, sumama ako at habang nasa loob kami nito ay nag salita ulit si Yanna.
“L-love..”
“yes love i’m here” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay
“L-love.. I’m so.. p-proud of… y-you” utal niyang saad
“love wag ka munang mag salita okay? Malapit na tayo sa hospital”
“L-love.. I l-love… you”
“i love you too Yanna so please lumaban ka okay??”
Ngumiti siya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya
“l-love.. prom-mise me.. na h-hindi mo s-sisisi-hin a-ang… s-sarili mo…. a-at mag-ging masa-”
“YANNA! please stop wag mo nang piliting mag salita okay?”
“m-maging mas-saya ka.. k-kahit wala a-ako”
“Yanna naman eh! Please lumaban ka wag mo kong iiwan ha! Love” pinipigil ko ang mga luha ko na tumulo at pilit na pinalalakas ang loob ko
“I… L-love y-ou klan-der…” huling salita niya bago tuluyang ipikit ang kanyang mga mata
“Love?” tawag ko ngunit nanatili siyang nakapikit
“love! Nurse anong nangyayari??” tanong ko pero hindi ako sinagot nito at patuloy lang sa ginagawa niya
“YANNA!! Yanna please! Please open your eyes! Love don’t do this please open your eyes!!”
“I’m sorry sir pero hindi na siya umabot” saad ng nurse na kakatigil lang sa kanyang ginagawa
“NO! No, hindi pwede wag kang tumigil please nurse gawin mo lahat!”
“I’m sorry pero tumigil na sa pagtibok ang puso niya”
“No! I’m begging...


you please!” pagpupumilit ko ngunit tanging iling lamang ang tinugon nito
“Yannaaa! Please love open your eyes…”
Dumating kami sa ospital agad akong nakiusap sa mga doctor at nurse na iligtas nila si Yanna pero tanging iling at sorry lang ang tugon nila…
“Klander!” tumingin ako kay Denver bago nagsalita
“W-wala na si Yanna” utal kong saad
“Hindi totoo yan, NASAN SIYA!!” tinuro ko ang isang kuwarto na hindi numero ang nakalagay kundi morgue.
“Yanna…. No! Yanna wake up nandito na si kuya” sumunod ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak habang yakap si Yanna
“she already passed away..” malamig kong saad
“Klander! Bakit?? Anong nangyari sa kapatid ko!” tanong niya ngunit wala akong tugon
“KLANDER! ikaw ang kasama niya! Ipaliwanag mo kung bakit nasa morgue ngayon ang kapatid ko!!”
Nagsimula akong magsalita hanggang sa matapos akong Ipaliwanag sa kanya ang nangyari ng maramdaman ko ang isang malakas na suntok sa muka ko.
“G4go!! Klander isa kang malaking g4go….” saad nito at kita sa muka niya ang galit
“I really don’t know kung matutuwa ba ko o magagalit dahil sa ginawa mo!”
Naiintindihan ko ang galit niya dahil galit din ako sa sarili ko, hindi ko maiwasan na isipin na kasalanan ko ang lahat
“Nailigtas mo yung bata oo! Pero buhay naman ni Yanna ang nawalaaa, Wala na yung kapatid ko” umiiyak niyang sabi
“I’m sorry bro… I’m really sorry, hindi ko naisip na gagawin ni Yanna yun sorry” kahit ako ay umiiyak na din dahil hindi ko matanggap na wala na ang babaeng pinakamamahal ko…

Tahimik akong nakatayo habang nakatitig sa nakaukit na pangalan ni Yanna, ibinaba ko ang dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila.
“Hey love how are you? Did you miss me? Cause me yes i miss you so much… Love teacher na ko ngayon and ang hirap dahil makukulit at pasaway ang mga bata, pero ayos lang diba pangarap natin ang maging teacher so eto na yun…. Love kung nasan ka man sana masaya ka ngayon. ”
Huminga ako ng malalim bago mag salita muli..
” it’s been three years and i still love you, miss ko na ang boses mo ang mga yakap mo, parang kahapon lang hawak mo pa ko sa kamay…. I know darating yung time na magkakasama tayo ulit but now kailangan kong maging matatag”
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko, tahimik lang akong nakaupo ng maramdaman ko na lumamig ang ihip ng hangin.
“Klanderrr-”
Isang mahinang boses na narinig ko kasabay ng isang malakas na ihip ng hangin, agad akong napalingon sa paligid ngunit ako lang mag isa ang tao.
Tumulo ang mga luha ko dahil alam ko na boses ni Yanna ang narinig ko, mahina ito ngunit sigurado ako na kay Yanna ang boses na yun.
“Love? i miss you, i love you Yanna”
Naramdaman ko na may yumakap mula sa likuran ko, nilingon ko ito at nakita ko siyang yakap ako..
“Cristel?” tawag ko sa kanya ngunit nanatili siyang yakap ako, siya ang batang niligtas ko na naging dahilan ng pagkamatay ni Yanna, hinayaan ko lang siyang yakap ako ng mag salita siya
“i love you more klander” saad niya na kinagulat ko
“Yanna??” hindi siya sumagot at bumitaw na sa pagkayakap, agad akong humarap sa kanya
“Yanna? Ikaw ba yan?” tanong ko habang hawak ang balikat niya
“Kuya? Nandito ka din pala” sabi niya at sa pagkakataong ito boses na ni Cristel ang narinig ko.
“Cristel anong ginagawa mo dito?”
“pupuntahan ko sana si ate Yanna pero hindi ko na ma alala ang nangyari”
“Hindi kaya?”
“ano po kuya?”
“ah wala wag mong intindihin yun” hindi ko alam kung ano at pano nangyari yun pero iisa lang ang alam ko, nandito si Yanna kanina at muli kong narinig ang boses niya.
“kuya kailangan ko ng umalis baka hinahanap na ko ni mommy” saad niyang nakapagpatigil sa pag iisip ko
“ah sige halika na, may aasikasuhin din ako at ihahatid na kita”
Nang malapit ng mawala sa paningin ko ang puntod ni Yanna ay luminggon akong muli
“goodbye love, i love you” bulong ko at tuluyan ng umalis…
~~~~~~~~
Someone’s pov
“i love you more Klander” saad ng isang babaeng may ngiti sa mga labi bago tuluyang maglaho….
Work of fiction
Written by:Js


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.