1

mi Amor


Report

Simula

Hindi ko kailanman mababago ang tingin ng iba sa amin, masakit mang marinig iyon mula sa bibig nila, ay hindi ko pa kayang ipaglaban ito sa kanila sa ngayon, marahil mahirap pa sa daga ang tingin nila sa amin, na walang mga kaalaman ang naninirahan sa Isla.

Bakit ganoon sila.

I felt down, thinking my own scopes suffering from this kind of threat. They were racism. Matapobre, at masyadong mataas ang tingin sa sarili. I only envy them for what they have. I want to be rich to support my family and the whole Isla. I want to prove myself.

Ipinangako ko sa sarili kong magtatapos ako ng pag aaral. I just graduated elementary last year, and I will continue going to school. I’m in my 7th grade this year.

When I entered the room, they remained quite, until a annoying burst of laugh starts to spread making others to laugh too. i was bullied because of my brown skin. My classmates way back in elementary was so kind to me, they praised me for having a beautiful face and skin, but hearing those racist words from them makes my heart ached. I questioned myself on what did I do to make them hated me. Why do they gives me hatred and disgusting looks when they look at me.

Mayaman sila at mahirap lamang ako anong laban ng isang tulad ko. Hindi kailanman mananalo ang mahirap. Kaya heto ako ngayon pinapatunayan sarili sa kanilang lahat. I want to graduate college. I want to have a suitable work. I want Isla Atulayan grow with the help of mine.

I want their lives to be in a better place. I want them to know that education will guarantee their future.

Days passed and I’m used to it now it makes me eager to study hard. Sa pamamagitan ng edukasyon ay maipapakita namin sa kanila na hindi lamang pagtatanim ng mga gulay at pangingisda ang kahahantungan naming mga tao ng Isla Atulayan.

Mag aaral ako ng mabuti at magtatapos, nang sa ganoon ay hindi na nila maipapakita ang kanilang pagkamuhi saamin.

Pagkamuhi na nakasanayan na ng aming Isla.

“Amor, bakit nandyan ka pa? Halika na sa kubo at kakain na ng tanghalian.” Utas ni inay, bitbit ang dalawang pares ng aking tsinelas.

Agad akong umahon sa dagat upang sumunod sa lakad ni inay.

I felt relaxed. Napakabango ng hangin.

I fixed my disheveled spaghetti strap to cover my skin.

The water was just so warm and relaxing. Sunlight was not way too hot. Unlike yesterday.

Amoy ko ang alat ng tubig dagat sa aking katawan, umihip ang malakas na simoy ng hangin kasabay ng pag kintab ng morena kong balat na nasisinagan ng araw. My fair skin never failed to amaze me.

I was confident since when I was a kid to show my natural fair brown skin. They always called me “Magayon” for having a beautiful features.

They says my featured was way too perfect. Matangos na ilong, mapupungay na mga mata, manipis na labi, at hugis puso kong mukha. Maganda rin ang kurba ng aking katawan sa edad na katorse.

Napapaisip ako kung bakit kulay ang basehan ng iba. Maganda ang aking kulay. Bakit nandidiri sila saakin?

Lahat ng aking mga kaklase ay hindi man lang matignan ang mukha ko. Nandidiri sila saakin. Nandidiri sila sa kulay ko.

Napadaan ako sa kubo ni Manay Kiristina, agad kong nasulyapan ang paborito kong bulaklak sa hardin nya. Pumitas ako ng gumamela. Inamoy ko ang bulaklak. Napakabango ng halimuyak na dinadala nito patungo sa aking ilong. Napangiti ako.

Isinabit ko iyon sa aking tenga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa aming kubo. Nakasalubong ko pa ang iba kong kaibigan na papunta na rin sa aking pinagmulan upang maligo. Kumaway sila sa akin at gumanti ako ng ngiti sa kanila.

Gustuhin ko mang magtagal ay hindi maaari, papaluin ako ni inay kung hindi ako sumunod sa kanya.

Agad akong nagtungo sa balon malapit sa amin. Nagbanlaw ako para maalis ang amoy ng tubig dagat. After taking a bath, kinuha ko na ang tuwalya at damit upang magbihis.

I am wearing my casual clothes.

Pag dating ko sa kubo ay nilapag ko ang bulaklak sa gilid ng pintuan. Nadatnan kong handa na ang pagkain sa hapag. Agad kong iminuwestra ang mahabang upuan na gawa sa kahoy. Pumasok sa loob si inay at itay kasama ang kumpare nitong si Manoy Tonying.

Nagsi upuan na kami upang magsimulang kumain, nanatili sa tabi ng pintuan si Manoy.

“Marhay na udto, Manoy Tonying, halika po at kumain” I greeted, Manoy to show some respect.

Hindi na bago sa amin si Manong Tonying. Kaibigan at kasamahan sa trabaho sya ni itay. Kaibigan ko rin ang anak nyang si Felipe.

Ngumiti ito at agad na dumulog sa hapag. Sinabawang Tulingan at Ginataang dahon ng kamoteng kahoy ang nakahain sa hapag. Nagdasal muna kami bago magsalo salo.

I enjoyed our meal. Siguro marami ang excursion ngayon kaya masarap ang aming tanghalian. Sinulyapan ko si inay at Itay, ang saya sa kanilang labi ay walang katumbas. Sinusuportahan rin nila ako sa aking pag aaral, lalo na ng makakuha ako ng scholarship sa aming mayor. Nakapasok ako isang mamahaling paaralan.

Masarap sa pakiramdam na kahit mahirap ang buhay ay nanatili ang saya ng aming pamilya. Hindi alintana ang trato sa aming Isla ay patuloy ang buhay namin.

Kumpara sa aming pangkabuhayan ay higit na mas maganda ang buhay sa kabilang Nayon. Magagandang damit ang kanilang naisusuot tuwing bibisita sila sa resort ng Isla Atulayan. Pati ang kanilang mga gamit na dala ay nakakamangha. Maliban sa amin na mga pinaglumaang donation na lamang na nag gutay gutay na rin sa pagdaan ng panahon.

Natapos na kaming kumain at naghahanda na rin sila papa upang magtrabahong muli sa resort. I arranged the plates and spoon properly. I’ll just wash it later, kailangan ko pang mag aral para bukas.

Nagpaalam si Inay na maglalaba lang daw muna sya sa balon malapit sa amin.

I prepared my things. Kinuha ko ang mga librong binigay ni mayor saakin. Napangiti ako. Sinabi nya saakin na mag aaral daw ako ng mabuti dahil ako daw ang magtataguyod sa Isla Atulayan balang araw.

Nakakaginhawa ng pakiramdam na marinig iyon sa taong buong pusong tatanggapin kami. Noon pa man ay mabait na sa amin ang mayor, sakop ng sagñay ang aming Isla kaya pinapahalagahan nya kaming kanyang nasasakupan.

I reviewed some of our topics. Nahirapan ako sa iba, but I answered it afterwards.

Someone’s knocks on our door. Bumangon ako upang pagbuksan kung sinong kumakatok.

Bumungad sa harap ko ang mga nakangiting mukha ng aking mga kaibigan. Pinapasok ko sila. At ng makita nila kung ano ang ginagawa ko ay umasim ang kanilang mga mukha.

I smirked.

They were all opposed when it comes to my study. Graduate kami ng elementarya, ngunit noong tinanong ko sila kung may balak silang tumuntong ng ika pitong baitang ay tinawanan lamang nila ako.

Nagpatayo noon ng eskwelahan ang mayor ng sagñay, pinatayo nya ang Elementarya Isla Atulayan. Naipatayo na ito noong anim na taon pa lamang ako.

Nakasanayan na noon pa man na hanggang grade six na lamang ang edukasyon para sa mga tao ng Isla. Kaya laking gulat na lamang ng aking mga kabaryo ng makakuha ako ng scholarship sa aming mayor. Ang iba’y namangha, ang iba nama’y hindi sumang ayon. Ani nila’y napakalaki ng ambisyon ko para pangaraping makapagtapos pa ng pag aaral.

I did not listen to their disagreement. I continued dreaming.

“Amor, bakit ka pa nag aaral, kung hanggang pagtatrabaho sa resort lamang ang kahihinatnan mo.” Si Josephine.

Tumango si Maria at Juneru sa sinabi ni Josephine.

Hinarap ko ang naka kunot noong kaibigan ko.

“Josephine, I already told you about this.” Nabigla sya sa biglaan kong pag ingles.

“Wag mo akong ma ingles, ingles Amor!”

Tumawa kaming tatlo sa sinambit ni Josephine.

“Gusto ko kasi talagang makapagtapos.” I heaved a deep  sigh. “Alam nyo namang matagal ko na itong pangarap diba.”

“Hmm… nevermind!” Isang matigas na ingles ang kanyang binitawan, dahilan kung bakit kami sabay sabay na tumawa.

Lumapit ang tatlo upang makita ang aking ginagawa. I held them my paper works. Looking at their innocent face makes me happy. They were true indeed to me.

The way they look at me without  hatred, made my heart calm. They were my friends. These three were enough.

It was already daylight when I started to prepare my things. Papasok na ulit ako. Naghahanda na si inay ng almusal ng bumaba ako, nasa hapag na din si itay.

“Handa na ba ang mga gamit mo Amor?” Si itay.

“Opo, itay handa na po.” I politely answered his question.

Ngumiti sya at marahang nagsalin ng tubig sa aking baso. Naupo na rin si inay.

I owe them alot. They support me always, they don’t hesitate to give my needs. Alam kong nahihirapan sila sa mga gastusin nila sa aking pag aaral.

“Ma, Pa, kaya pa ba?”

lagi ko silang tinatanong kung kaya ba nila....


They always nod at me everytime i asked them that question.

I don’t want to disappoint them, I will improved and maintain my self. I will be good at everything.

My uniformed was already ironed. Sinuot ko na ito at agad nagtungo malapit sa salamin. I fixed the disheveled fabric on my sleeves. I smiled bitterly.

Another day, another bunches of insult.

My things was already packed. I’m ready for school.

We ride Manoy Tonying’s native boat.

I sigh and feel the sea breeze. I felt the comfort within. This reminds me of my childhood days. It’s feels nostalgia.

Magical, and beautiful. Isla Atulayan.

Tumuntong ako sa gilid ng bangka para makalabas sa bangka. Nilahad ni itay ang kanyang kamay para maalalayan ako palabas.

I smiled genuinely to my father. To assure him that this day will be fine.
He waved and smiled.

Pumara ako ng tricycle. Pagkababa ay tumawid ako ng kalsada. I smiled bitterly as I entered our gate. Tuwing may nakakasalubong ako ay agad silang aalis. Nanginginig ang kamay ko, parang ayoko na.

Pero sa tuwing inaalala ko ang mga opportunidad na maibibigay nito sa akin ay pinapatatag ko ang loob ko. Masasaktan ang magulang ko sakaling huminto ako ng pag aaral. Kung kailangang tiisin ko ito, magtitiis ako.

I entered quietly and waIk towards the back. I sigh to calm myself. Agad nagsi upuan ang iba ng marinig ang bell. Teacher Julia entered our room. Nagsimula na ang discussion. I listen quietly.

Sinulyapan ko ang aking mga kaklase. Their skin were white. They have their riches. While I’m just here sitting alone. A simple island girl. I envy them alot for being born rich already. Habang kami pinapagod muna ang sarili para makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw

I continue listening. Until she called my name to answer her question.

“The MassKara Festival is an annual festival with highlights held every fourth Sunday of October in Bacolod, Philippines. The most recent festival was held from October 8–27, 2019. The festival sites include the Bacolod Public Plaza, the Lacson Tourism Strip and the Bacolod Government Center.” I answered politely.

Teacher Julia clapped for me, habang ang iba’y pandidiri lamang ang ipinakita sa isinagot ko. Agad akong pumuwesto para umupo. Saktong pag upo ko ay ang pagtama ng puwitan ko sa sahig. Tumawa ang lahat habang galit na sinulyapan ni teacher Julia Ang aking mga kaklase. Agad nyang tinungo ang puwesto ko para alalayan ako.

They were monsters. Racist indeed.

Umiiyak ako habang sila’y tumatawa.

“Negra ang dugyot mo! Bumalik ka na sa Isla nyo!” Parinig ng isa Kong kaklase.

My tears continue to flow over my cheeks. They hated me that much. Kasalan bang pumasok ang isang tulad ko sa paaralan nila? Hindi ba ako tao para tratuhin nila ng ganito?

Pinagbabawal ba sa amin ang edukasyon?

Alam kong mayaman sila. Pero bakit kailangan pa nilang manakit ng iba. Bakit hindi na lang nila kami pabayaan.

Tumakbo ako palabas. Tinawag ako ni teacher Julia, pero hindi ko sya nilingon. Hindi ko kayang masikmura ang pang iinsulto nila saakin. Pumunta ako ng clinic para magpahinga.

Nagtatakang tinignan ako ng nurse ng eskwelahan. I smiled and told her that I will just take a nap. Pinabayaan nya naman ako. She gave me medicine and a glass of water. I look at her, naramdaman ko awa sa kantang ekspresyon ng makita ang namumugto kong mga mata. I smiled again to assured her that I’m fine.

Nahiga ako sa kama matapos inumin ang gamot na ibinigay saakin. Alas dose imedya ng ako’y magising. Paniguradong kumakain na ng tanghalian ang lahat. Bumangon ako para lumabas na ng clinic.

Pero bago pa man ako makatayo ay pumasok na ang nurse, dala dala ang isang tray ng pagkain. Nilapag nya iyon sa lamesa malapit sa kamang hinihigaan ko. Sinulyapan ko ang pagkain bago dumapo ang tingin ko sa nurse. She gave me a sweet expression.

Her curly hair slide down, patungo sa kanyang mga balikat. She’s in her 40’s i guesse. Singkit ang kanyang mata at mapula ang kanyang labi, kahit hindi nababahiran ng kolorete.

“Kumain ka na, dahil malapit ng magsimula ang inyong klase.” Nagsalin sya ng juice sa aking baso.

“Hindi na po, maraming salamat.” I stand up, pero pinigilan nya ako.

Kinumbinsi nya akong kumain. Nung una’y tinatanggihan ko sya pero sa sobrang pagpupumilit nya ay sa huli ay kumain na lamang ako. Pagkatapos kumain ay nag paalam na ako sakanya. She introduced her self. She’s nurse Dory. I told her my name too when she asked. I thank her for the help she gave me. She smiled genuinely and waved as I entered the pavilion.

Nagpatuloy ang discussion. Nawalan na rin ako ng gana dahil sa nangyari, pero pinipilit ko parin makinig. Tumatayo lamang ako tuwing tinatawag. Binigay sa amin ang mga paper works na sinagutan namin kahapon.

I got 49/50, almost perfect. Pinuri ako ng teacher dahil ako raw ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa paunang pag susulit. I smiled awkwardly.

Alas tres na ng hapon ng magsimula ang vacant namin. My classmates just play around the pavilion. Habang ako’y naglalakad diretso papuntang library para mag aral.

Pagkarating ng library ay agad kong tinungo ang likod. Para doon magsimulang mag aral. Tinapos ko ang pinapasagutang assignment sa matematika ni teacher Johnny. Naghanap pa ako sa aking mga kuwaderno kong may mga gawain na kailangang sagutan, ngunit wala na akong nahanap pang iba. Tumayo ako para maghanap ng libro.

Napansin ko ang kulay asul na libro na nabibilang sa pangkat ng “Romance.” Kinuha ko iyon at binasa ang pamagat.

“Romeo and Juliet.” I whispered. Tinignan ko ulit ang kinabibilangan ng libro. It’s say’s “Romance.”

This book belongs to “Romance x Tragedy.” Nabasa ko na ang libro at alam ko na rin ang buong nangyari sa kwentong ito.

Hawak ang libro ay tinungo ko ang istante ng libro ng “Romance x Tragedy.”  Ipapatong ko na sana ito sa istante ng pigilan ako ng school librarian. Kinuha nya ang libro at agad na ibinalik iyon sa “Romance.” Kumonot ang noo ko sa ginawa nya.

Nilapitan ko ang matanda. Pagkatapos ibalik ay hinarap nya ako.

“Madam, mali po ata ang kinalalagyan ng librong iyan.” Nakangiting utas ko sa matanda. Kumunot kanyang noo, at pinagtaasan nya ako ng kilay.

“Where’s your manner?” Nagulat ako sa kanyang inasta. “Hindi ka man lang marunong umintindi sa mga bagay bagay. Disrespectful!” She uttered.

Napa atras ako sa kanyang biglaang sinabi. Yumuko na lamang ako at humingi ng pasensya, bago bumalik sa likod upang ipagpatuloy ang aking ginagawa.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa at nag review ng mga importanting mga bagay para bukas, ngunit hindi maalis sa akin ang tinuran ng matanda. She’s angrily shout at me for putting the book to it’s right place.

Anong ibig nyang sabihin?

Alas singko na ng hapon ng matapos ako sa aking ginagawa. Uuwi na ako.

Pagkalabas ng campus ay agad akong pumara ng tricycle.

“Manoy! Sa Nato Warf nyo na lang po ako ibaba.” Marahang sambit ko sa tricycle driver.

“Taga Isla Atulayan ka ineng?”

Tumango ako. Nagsimula ng umandar ang tricycle. Nadaanan namin ang iba’t ibang gusali. Malalaki at magaganda ang mga kabahayan, kumpara sa amin na halos lahat at kubo ang tinitirahan. Meron namang mga bahay na gawa sa semento sa Isla, ang mga Corrales ang nagmamay ari ng kabahayan doon. Pag aari na rin nila ang resort ng Isla, matapos mabili ito kay Don Topaz ng pamilya Corrales, sa mababang halaga.

Sikat ang pamilya nila dahil sa mga resort na binibili nila sa iba’t ibang panig ng bansa. Nabalitaan ko rin na kilala rin sila sa ibang bansa sa kanilang malago at matagumpay na negosyo.

Papalubog na ang araw ng marating namin ang Nato Warf. Naghugot ako sa bulsa ng pera at agad na inabot iyon sa tricycle driver.

Naroroon na rin si itay para sunduin ako. I kiss his cheek and he immediately held his hand to support my balance. Umakyat ako sa gilid habang hawak ni itay ang kamay ko.

Nagsimula ng maglayag kami pauwi ng Isla. It’s already six in the evening when I check my watch. Nang paparating na kami sa gitna ng dagat ay agad kong kinuha ang malaking plastik, proteksyon upang hindi ako mabasa ng naglalaking alon. Patuloy ang pag andar ng makina.

Bumaba si itay para alalayan ulit ako. Pagkababa ay pinauna na ako na itay. Ani nya ay pagtutulungan pa daw nilang iakyat ang bangka sa baybayin. I nodded.

As I go home dinner was already prepared. I kiss my mom’s cheeks. Nagpaalam muna ako na bibihis muna ako bago dumulog sa hapag.

I used my casual clothes. Big size shirt and a comport jogging pants.

Pinaalam ko sa kanila na ako ang nakakuha ng pinakamalaking marka sa aming pag susulit. Masayang masaya naman sila ng kanilang malaman.

I sigh and realized. I don’t need anyone to became my friends. My parents and real one’s are enough to support me at this journey.

1

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.