1

“The Buko And Pako Love’Story”


Report

Hi..ako Si Missy..tawagin nio nlng ako sa pangalang yan!
Ako ung isang babae na mahilig mangarap sa gabe..Yung mahilig mag imagine ng mga gwapong prinsipe!Like kung sino ang pinakagwapong trending na artista ngayon!iniimagine ko talaga sila na ako yung girlfriend nila.. Single kase ako.. at wala akong balak magka boyfriend hindi dahil sa choosy ako!Kundi dahil sa ayuko lang may mabroken heart dahil sa akin!(charoot Lang!)
..ayukong munang magka boyfriend dahil may isang pangyayari sa buhay ko nuon na hanggang ngayon.. di pa ko nakaka move’on..
At ito Na nga yun !!!

First year high school ako nun.. Mula sa Bulacan umuwee kami Ng Isabela at dito ko na nga pinagpatuLoy ang pag aaral ko..Noong elementary ako..sinasabe nila sa akin na isa ako sa pinakamaganda sa school namin!Palangiti ako..joker at bibo din!khit di ako ganun katalino madalas akong mapansin dhil maganda dw ako.. Noon hindi pa uso ang chat at puro love letter palang!At hindi sa pagmamayabang pero madami na akong natatanggap nuon na mga love letters at mga chocolates!At yun ang elementary days ko.. Untill heto na nga at nag transfer na ako ..
Nanibago ako nuong unang araw ng klase..kase nga wala pa ako msyado kakilala.At talaga nga namang nag gagandahan ang mga babaeng estudyante na mga nakikita ko.. feeling ko tuloy napaka pangeet ko kase nga ang gaganda nila..kung nuong elementary ako madalas ako mapansin..ngayon isa nalang akong nobody na kaylangan pa yatang mag tumbling sa stage para lang mapansin..Siguro dahil andami ngang magaganda sa campus!
“Ahem ..may Nakaupo naba dto?!”
Mula sa pagkakayuko sa desk ay iniangat ko ung ulo ko ng may marinig na nagsalita mula sa tabi ko..Wala naman teacher nun at sa kakahintay ko muntik na ako maidlip!kaso may sira ulong umistorbo’.Awtomatikong pag angat ko ng ulo ko “,Baket may Nakikita ka bang nakaupo jan?!”,badtrip na sabi ko syempre..papatulog na ako nun pero may umistorbo nga..hindi ko alam sa kakapuyat ko..kakabasa ng pocketbooks,kaya palagi akong inaantok ..
“,AY..sabe ko Nga!,”,sabi ulit nung istorbo..lalake sya,umupo sya sa tapat ko kung saan obvious namang walang nakaupo eh tatanong tanong pa kase!kaya tuloy na bwisit ako..Di ako nag abalang tingnan manlang sya!
At yun ang mga sandaling dapat kong pagsisihan,kase dahil inignore ko ang prisensya nya..diko tuloy napansin kong gaano sya kagwapo!

–**At ilang araw palang nagbukas ang klase!
May mga nakilala narin naman ako,mga new friends..
Mababaet naman sila..ewan ko lang sa lalaking katabi ko..hindi ko alam pero since ng inistorbo nya ako mga ilang araw palang ang nakakaraan inis na ako sa kanya!At nadagdagan pa ang inis ko sa kanya dahil sya yung pinaka maingay sa klase!Magulo sya!Kanta ng kanta ng...


wala sa tono!Sayaw ng Sayaw ng wala sa tiyempo!Papansin at higit sa Lahat Gwapong Gwapo sa SariLi!Feeling nya may gusto yata sa kanya ang buong mundo!Pero ewan ko ah,pwera sa lahat ng mga girls sa section namin!ako lang yata di nya ma flirt!Well pabor nMan yun sa akin kase di ko sya feel!Allergic ako sa mga kagaya nya..
Ay sya Nga pala.. Yung Lalaking tinutukoy ko!Ang pangaLan nya.. EmiLio!Yak diba nakakasuka ang pangaLan nya.. Pero tinatawag naman sya sa palayaw nyang MiLes !!

At dumating ang Officers Electionl!Bumoto lang ako kahit ina isa man sa mga posisyon na yun ay di ako nanominate!Sabi ko nga..isa lang akong Nobody!Masaya namang natapos iyon pero mas masaya nuong Nag nominate ng Muse at Escort!!Eto yun Nangyareeee..
Ninominate niLa si Aira at Ellaine bilang Muse na obviously..sila talaga ung lutang ang kagandahan sa klase.. Binoto ko nun si Aira,,feeling ko kase hindi lang sya maganda sa panlabas kundi pati na rin sa panloob.Pero sadly.. si Ellaine ang Nanalo..kase 5points ang lamang nito kay Aira!Kaya sya ung naging muse..
Tapos Escort na pagkatapos..Hindi ko Naman inasahan..na si Miles ma nonominate sa posisyong yun!
Ewan ko hah pero mukhang di naman sya karapat dapat sa posisyong yun!kung sakaling manalo sya!(weah!)..
Dalawa sila ni Kian ung NagLaban!tinawag sila ng Adviser namin sa harap ..magpapakilala daw!Lumakas yung tili sigawan at kantyawan sa buong room!Yung mga nasa kabilang section!Nagpuntahan narin nakipanuod sa amin!
Siguro na intriga sila sa Lakas ng tiLian duon..
Natapos na nagpakilala si Kian ! Next na si MiLes!Pumunta sya sa harap at lalong Lumakas yung tiLi ng buong kabaklaan …Ewan ko hah!pero nakaramdam ako ng excitement nung sya na .. sa sobrang excited ko!binatukan ko pa ung nakaharang sa harap ko para lang makita syang magpakilala..Hindi ko aLam!pero habang nagLalakad sya.. tila slowmotion un sa paningin ko!At habang tinititigan ko sya!Pakiramdam ko lalo syang gumwagwapo!
‘Hi ako si EmiLio..You can call Me MiLes for short!!Cute na mabaet!Sweet Na makulet at Astig Na malupet!At your service…!!!!!!!”””
“Ayyyyy!”;Lalong lumakas ung tiLian!Gusto kong matawa sa sinabe nya..kaso imbes na matawa may inis akong naramdaman ng mapansin kong may halong pag ka flirt ung kilos nya..may pakindat kindat pa sya sa iba!Ah bwisit !!!!!
And this is it ! Botohan time .. Unang tinawag ang pangalan ni Miles para sa botohan .. buo na ang pasya ko..sya ang iboboto ko!kawawa naman kung matalo sya..sayang effort nya!Pero bago nangyari na mag raise ako ng hand para iboto sya.. Napansin kong may kinikindatan na naman syang chicks sa labas ng room!Hindi ko aLam sa bwisit kong yun..Kay Kian ako bumoto !!!!!

—itutuLoy!!


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.