0

MEETING THE BEST FRIEND, AGAIN


Report

MEETING THE BEST FRIEND, AGAIN”
“Ma, Pa, aalis na po ako ma la-late na po ako sa trabaho” Sigaw ko kina mama na nasa taas pa abalang mag ayos papuntang trabaho.
Hindi kona inantay na sumagot sila, sumakay na ako sa sasakyan at umalis papuntang trabaho, pero dumaan muna ako sa condo naming mag best friend.
Kami ni Denisse at Stella ay high school Best Friends, nung nag college, kahit iba iba ang course namin pero malapit pa din naman kami sa isa isa kaya naisipan naming mag condo.
Pagpasok ko ng condo ay walang tao, baka nasa trabaho na yung dalawa. Kumuha lang ako ng mga kailangang gamit ko, agad naman akong sumakay ng elevator pababa.
May lalake akong nakasabay sumakay ng elevator, hindi ko naman makita yung mukha dahil nakayuko at may kinakausap sa telepono kaya hinayaan kona.
rinig na rinig ko ang sinasabi ng lalake
“Oh, yes maam, im on my way to Ms. Garcia”
Teka familiar yung boses a?
ah baka nagkakamali lang ako
‘Si Stella...


yun ah?, ah hindi baka kapareho lang ng surname’ sabi ko sa sarili.
Nang maglakad ang lalake palabas ng elevator ay nabunggo pa niya ako siguro ay dahil nakayuko siya at busy sa telepono.
“Ay, im sorry miss.” sabi niya sabay tulong sakin pulitin ang mga gamit ko
“Its okay, its okay” sabi ko at inabot niya sakin ang mga gamit ko
tumingala din siya para tumingin sakin.
Nagulat ako ng makita ko ang taong nilalayuan at ayaw ko makita kahit kelan.
“Mia?” Takang tanong neto
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ako ng aso.
‘Andriee???’ gulat ko namang sambit sa utak ko
Hindi na ako nakasagot pa ng mag close na yung elevator.
“Hindi na kita dapat nakita pa, bakit? Bakit nakita kita ulit? anong ibig sabihin neto?”
‘Wala, wala lang toh huli na yun’
Nang maka alis ako ng building ay dali dali akong umalis palayo doon at parang wala sa sariling pumunta ng trabaho.
“Good morning maam” bati sakin ng guard
#Prologue1


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.