21

Paint Of Love Chapter 2

Report

Paint Of Love
Chapter 2:
Hello!
Ganti nya din dito ng walang kagana-gana din na tinawanan ng kanilang mga magulang.
Ngunit nahuli nyang tiningnan sya ni Lucas at hindi agad nito inalis ang pag kakatingin sa kanya, kaya natitigan din nya ang mga mata nitong malabukhaw sa ganda.
Cool!
Nausal nyang sabi, nakita nyang kumunot ang nuo nito habang nakatitig pa din sa kanya.
Naiinis siguro ito sa uri ng kanyang pag kakatingin dito, napangisi sya sa naisip, titig palang pala nya ay inis na ito, aba’t mukhang masarap inisin ang isang ito ah!
Gwapo pa naman sana, nuknukan nga lang yata ng sungit!
Lucas!
Tawag ng kanyang Daddy at lumingon agad si Lucas ganuon din sya sa kanyang Ama.
Yes Tito?
Ngunit ibinalik nyang muli ang tingin kay Lucas na nakabaling ngayon sa kanyang Ama.
How old are you now?
Tanong ng kanyang Ama kay Lucas.
I’m turning 20 Tito!
Sagot nitong may pag galang sa kanyang Ama.
Lalaking lalaki din ang boses nito.
So are you graduating college this year?
And my daughter too, but she’s graduating high school!
Sabi ng kanyang Ama.
Really?
Hindi sya makapaniwalang mag
tu-twenty na ito, kailan naman kaya?
at graduating na din ng college,
ma-attitude lang siguro at imature kaya hindi masyadong halata sa itsura!
Sa isip-isip nya.
Yes Tito!
Muling dinig nyang sagot ni Lucas sa kanyang Ama.
Hindi na nya masyadong naintindihan ang pinag ku-kwentuhan ng mga ito dahil busy sya sa pag titig kay Lucas.
Hindi lang mata nito ang kapansin pansin, perpekto rin ang korte ng matangos na ilong nitong parang kay Super Man, ang makakapal na kilay nitong madalas salubong na parang laging may dinadalang problema, ang makinis nitong mukha, maputi rin ang balat nito, ngunit mas angat ang kanya kaputian, ang katawan nitong patpatin, mukhang hindi mahilig mag gym pero ok naman sakto lang ang katawan pero gusto nya yung may napipisil na laman na parang pandesal.
My God saan ko ba nakuha iyon, ang dumi na ng isip ko ng dahil sa lalaking ito, at natuon naman ang kanyang pansin sa mga labi nito na laging ikom at sadyang mapupula, hindi pa sya nahahalikan ng sino mang lalaki sa labi pero hindi nya pa pinangarap iyon sa tanang buhay nya, pwera lang ngayon!
What happening to me!
My God Samantha!
Suwa’y nyang muli sa kanyang sarili, at bigla nyang nakitang nag smerk ang labi ni Lucas kaya agad syang napatingin sa magaganda nitong mga mata.
Nakainum na sya ng juice pero bakit parang nauuhaw pa din sya!
Napalunok sya ng titigan sya ng mariin ni Lucas, para kasing natutunaw sya sa mga titig nito.
Nababasa kaya nito ang iniisip nya? My God wag naman sana!
Biglang nag init ang kanyang mukha, at ibinaling nalang nya sa pag kain ang kanyang tingin at mabilis ang ginawa nyang pag subo at pag nguya.
Laking pasalamat nya ng matapos ang dinner na iyon, at nag paalam na din ang mga ito sa kanila.
“Morning”
Habang nag lalakad sila ni Valerie sa Cafeteria ay hindi nya maiwasang makinig sa usapan ng ibang mga estudyante na nadadaanan nila, at batchmate nila ang mga ito.
Sya ba si Samantha Villamonte?
Tanong ng isa sa limang mag kakasamang estudyante.
My God ang pretty nya girls!
Sabi naman ng pangalawa.
Oo sya nga, at balita ko ay sya ang Fiance ni Lucas Sandejas, ang nag iisang anak ni Mr., & Mrs. Sandejas!
Iyong may ari ng Sandejas University, sana duon ako makapag enroll ng college.
Sagot naman ng pangatlo.
Really?
Singhap ng pang-apat.
Totoong-too!
Tugon naman ng pang-lima.
Grabe napaka swerte naman nyang nilalang hindi ba?
Bukod sa mayaman na ang pamilya nya ay mayaman din ang mapapangasawa nya!
Sabi ulit ng pangalawa.
Sana all!
Sabi naman ulit ng pang-apat na nag day dream pa.
Ang sabihin nyo swerte silang dalawa sa isa’t-isa, dahil pareho na mayaman ang kani-kanilang pamilya, How I wish na sana ako nalang sya!
Impit na tili ng pangalawa.
Sana nga sa isip-isip nya!
At paano naman nasabi ng mga ito na fiance nya si Lucas, at saan nila nakuha ang ganuong balita.
My God!
Hindi na rin sya nag tataka kung bakit kilala ang pamilya nito.
Pinag patuloy nila ang pag lalakad at hinayaan nalang nya ang mga ito, total naman ay sanay na syang marinig na pinag tsitsismisan ng mga estudyante duon, umorder muna sila ng kanilang miryenda pag katapos ay umupo na din at nag simula na silang kumain, si Valerie ay tahimik lang hanggang ng matapos sila at muling bumalik sa kanilang klase.
Val ituloy na natin ang painting mamaya?
Lingon nya sa kaibigan habang nag lalakad sila palabas ng school.
Ano kasi Sam, pasensya na ah, katunayan kasi nyan may pupuntahan pa ako ngayon, hindi na rin muna ako makakasabay pauwi, pakisabi nalang din kay Inay na may gagawin pa ako kaya hindi na ako nakasabay pauwi, para hindi na rin sya mag alala pa, uuwi din naman ako kaagad pag katapos ko!
Sabi nito at naging balisa ang itsura.
Lately ay madalas nya itong nakikitang ganuon ang kaibigan, tinatanong naman nya ito kung may problema, kaso ang madalas lang nitong isinasagot sa kanya ay wala naman, na ayos lang ito, kahit na alam naman nyang hindi.
Hindi nalang ulit sya nag tanong kung saan na naman ito pupunta dahil alam naman nyang hindi rin naman ito mag sasabi sa kanya.
Napapaisip na tuloy sya kung may inililihim ba ito sa kanya.
Sana ay wala!
Sabi nya sa kanyang isip at binaliwala nalang nya iyon para hindi na sya mag isip pa.
Ganuon ba!
Gusto ko sanang matapos na agad ang painting para may bago ulit tayong gagawin, pero ok lang naman Val next time nalang natin tapusin ang painting, may ilang linggo pa naman bago iyon kunin ng buyer!
Sabi nya dito na nakangiti para hindi isipin ng kanyang kaibigan na pinupwersa nya ito.
Pasensya na talaga Sam!
Promise matatapos din natin iyon bago matapos ang linggong ito!
/> Sabi naman nito sa kanya na itinaas pa ang kanang kamay bilang tanda na nangangako ito.
Ngumiti ito sa kanya at hindi na balisa.
Beep..Beeep!
Dinig nila at sabay silang napalingon sa sasakyan.
Nandyan na pala si Mang Berting! Kumaway sya dito at ganuon din ito, sabay ngiti sa kanila, nasa kabilang side ng road ito at pumihit na papunta sa gawi nila.
Paano Val, kita nalang tayo mamaya sa Mansyon!
Paalam nya dito.
Ok sige, mag iingat kayo!
Paalam din nito, binuksan na nya ang pinto ng sasakyan, at bago sya pumasok ay nilingon nya itong muli, kumaway sya dito, nakita nyang ngumiti at kumaway din ito sa kanya at tsaka tumalikod na, sya naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan.
“Afternoon”
Nasa Mansyon na sya at nababagot dahil wala ang kaibigan nyang si Valerie.
Pag ganitong oras ay malamang nasa Burol na naman silang dalawa.
Pero dahil wala ang kaibigan ay wala rin sya sa mood na mag punta sa Burol, kaya nag lakad-lakad nalang sya sa kanilang Hacienda.
Nakita nya ang mga plastik na
iba’t-ibang kulay na nakabuhol sa mahabang tali na pinapahiwatig ng mga iyon na malapit na ang Pista ng Villa sa kanilang bayan.
Excited sya dahil tuwing sumasapit ang Pista ng Villa ay may karera ng kabayo.
Kasali kasi sila ni Snow sa karerang iyon at sa tatlong beses na mag kakasunod na pag sali nila ay sila ni Snow ang laging panalo.
Si Snow ay ang kanyang alagang kabayo.
Ngunit hindi alam ng kanyang magulang ang tungkol sa pag sali nya sa karerang iyon dahil busy naman palagi ang mga ito.
Ang tanging nakakaalam lang ng tungkol sa pag sali nya sa palarong iyon ay ang kaibigan nyang si Valerie at si Wando na nag aalaga sa kanilang mga kabayo at iba pang hayop na naroroon.
Ngunit nuong huling pag sali nya ay hindi sinasadyang nalaman iyon ng kanyang Kuya na si Matthew.
Nalaman nito ang pag sali nya sa karera ng huli syang sumali nuong nakaraang taon at nakita nya ang sobrang takot sa mukha nito ng makita syang bumaba sa kabayong si Snow, at imbis na batiin sya ng congratulations ay sermon ang nakuha nya dito.
Mabait naman ang kanyang Kuya pero ang ayaw na ayaw nito ay ang sumali sya sa karera ng mga kabayo dahil natatakot ito na baka daw mahulog sya habang sakay ng kabayo at ikapahamak pa daw nya iyon.
Kaya humiling ito na wag na syang muling sasali pa sa karera kahit kailan, at kung hindi daw sya tumupad sa usapan ay isusumbong sya nito sa kanilang mga magulang, kaya sa takot nya ay pumayag nalang sya sa kahilingan nito.
Pero dahil nasa ibang bansa naman ang kanyang Kuya Matthew at busy ito sa pag aasikaso sa business nila sa Canada ay hindi ito makakauwi kaya napangiti sya sa naisip.
Nag punta sya sa kwadra at wala duon si Wando, kaya pumasok sya sa loob at pinuntahan ang kanyang alaga at paboritong kabayo na si Snow.
Hello Snow alam mo ba malapit na ulit ang Pista ng Villa!
Sabay hinawakan nya ang mukha ng kabayo.
Excited na ako sa karera Snow!
Ikaw excited kana rin ba?
Tanong nya sa alaga habang hinihimas ang mukha ng alagang kabayo.
At para namang marunong umintindi ito na humalinghing sa kanyang tanong, kaya naman natuwa sya at lalong na excite ng dahil duon.
Tinanggal nya ang pag kakatali nito sa loob ng kwadra at mabilis na inilabas at sumakay sya sa alaga at maingat itong pinalakad at unti-unti ay pinapatakbo na nya ito.
Naka isang ikot lang sila sa Rancho, at napansin nya na hindi normal kung tumakbo si Snow, dahil may oras na humihinto ito ng kusa kahit hindi nya ito pinapahinto, kaya minabuti nyang sabihin iyon kay Wando.
Mabilis syang bumaba kay Snow at hinawakan ang tali nito at
dahan-dahan lang ang ginawa nitong pag lakad, malapit na sila sa kwadra ng makita nya si Valerie at Wando na mag kasabay na nag lalakad at mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito.
Ilang sandali pa ay napansin sya ni Wando, lumingon ito sa kanya at kumaway sabay ngiti, lumingon din ito sa kanyang alaga na si Snow pag katapos ay bumaling ito kay Valerie, maya-maya pa’y tumakbo na ito palapit sa kanila.
Si Valerie naman ay kumaway din sa kanya at sumenyas ito na mag papalit muna ng damit, nag tumbs up naman sya dito bilang tugon at lumiko na ito sa likod ng Mansyon.
Señiorita kayo pala!
Ano pong atin?
Tanong nito sa kanya at kay Snow pa din ang tingin nito at ibinigay na nya kay Wando ang tali.
Inikot ko lang itong si Snow, malapit na kasi ang Pista at kailangan na naming mag ensayo!
Pero Kuya Wando may napansin lang ako sa kanya kanila habang nag i-ensayo kami!
At tumingin sya kay Snow.
Ano po iyon Señiorita?
Tanong ni Wando sa kanya.
Bigla kasi syang humihinto sa pag takbo kahit hindi ko sya pinapahinto, may sakit ba si Snow? Tanong nya dito.
Ipinag tataka ko rin po ang bagay na iyan Señiorita, nag simula po syang mag ka ganyan nuong huling laro nyo sa palaro, nakita namin na may pako ang kanyang kaliwang paa matapos ang laro nyo.
Pasensya na po at hindi ko na po sinabi sa inyo dahil ayaw kayong mag alala ni Señiorito, hindi pa rin po malaman kung paano at saan nya iyon nakuha!
Mahabang sabi nito, mababakas din ang lungkot sa mukha nito.
Pero ok naman sya ng huli naming pag sali!
Sabi nyang nag tataka.
Tama po kayo dyan Señiorita, nasa kwadra na po sya ng makita ko na dumudugo na ang paa nya!
Dagdag nito.
Napatingin nyo na ba sya sa ibang eksperto?
Tanong nya kay Wando.
Opo Señiorita, nagamot din sya agad nuong araw na iyon, nag hilom naman po ang sugat nya ngunit ang dati nyang liksi sa pag takbo ay hindi pa rin bumabalik!
Sabi nitong muli.


21 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.