0

Meet Again Chapter 31


Report

Written by: Anhellian27
Alas otso nang gabi at napagdisisyonan ni ashlee na basahin ang librong hiniram nya sa library dahil sa 3 araw na lang isasauli niya na ito.
Dahan dahan nyang binuksan ang libro at ramdam nya ang pagtaas ng balahibo at pagkalamig na tila ba nasa gitna ng kagubatan ng mga gabing iyon at nasisinagan ng bituin sa langit habang nagbabasa.
Manghang mangha si ashlee sa librong book of dream ni alice dahil sa napapalawak nito ang kanyang emahinasyon at tila ba’y may mahikang bumabalot sa libro.
Bumalik sa pangyayaring si alice ay dinala ng mahiwagang di maipaliwanag na usok sa loob ng salamin na kanyang binili sa bayan.
Ang bintana ay bukas at tanging isang kuwago ang nakakita kay alice ng pinasok ito sa loob ng salamin.
Ang mga mata ng kuwago ang tanging tistigo sa mga pangyayari.
Tumagos si alice sa isang palasyong mukhang pinaglumaan na at pinagiwanan ng henerasyon.
Ang mga gamit ay pinapaligiran ng mga alikabok,at nakatakip na puting tela amg mga sofa at iba pang gamit mga isang pinaka malaking chandelier na puno ng alikabok at sapot ng gagamba.
May mga saling lahing henerasyon na ang nakalagay sa frame na sunod sunod na taon na sobrang alikabok na.
Ang hagdanan pataas ay puno din ng alikabok at sapot ng gagamba.
Naging si alice at dahan dahan nya ito nakita lahat.
“Nasaan ako?”laking pagtataka ni alicehabang tinitignan ang paligid?
“ito na ba ang palasyo namin?”pagtataka sa sarili
Tumayo si alice at muling tinignan ang paligid.


/> “hindi ito ang aming palasyo!” sabi ni alice sa sarili
Naglakad lakad si alice para muling tignan ang paligid.
Lumabas si alice sa isang kuwarto at naglakad sa pasilyo.
Nakita nya ang hagdanan pababa kung saan bumababa papunta sa pinagdarausan ng mga bisita.
Dahan dahan siyang bumaba at pagka baba nya,tumingin tingin siya sa paligid
“Lumang lumana ang palasyong ito”.
“Ano kayang nangyari dito?”
“ah baka naman namatay na may ari!”
Ang daming tanong ni alice sa sariling ng mga araw na iyon at nagtataka siya paano siya nakarating sa lugar na iyo.
Ang mga Painting ay nag sigalawan na parang mga buhay at tinitignan si alice habang nakatalikod.
Ang halaman sa dulo ng hardin ng palasyo at unti unting mga nagsibuhay at bumalik sa dati nyang itsura.
Ang mga bulaklak ay nagsibuhay din at parang unang pagmumukadkad nito.
unti unting nabuhay ang mga paro paro na patay na sa damuhan at muling lumipad at dumapo sa magagandang bulaklak nito.
Biglang parang unti unti gumagapang ang pagbalik sa nakaraan ng palasyo maayos na ang labas at napaka ganda nito.
Nagsisikintaban ang labas dahil sa ito ay may halong mga ginto sa mga poste at buong palasyo.
Naglakad si alice sa isang pasilyo at napaka haba nito dahil sa dulo nito ay may natanaw siyang pintuan na nakabukas at makikita ang sinag ng ilaw nito kaya dahilan ito para pumunta si alice.
lahat ng paligid at bumalik saganda ngunit ang naiwan ay ang mahiwagang ilaw sa isang kuwarto na nakita ni alice.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.