0

THE WILD SILENCE CHAPTER TEN


Report

“SORRY LATE AKO. ”
Hindi naka galaw si Jiro sa babaeng ngayo’y nakatitig direkta sa mata nya.
Hindi sya makapaniwala na ang babaeng hinahanap nya sa loob ng dalawang Linggo ay narito ngayon sa harap nya at maangas na nakatayo.
“Hindi ba iyan yung Persona Guard ni Jiro”
“Lagot na sya ngayon. ”
“Grabe makikita ko na ngayon ang Moves nya! ”
Bulungan sa Paligid pero nanatiling tahimik ang binata.
‘BAKIT NGAYON KA LANG! ‘
‘SAAN KA GALING! ‘
‘HINDI KA BA NAG ALALA SA’KIN! ‘
‘BAKIT HINDI KA NAG PAALAM! ‘
ilan lamang yan sa tumatakbo sa isip ni Jiro ngunkt isa ma’y walang lumabas sa bibig nya, pati na ang sitwasyon kyng nasaan sya ay nalimutan nya
Pakiramdam nya ay tumigil ang oras ng mga sandaling iyon at tanging si Alexa lamang ang nakikita nya.
“MASTER…”nakangiting ani Alexa, ginawa nya iyon dahil alam nyang galit ang binata sa kanya.
Pero hindi nadala si Jiro sa paraan na iyon. “TUMAHIMIK KA!” wala paring pag babago ang binata na lalong nagpalawak ng ngiti ni Alexa.
‘Maingay parin sya kahit si Chairyl na ang nagbantay sa kanya. ‘ saad ni Alexa sa isip nya.
“HINDI MO BA ALAM NA…WALA KA NANG TRABA- – -”
“Alam ko. ” kalmadong putol ni Alexa sa boss nya. “Nandito lang ako para sana dalawin ka, kaso ay may bisita kang iba.” ani Alexa tsaka walang interes na binaling ang paningin nya sa lalaking may hawak sa damit ni Jiro. “Pwede ko bang makausap ang taong iyan. ” tanong ni Alexa patungkol kay Jiro.
“Hoy miss, kung ako sayo ay uuwi na lang ako dahil itong boyfriend mo may atraso sya sakin. ” mayabang na saad ni Timothy.
“HINDI KO SYA GIRLFRIEND! “mayabang na saad ni Jiro, nang mapagtanto nya na tumigil na ang binti nya sa panginginig at kalmado na din ang buong sistema nya.
Ayaw nya mang aminin pero batid nyang si Alexa ang dahilan ng pag kalma nya.
“Sige na, gawin mo na ang gagawin mo sakin! ” wariy saad ni Jiro. Isang daang Porsyentong nasisiguro nya ay ililigtas sya ng dalaga.
“Oh pano ba yan, ayaw sumama sa’yo. “nakangising saad ni Timothy.
“Oh sige na nga, ayaw mong mag papilit eh. ” ani Alexa kaya’t nanlaki ang mata ni Jiro dahil sa Sagot nito.
Tumalikod si Alexa at nagsimulang Humakbang.
“Alex – – -” tawag ni Jiro pero sadyang huminto si Alexa sa pag hakbang.
“Ganito na lang, mag Bunong Braso tayo.” aniya tsaka muling humarap.” Kapag natalo kita ay ibibigay mo sakin ang lalakeng iyan.”
“Paano kung ikaw ang matalo ko. “anang lalake. “Hahayaan mo kong gawin ang gusto ko sa Siraulong ito. ”
“Sige.”
“Hindi pa ko tapos! ”
“Sige, magsabi ka lang. “ani Alexa.
“Gusto kitang maging Girlfriend.”
“ANO! “kaagad na angal ni Jiro. “Bakit ganun hindi patas! Andami ng gusto mo samantalang sya ay iisa lang ang kundisyon.” nakataas ang ngusong saad ni Jiro.
“Sige, hahayaan kong sapakin nya ko ng sampong beses kapag nanalo sya. ” mayabang na anito.
“Bwahahahahahaha. ” tumawa si Alexa ng malakas.”Seryoso? ” natatawang anito pa.
“Oo, yun ay kung mananalo ka. “binitiwan ng lalake si Jiro.
“Wala akong sinabing gawin mo yan! “galit na saad ni Jiro.
“Pasensya kana pero sa pag kakataong ito ay hindi na sya pwedeng umatras. ” ani Timothy.
“Sino nag sabing aatras...


ako? ” hinatak ni Alexa ang upuan at naupo don.
“P-paano kung matalo ka? ” kabadong saad ni Jiro.
“Eh di Magiging girlfriend nya ko, kaya ko namang pag sabayin yun at ang pag ta-trabaho ko sayo. Pero sabi mo ay wala na akong trabaho hindi ba? ” nakalabing saad ni Alexa wariy nag iisip.
“Nababaliw kana ba! Nababaliw kana! “sigaw ni Jiro. “Ayoko! Hindi ako papayag! Ibabalik na lang kita kaysa gumanian ka dyan! ”
“Tumabi ka dyan. ” anang lalake tsaka hinawi si Jiro dahilan para tumalsik ito palayo na labis na inalala ni Alexa kaya’t itinukod nya ang isang kamay nya sa mesa para umaangat ang katawan nya at mabigyan ng sipa ang lalaki sa mukha.
“Hindi ka pa na nanalo kaya hindi mo pa sya pwedeng saktan dude. ” malamig na saad ni Alexa habang ang lalake ay gulat na gulat habang takip-takip ang parte ng mukha nyang tinamaan.
“Okay ka lang?” tanong ni Alexa pero inirapan lang sya ni Jiro.
“hwag mo nga akong hawakan! ” galit na anito.
Hindi na lamang sya pinansin ni Alexa sa halip ay bumalik ito sa mesa at naupo. “sampung suntok tama? ” pag lilinaw ni Alexa sa huling kasunduan tsaka ipinatong ang braso nya sa mesa.
Napalunok si Timothy at kaagad na ginapangan ng matinding pawis sa mukha pababa.
Tulad ng nakasanayang View ni Jiro sa mukha ni Alexa ay para na naman itong walang pakialam sa kung ano ang nagaganap sa paligid.
Ipinatong ni Timothy ang braso nya, nang magkasalikop na ang palad nila ng dalaga ay tila napigil ang pag hinga nya
“Pag bilang ko ng tatlo ay mag uumpisa ang Dwelo. “ani Alexa.”Isa. “humigpit ang pagkakahawak ni Timothy sa kamay ni Alexa. “dalawa…Tat – -” hindi pa tapos si Alexa mag bilang ay nag umpisa na si Timothy na patumbahin ang braso ni Alexa. “Lo. ” kalmadong aniya habang naka tanaw sa lalake na ngayo’y hirap na hirap sa posisyon kahit pagalawin man lang ang braso ni Alexa ay hindi nito nagawa. ” tapos ka nang mandaya? ” malamig na saad ng Dalaga. “Ako. Na-man.” tila nag slow motion abg bawat pag buka ng bibig ng dalaga sa kaharap na katunggali, kumunot ang noo ng dalaga tsaka buong pwersang ibinagsak ang braso ng kalaban dahilan para mag lamat ng mesa na tinutukuran nila.
Nang lumingon si Alexa ay naka pamulsa nang nag lalakad si Jiro paalis. “Jiro! ” tawag nya pero hindi ito lumingon. “Sampung suntok, Oi kayo na ang gumawa noon para sakin. ” utos nito sa team mates ni Jiro tsaka sya tumakbo para habulin ang binata.
“Hindi pa nga ako tapos mag yabang ay nilayasan mo na ko.l natatawang aniya.
“Kilala ba kita? ” sarkastikong saad ni Jiro.
“Wag ka nang mag tampo. ”
“Bat ako mag tatampo? Eh wala nga akong pake sayo ” nakangusong ani Jiro.
“Ang hirap naman, kaya ayokong mag ka boyfriend eh. ” naiinis na bulong ni Alexa.”Sorry na kase. ”
“What ever.” ani Jiro tsaka sumakay sa Kotse nya at dinribe iyon palabas ng Campus.
“Haissst! Kung mag tampo sya akala nya girlfriend ko sya! Nakakainis hindi ako magaling sa ganito! !” sigaw ni Alexa.
Kinuha nya ang phone nya tsaka tinawagan si Amoriz. “Sunduin mo ko, iniwan ako ng Bakla na yun dito! ” kunot noong saad nya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.