0

Meant to be? Chapter 29


Report

Nagsampa ng kaso si Ace laban kay Khate. Pero dahil mapera, inalok lang sila ng malaking halaga kapalit ng moral at physical damages.
Pero ito ang naging dahilan ng pagkawala ng anak nila! Kaya di makakapayag si Ace nang di ito panagutin!
Pero ang sabi ng abogado nito, wala iyon sa intensyon ng kliyente niya dahil hindi naman nito alam na buntis ang biktima.
Ngunit ilalaban ni Ace ang kaso!
Pagkagaling mula sa ospital ng isang linggo. Ilang araw pang nagiging tulala lang si Nice. Pinakiusapan na ni Ace ang adviser nito na ililiban muna nya ang dalaga sa klase at babalik lang kung kelan magiging maayos ang lagay nito.
Hindi nya ito pinabayaan at kapag nasa klase sya ang papa nito ang nakabantay. Nanatili muna sila sa unit nya. Halos araw araw din itong binibisita ng mama nya kasama ng kapatid nyang babae.
Sya man din ay bigla na lang tumutulo ang luha kapag napag iisa. Kaya ang ginagawa nya, nagpapakaabala na lang sya sa pagtutok sa pag aaral, sa trabaho at sa pag aalaga sa dalaga.
Ang layo2 ng buhay nya dati.. Ngayoy binabayo sya ng mga pagsubok! At di sya sanay..
Di rin sya sanay na nakikitang tulala ang mahal nya. At di nya alam ang totoong niloob nito. Dahil mabibilang na lang din ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
Sobra syang Nasasaktan ! Pero kailangan nyang magpakatatag
Kailangan na rin nyang tutukan ng maigi ang trabaho ng maikasal na sila.
O baka pakasalan na nya ito kahit sa huwes lang nang makabuo na sila uli. Para umayos na ang lagay ng dalaga sakaling maawaan at magbuntis uli ito.
May pera naman na sya sa account nya.. Sobra sobra na yon para sa simpleng kasal at para bumukod na sila. Plano nya na ring bigyan ng trabaho ang tatay nito dahil di ito sanay na tumambay lang.
Nagpapasalamat din si Ace dahil pinupuntahan ni Mitch si Nice at kahit ang mga kaibigan nila mula sa Manila ay bumisita rin.
Nagkaideya nga syang sa Manila na titira. Pero andito ang trabaho nya.
Bago umuwi tumatabi sya sa mall upang bilhan ng kung anong maisipan nyang iregalo sa dalaga, tapos bibilhan ng prutas at mga desserts. Kung ano ano na lang. At gaya ng tatay nito di sya nagkulang sa pag papadama dito ng pagmamahal nya at pagdamay sa pighati nito.
Sabay...


nila iyon malalampasan.
Nang mapagbuksan sya ng tatay nito, dumiretso sya sa kwarto. Nakaupo ito pero nasa kawalan ang paningin.
Agad nya itong niyakap.
Walang emosyon ito ng muli nyang harapin.
“Nice, tama na. Maging normal ka na uli pakiusap. Di ko na kayang nakikita kang ganyan e.”
“Alam kong masakit, sobrang sakit!
Pero magsalita ka naman!”
Dahan dahan itong tumingin sa direksyon nya
“Kaya ba sya kinuha? ”
Dahil hindi sya isang bunga ng pagmamahalan kundi ng aksidenteng one night stand lang?
“Pero bakit ang sakit2(sob)
Napamahal na sya sakin. Mahal na mahal ko na sya, dahil pakiramdam ko iisa lang kami.”(sob)
“Ang sakit Ace..(sob)
” Sshhh..
Alam ko
“Masakit din naman sakin. Pero binabalewala ko na lang para sayo. Makakabuo din tayo.
Kaya pakasal ka na sakin.”
Hindi sya nito sinagot
” HalimAw ka Khate!
Hindi ko makakalimutan ang atraso mong ito!!”
Hindi!!!
Hindi… (sob)
“Tama na ha, oo pagbabayarin natin sya.”
Kinulong nya ito sa kanyang bisig.
Matapos kumain nanood muna sila ng TV. Napag usapan din ni Ace na kuning driver ang papa ng dalaga para sa mga importanteng transaksyon ng kompanya.
Ang negosyo nila ay may ilang branches na.
Mga spare parts at accessories ng klase klaseng sasakyan. At may delivery trucking sila sa ibat ibang lugar kada araw..
Pero sa may malapit nya lang i aasign ang tatay nito.
Buong pasalamat ang tatay ni Nice sa binata at nag paalam na itong matutulog.
Pagkaalis nito, pinaupo nya sa pagitan ng nakabukaka nyang hita ang dalaga at pinasandal sa dibdib nya. Isinuklay suklay nya ang buhok nito, inamoy amoy pati balikat nito hinalik halikan nya na nagpaigtad sa dalaga.
“Miss na kita.. Yong dating tayo, yong bonding natin.” bulong nya sa teynga nito.
“Ok ka na ba? Hmm?MPIB?” sinilip at hinalikan nya ang pisngi nito.
Bumuntong hininga lang ito.
“Hindi na mawawala ang sakit Ace, mananatili iyon dito” tinuro ang dibdib
Niyakap nya na lamang ito.
Maya maya
Ace?
Hmm?
Tingnan mo.
Napangiti kahit papano si Ace. Unang beses nila iyong nakita sa TV. Ang commercial ng pag endorso nila ng “Bright toothpaste.”
nakadama ng sandaling saya ang dalaga.
Yakap sya sa likod ni Ace habang pinapAnood nila iyon. Maiksi man pero tumatak agad sa diwa nila. Ang saya saya pa nila don, yong ngiting Genuine? ngayon,… kabaliktaran. Dahil kahit ang ngumiti ay kay hirap nang gawin at kay dali pang mapawi.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.