6

Mahirap maghintay sa wala


Report

Hi aq si jennifer isa akong probinsyana na isang ampon ng matanda at dahil may pagka masungit sia ako ay nakitira sa kung sino sino simula ng ako ay bata pa..
Nung 3rd year high school na ako, nakitira ako sa isang kapit bahay dahil ung tinitirahan kong bahay ay ibinenta na ng nagpalaki sa akin.. Dahil sa wala na nga akong matutuluyan nakitira ako sa aming kapit bahay para sana kahit papaano ay matapos ko hanggang 4rt year high school,, kasalukuyang ako ay may kasintahan na din.. Ngunit, sa kasamaang palad ang natirahan ko ay may plano pala sa akin kaya nila ako tinanggap.. Dahil nga hindi sila mgkaanak ng kanyang asawa ako pala ung pinagpaplanuhan nila..
Isang araw nagiinuman silang dalawa, galing pa nga ako ng school nun kaya nagbihis muna ako at saka lumabas upang manood ng tv sana.. Pero niyaya nila ako na saluhan silang mginom na dlawa.. So, no choice ako kundi sundin sila dahil nagiinom naman ako kahit kaunti…
Nung naubos ko na ung isang bote ng redhorse nagsabi ako na matutulog na ako kasi nga may pasok pa ako kinabukasan..

Hating gabi na,, nakaramdam ako ng may humahalik sa aking leeg at may bumubulong sa aking tenga.. “Mahal” sambit nia.. (Nananaginip ba aq??) So, hindi ko pinansin umikot ako sa kabilang panig at nakaharap ako sa pader. Iniisip ko nakainom ako kaya kung anu anu ang napapanaginipan ko…
Maya maya muli ay nakaramdam ako ng bulong at halik ulit sa aking tenga.. “Mahal” sambit nia..
Bigla akong napadilat na parang nagiisip ako.. Hindi ako gumagalaw,, pinakikiramdaman ko kung nananaginip ba ako.. Biglang may yumakap sa akin at humalik.. May bigote kaya nagising ang diwa ko ng tuluyan.. Napabalikwas ako..
“KUYA!!! ” nasambit ko na may kasamang takot..
Agad akong tumayo sa aking kama ngunit hinahatak nia ako pabalik ng aking kama.. “KUYA!! ” yun lamang ang tangi kong nasasabi habang napiglas ako sa kanya hanggang sa makawala ako at nanakbo ako sa pinto.. Pero nakalock ito sa labas.. (Pano nangyare yun??)
“ATEEE!!! ” “ATEEE” Sambit ko nang paulit paulit.. Hanggang sa may bumukas ng pintuan sa labas.. At pumasok nga si ate.. ” anong nangyare??? ” yun lang ang tanong nia.. Binuksan nia ang ilaw at kunwari pang nagulat.. “PA!?? Anong gnagawa mo dito?? Bakit nasigaw si jennifer?? Yun yung sinabi nia.. Tumakbo ako palabas at sinundan ako ni ate..
Hanggang sa naramdaman ko nalang yung sarili ko na nasa tapat ako ng bahay na tinutuluyan ng aking kasintahan.. “MAHAL!!!! ” MAHAL” sigaw ko sa labas ng bahay nia… At maya maya nman ay lumabas na ang kasintahan ko.. Habang si ate ay pinipigilan akong magsalita..
“Oh mahal?? Bakit?? Madaling araw na, bakit andito ka at nagsisisigaw?? Sabay tanong nia din kay ate. “Ate, bakit?? Ano ginagawa nio dto?? Sabi nalang ni ate.. “Kakausapin ka dw nia kaya sinamahan ko sia.”. At tumalikod na sia at umalis..

“Mahal, bakit nga??? Sabi ng kasintahan ko.
Hindi ako makapagsalita nung mga oras na yun.. Niyakap ko nalang sia habang ako ay naiyak.. Bigla tuloy siyang nagtataka at nagagalit na sa akin.. Kaya sinabi ko nalang.. “Umalis na tau dto.. Isama mo na ako kahit saan basta ilayo mo ako sa lugar na to…”
Yun lang ang sinabi ko.. Niyaya nia na lang ako pumasok sa bahay nia at bingyan ng tubig.. At tinatanong nia akong pilit.. Pero hindi ako nagsalita.. Kaya pinatulog nalang nia ako..
Kinabukasan, nagising ako ng una sa akung kasintahan… Kaya ginising ko sia.. Sabi ko samahan nia ako sa bahay nila ate at kuya para kunin ung mga gamit ko.. Sinamahan naman nia ako..
Pagdating namin dun nagaalmusal na sila ate.. Abat nagawa pa ni kuya ngumiti sa akin..
“Kukunin ko na po yung mga gamit ko.” Yun lang ang sinabi ko at pumasok na ako sa kwarto.. Kasunod ko pala si ate.. “ANO ANG GAGAWIN MO KUNG NKIKITIRA KA LANG?? tanong nia sa akin..
“Irerespeto ko po kayu.. At susundin ko lahat ng utos nio” yun ang sagot ko.. “so susuklian mo yung mga itinulong namin sau?? ” tanong nia uli sa akin.. “Oo na nga lang ang sagot ko.. ” edi magpapaanak ka sa kuya mo at ibibigay mo sa amin!!! ” yung ung sinabi nia.. BIGLA akong natigilan sa sinabi nia.. At napaiyak.. “Sorry ate pero hindi ko yun mgagawa… ” bigla nia akong sinampal ng malakas.. “WALA KANG KWENTA!! WALA KANG UTANG NA LOOB.. !! ” yun lang sinabi nia at tumalikod na.. Bigla namang pumasok si kuya at nakikiusap na waq na daw akong umalis dahil napamahal na ako sa kanila.. At nagsabi pa na hindi na mauulit yung ginawa nia…


/> Pero hindi ako nagpatinag.. Bitbit ko lahat ng gamit ko at lumabas na ako.. Lumapit sa akin ang kasintahan ko at kinuha nia yung mga bitbit ko..
Umalis kami at isinama nia ako sa tyahin nia at sabi nia na dun muna kmi mgpapalipas ng gabi tapos madaling araw kami aalis.

Kinagabihan,, lumapit sa akin ang kasintahan ko at kinausap nia ako.. May hawak siang kwintas at ipinakita sa akin.. Mukha iyong mamahalin, “sau nalang ito MAHAL,, ” PERO hindi ka sasama sa akin”..
Tapusin ko dw yung pag aaral ko at babalikan nia ako.. Pero hindi ako pumayag.. Gusto ko lumayu ei.. Kaya ang sabi ko “ISAMA MO AKO KAHIT SAAN.. ILAYU MO AKO DITO.. TAPOS KAHIT IWAN MO NA AKO.. ” yun lang at hindi na ako nagsalita… Feb 17 2011.. Kaya tumuloy padin kmi ng alis ng madaling araw, isinama nga nia ako.. Dinala nia ako dito sa LAGUNA… dito nia ako itinira, sa kapatid nia.. At naghanap sia ng trabaho.. Makalipas ang 3 linggo napaisip akong magtatrabaho na din ako para dagdag kita. Kasi ayukong mahirapan sia.. Ayun nga nagapply ako ng trabaho.. Hanggang sa isang buwan at mahigit.. Akala ko ok na,, akala ko masaya na ako at wala na akong iisipin pa.. Yun pala akala ko lang..

Isang araw nagdesisyon siang uuwi ng probinsya nila.. Sa QUEZON,, sabi nia sa akin saglit lang sia.. Tutulungan nia lang yung tatay nia sa sakahan at koprahan. Kaya pumayag ako.. Kc sabi nia din tatawag sia madalas. Dahil my trabaho nga ako hindi ako sumama sa kania.. Nkatira pa din ako sa kapatid nia. Hanggang sa makalipas ang ilang araw at buwan hindi naman sia tumatawag.. Gabi gabi akong umiiyak ngunit wala namang snsabi ung mga kapatid nia na ngttxt sia. Kaya sabi ko bubukod nalang ako ng tirahan.. Nangupahan ako..
Ilang buwan pa akong maghintay hanggang sa wala na akong maramdaman pero naghihintay pa din ako..
Nagkaroon ako ng ibang jowa.. Pero naghihintay pa rin ako.. Na baka tawagan nia ako..

Year 2014 may 12..
Naghihintay pa din ako.. Nakipaghiwalay ako sa nagng jowa ko,, At nasa MAKATI na ako that time..
Hindi pa uso ang FACEBOOK sa akin.. At dahil dun nagkaroon ako ng CP na lahat pwede.. Ayun na nga,,
Gumawa ako ng FACEBOOK account.. Search dito at search doon.. Hanggang sa isang suggested friend ang familiar… “OH MY GOD… ” ALMOST 4 YEARS..
nakita din kitang muli.. Ou nakita ko ulit yung nagiisang tao na hinintay ko ng mahabang panahon.. Inadd ko sia syempre.. EXCITED ako na makausap sia.. Hanggang inaccept nia na ako. syempre tuwang tuwa ako.. Walang paglagyanang tuwa ko.. Halos magtatalon ako sa tuwa..

Nagkausap kmi,, ok na ulit kami.. July 18 2014

“Hello” chat ng isang babae.
“Hello din” ang sagot ko naman..
Nagusap kami ng matagal hanggang sa deretso na nia akong sinabihan na wag ko nang ichat yung kasintahan ko nga.. Kasi ikakasal na dw sila..
“HUHUHUHU” AT oo ikakasal na nga sila.. Nabasa ko sa wall ko..
Umasa na naman ako.. Napaikot at nahulog sa patibong.. Muli minahal ko na namn sia.. Halos isiksik ko ang sarili ko sa kania..
Ang sakit… Ilang taon akong naghintay at umasa pero sawi na naman pla..

…… “”SORRY””…. Minahal ko na kasi sia nung panahon na hindi kita kasama.. ”
Isang chat sa messenger ko. As usual sa kania galing yun.

Syempre napaisip ako.. Tiningnan ko wall ni girl.

In a relationship starting 2011 march 7
. O MY GOSH.
“HUHUHUHU” iyak dito iyak doon yun nalang ang nagawa ko.. Hindi lang pala ako naging bulag.. Kundi ISANG TANGA DIN.. naghintay ako sa isang taong may mahal ng iba at ikakasal na.. Na akala ko simula ako lang ang mahal nia yun pala DALAWA KMI..
SINAYANG ko yung mga panahong mahal ako ng naging jowa ko nung wala sia.. Dahil sia padin yung hinahanap at minamahal ko s akabila ng maraming taon….

At ngaun.. HetO na ako.. Matibay.. Matapang..
Malakas ang loob. At hindi na magpapaloko pa..
Tama na yung minsang nadala ako sa nakaraan na hindi na maibabalik pa.. Hinayaan ko na yung sarili ko na maging ganito ka manhid at malaya habang ninanamnam ang arawaraw na humihinga ako..
At habang buhay kong dadalhin sa puso ko yung mga bagay na ntutunan ko sa nakaraan ko..

“HINDI LAHAT NAG AKALA MONG SANDALAN MO AY MATIBAY PARA SAYU. DARATING ANG ARAW NA RURUPOK AT RURUPOK ITO… ”

Maraming salamat po sa lahat ng bumasa sa aking kwento.. Ito po ay hango sa aking tunay na karanasan at buhay…


6 Comments

  1. D talaga madali yun ate jennifer sana may mahanap kang deserve para sayo at sana rin matauhan ang lalaking yun manloloko pala sya ehhhh…… God bless po ate jennifer

  2. halos kasabayan mo ung girl na naging jowa nya. two timer pala cya. reason na lang siguro nya na bumalik sa probinsya pra kitain ang babaeng naiwan nya din.

  3. Oo nga ang haba ng panahong hinintay mo my naging jowa ka pero nakipaghiwalay ka at omasa sa wala.Relate ako sa story mo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.