1

Ang Suplado Kong Manliligaw

Preview

Marami na siguro ang naiingit na mga babae–kahit binabae kay Reina Sarei Deramirez Torres dahil sa kaniyang kauna-unahang MANLILIGAW. Yes! You read it right mga kabayan! M-A-N-L-I-L-I-G-A-W, as in suitor! Hindi naman sa pangit siya, sa katunayan nga ay napaka-ganda niya, matalino at mabait pa! She’s the epitome of a true Goddess. Sadyang ‘pag may nagpapakita kasi ng motibo sakan’ya ay mabilis na niya itong nilalayuan at binabasted. Kaya ngayon lang talaga siya magkakaroon ng manliligaw. And who’s the lucky guy? No other than….. *tententeneeen* Mr. Deon Alford Velusco. Ang sikat na basketbolista sa buong Unibersidad na kan’yang pinapasukan. Hindi lang ito sikat kun’di Gwapo pa! Gwapo. Isnob. Masungit. Gwapo. Isnob. Masungit....


Iyon lang naman ang mga katangian n’ya. Kaya siguro walang babaeng pumapangahas na maging nobya niya dahil sa ubod nito ng kasupladuhan at kasungitan!

Pero.. ano nalang kaya ang say ng buong bayan kung nagsumila ng umakyat ng ligaw ang kanilang sinasamba?

Marami ngang nagsasabi na baka daw ginayuma ni Sarei ang kanilang Papabels!

Hala? Pano na yan? Ang sungit sungit ng kaniyang masugid na manliligaw. Akala pa nga ng ibang tao siya talaga ang nanliligaw sa lalaki dahil sa ubod nito ng kasungitan!

Paano nalang kaya ang magiging takbo ng istorya nila kung kapag magtatampo si Sarei ay mas malakas pa ang sumpong ng isa! Daig pa nito ang babae kung mag-inarte!

One Comment

  1. Sa simula pa lang masasabi mo talaga na maganda ang story nato kayaks Lanq bitin😭

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *