0

MAGKAIBANG MUNDO Chapter Two


Report

Lawrence’s POV
“Lawrence mahirap ang gagawin mo,magkakaharap kayo ng tatay mo na matagal mong kinamuhian and what surprises me more is talagang ihaharap mo siya kay tita? Are you really this insane?” Rinig kong pagalit na boses ni Darby.
“Darbs I have to do this! Siya lang ang makakasalba sa kompanya. Hindi ko naman hahayaan na mawala ang kompanya just because of my pride! Panu nalang sila? Nakikita mo ba kung gano sila nagpupursige para sa mga pamilya nila? Sabay turo sa mga empleyado ko. Tapos ano? Susuko nalang ako ng ganun-ganun nalang? Noooo I have to find a way to save my people. At kung kailangan kong makigpag-plastikan sa tatay ko kahit kinamumuhian ko siya, gagawin ko para sa kanila. ” madiin kong
saad kay Darby.
Sa sobrang laki ng problema ng kompanya walang kahit sino ang makakatulong sakin kundi ang isang kinikilalang pinaka-mayaman sa buong Asya. Ang taong kinamumuhian ko! Ang aking ama.
Flashback:
“Romel wag mong gawin samin to ng anak mo maawa ka. San kami pupunta kapag...


pinalayas mo kami?” nagmamakaawang iyak ni mama.
“Wala akong pakialam kung saan kayo tutungo, binigyan na kita ng sapat na pera para magsimula kayo ulit kaya umalis na kayo Natalie.” rinig kong sambit ng walang kwenta kong ama.
Iyak ng iyak si mama habang akay-akay ako papalabas ng gate ng bahay ng tatay ko. Hindi ko alam pero bigla akong lumingon at masamang tiningnan ang ama ko at nagbitaw ako ng mga salita na hindi ko malaman kung saan ko pinulot iyon.
“Darating ang panahon maghahanap ka rin ng anak at sa panahong iyon hinding-hindi kita kikilalaning ama ko. Simula sa araw nato patay kana! Para saakin patay kana. Ililibing ko ang pagiging anak ko sayo kasabay ng paglibing ko ng mga alala ko sayo.” galit kong turan sakanya saka tumalikod at hinawakan si mama sa kanang kamay.
Masakit parin pala ang lahat. Akala ko naging okay na ako, akala ko ayos na dahil sa kabila ng paghihirap na dinanas namin ni mama ay naging maayos rin ang buhay namin.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.