0

LOVE AFTER THE RAIN


Report

❣️❣️PROLOGUE❣️❣️
hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng malakas na hangin, wala akong oras sa panunuod ng Televisyon dahil sa patong-patong na gawain dito sa bahay ng mga Monte Mayor kaya’t hindi ko matiyak kung may Bagyo ba, pansamantala kong pinalitan si Inay bilang kasambahay dahil sa hinduli nya magandang pakiramdam.
Sa dami nang gawain ko ay nakuha ko pang mapatulala sa lalakeng naroon sa tabi ng Swiming pool at abala sa pag inom ng alak, ito ang bunsong anak ng amo ni Ina’y sa totoo lang ay ngayon ko lang sya nakita dahil kakabalik nya lamang mula sa States, abala ang mata nya sa pagsilay sa kalangitan habang ang kamay nya ay may hawak na bote ng alak na paulit-ulit nyang tinutungga, nakapalibot sa kanya ang ilang bote na nakatumba habang ang karamihan ay nakatayo pa.
Inilipat nya sa kabilang braso ang hawak nyang beer tsaka itinuon ang kamay nya sa sahig sa bandang likuran matapos ay pumikit ito at sinalubong ang malalaking patak ng ulan.
“Teyang Ija! Ikuha mo ng Payong ang Master Reighton mo. “saad ni Ma’am Riegina ang mommy ng lalakeng iyon.
“Ah- – opo. ” taranta akong pumasok sa loob at mabilis din na bumalik. Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong dahil sa kaunting kaba dulot ng lalakeng iyon, nabanggit sa’kin ni Ina’y na may pagkapilyo ito kaya’t kahit humakbang ay hindi ko manlang magawa.
Pero kalauna’y pilit akong napatakbo dahil sa malakas na pagbuhos ng Ulan, kung hindi ko sya isisilong ay...


baka magkasakit pa ang taong ito at ako ang masisi sa huli.
Dahil sa Masamang panahon ay mabilis na nagdilim nag paligid ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi ko mapuri ang taglay nitong ka gwapuhan, makinis ang kutis nya, sobrang tangos ng ilong nya na lalong nag pa kurba sa labi nito na halos mag mistulang letter ‘M ‘ na, may kahabaan din ang pilik mata nya.
Nagtuloy ito sa pagtungga ng beer dahilan para malinaw kong matanaw ang pagkabasa ng labi nito na halos tumriple na ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay higit syang gwapo kaysa sa mga napapanuod ko sa mga teleserye, magkaidad lamang kami pero ang itsura nya ay mistulang modelo sa ibang bansa, huminto ang pagkakatitig ko sa kanya nang mag angat sya ng paningin.
“it’s rude to stare without my Permission. ” nakakasuya ang kasungitan ng tono nya, akmang magsasalita ako pero malakas na umihip ang hangin kaya’t bahagyang nilipad ang pino at itim nyang bagsak na buhok. “what do you Want? ” lalong nainis ang boses nya tsaka tumayo at waring pinagpag ang short nya.
“ka-kase po..” pinipilit kong hwag mautal ngunit tinatraydor ako ng dila ko.
Tinaasan nya ako ng kilay kaya’t nag baba ako kaagad ng tingin, Galit ba sya?
“What! ” nawawalan ng pasensyang aniya.
“b-baka po kasi kayo mag kasakit.. Narito po ako para payungan kayo master. ”
” Bakit, kaya bang alisin ng payong mo ang sakit na nadarama ko? ” masungit na saad nito tsaka ako iniwan mag isa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.