0

Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 5


Report

Dalawang Linggo nlng at pasukan na nman. First Year High SchooL na ko. Nasa bayan ang malaking paaralan ng High School. Pwede Kang makarating dun gamit ang bangka at pwede rin nman maglakad (BaKtas) ang tawag namin dun. Saka pwede ng maghabaL habal sa Baryo Masaya para makapunta sa bayan.Di kase pwedeng Dumeretso sa bahay namin ang habal habaL kase masydong bako bako ang daan at indi nman sementado.
Ang Espinosa Memorial High Shool ay pag aari ng yumaong Don. Espinosa kaya sa kanya ipinangalan ang paaralan dahiL sa pagbigay ng kanyang lupa sa Gobyerno para maitirik ang nasasabing paaralan.
Kapag high school student ka na ay kailangan mong mag board ng bahay.(Boarding House) at lingguhan ka na ring uuwe sa baryo nyo. Magbabaon ka ng pagkain mo na magkakasya sa loob ng isang linggo. Kakayanin ko kaya eh wala sa tabi ko ang pamiLya ko. Pero ang tanong makakapag araL ba ako?? Sana ..
“Sisa, tao po ‘ tao po ‘ tawag ni ante Ligaya ang asawa ni Angkel Mar (yung may tv 😂)
“pasok po ” sabi ko dto ng pagbuksan ko ng pinto.
“Ah may sadya ako sa tita Sisa mo. Anjan ba sya? “tanong neto.
Tumango ako at tinawag ang tita kong nsa likod bahay at nangunguha ng bunga ng ampalaya nyang ilalako ko mamaya.
Mabait sina Angkel Mar at ante Ligaya. May Dalawa silang anak. Ay oo nga pla kapatid din si Angkel Mar ng mama ko 🙂 Panganay sa lahat si AngkeL Mar. 7 silang magkakapatid at si mama ang bunso. At si Mikmik.?Pamangkin sya ni Ante Ligaya.
Tinawag ko ang tita ko at sinabing anjan si Ante Ligaya at hinahanap sya. Iniwan ko na silang dalawa sa bahay dahiL heto ako at maglalako ng mga bagong pitas na bunga ng ampalaya para pambiling bigas mamaya.
“Ampalayaaaa ..sariwang sariwa ” sigaw ko habang naglalakad at nakalagay sa ulo ko ang pwet ng planggana. Gusto ko sanang isama si Marya kaso ayaw nya. Mas gugustuhin pa daw nyang makinig sa pag uusapan nila tita. Ibang klase talaga siya.
“sampu Lang isang Balot “dagdag ko pa..
Wala man Lang lumabas sa kabila ng mga sigaw ko. Napanghihinaan na ko ng loob. Pano kong walang bumili at di kme makabiLi ng bigas.? Ano na ang kakainin namin. Pano pa ang para bukas?? Pero syempre di ako papayag. Alas 3 y medya palang nman ng hapon. Baka tulog pa mga tao sa baryo namin.. Pupunta akong Purok Uno dun banda sa may school baka sakaling may bumili...


sa paninda ko khit iLang balot lng. Taas noo akong naglakad kahit may kahapdian pa ang sikat ng araw. Hawak hawak ang planggan sa taas ng aking uLo’y tinahak ko ang daan ng Purok Uno .
Pagdating doon ay itinuLoy ko ang pagsisigaw ng paninda kong ampalaya na mura na’y bagong pitas pa.
“Lola Ason?. Bili po kayo?? ” alok ko sa matandang nakaupo sa labas ng bahay nya habang nakikinig ng Drama sa radyo.
“Sge,Lapit ka dto at titingnan kita kung sariwa ka pa. Ay este ang ampalayang tinda mo ” sabi netong bahagya oang nakangisi .
Kahit natatakot ako’y lumapit padin ako alang alang sa kakainin namin ngayong gabi. Balita kaseng Aswang daw si Lola Ason sabi ng mga tao dto sa amin. Pero wala pa nmang patunay na may kinain itong tao kaya di ko masasabi kong totoong aswang nga ito.
“ito po oh. Sampo lang po isang balot “,magalang kong turan dito sabay abot ng aking paninda.
“tama ka sariwa nga ‘”sabi nitong habang tatango tango pa.. “oh sge pabiLi tatlong balot. “sabi pa neto..
Nagtataka ma’y inabot ko sa kanya ang dalawa pang balot ng ampalaya. Agad nman nya akong binayaran at nagmamadali na akong umalis sa bahay nya.
“Pag may mga Paninda ka.. Idaan mo lng dito aa ”
Rinig kong sigaw nya habang papalayo ako. Di ko alam pero kinilabutan ako.
Umuwe ako sa amin at may 2 balot pa ng ampalaya ang natira. Sabi ng tita Sisa ko’y uLam nlng namin.. Bumili kami ng isang Gantang (mahiigit dalawang kilo) na bigas 50pesos lng po yun.. Yung subra sa benta ko sa paglalako ay binili naming kape para bukas..
Habang binabalatan ko ang kamoteng kahoy na ihahalo ko sa sinaing naming bigas ay di ko maiwasang di magtanong sa tita Sisa ko tungkol kay Lola Ason. Opo ihahalo namin sa bigas yung kamoteng kahoy na ani namin sa bukid para po khit kunti lng ang bigas ay dadami at kakasya sa amin gawa ng may kamoteng kahoy na kasama (tipid tipid po kumbaga).
“totoo po bang aswang si Lola Ason? ” tanong ko kay Tita
“Sabi sabi ng mga taga dito sa atin “sagot nito habang hinihipan ang aming di Kahoy na lutuan.
“Naniniwala po kayo Tita Sisa na aswang sya.? “tanong ko ulit..
“Hindi ko alam. Parang Oo pero para ding Hindi ” naguguluhan nitong sabi.
Di na ko umiik ..ayaw ko namang husgahan si Lola Ason dahiL lang sa sabi sabi..
-itutuloy
Kaway kaway po sa mga readers na naniniwalang may ASWANG 😂


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.