0

LOST MEMORIES CHAPTER 2


Report

LOST MEMORIES
Author: yrstrly

CHAPTER 2
Ally’s POV
“ATE ALLY!” patakbong salubong sakin ni Kevin. Bunsong anak nila Tita Chelsa at Tito Kenneth. Nakababatang kapatid ni Calvin.
Nandito ako sa bahay nila para turuan siya sa mga school works.
“Hello baby boy!” Nakangiting sabi ko din sa kaniya. Kevin is just only 8 years old. Pareho silang gwapo ni Calvin. Pero kung si Kevin ay palangiti at makulit, si Calvin ay naman ay suplado at hindi palangiti.
“Namis po kita ate! Kala ko po hindi ka na babalik eh” aniya.
Nasa sala na kami at nakaupo.
“Namis din kita baby boy. May ginawa lang kasi si Ate kaya di siya nakakadalaw dito. Teka, asan pala sila Tita? E-eh, yung kuya mo asan?” Sunod-sunod kong sabi sa bata.
“Sina mommy po at daddy may pinuntahan po, si Yaya meding lang po kasama ko dito. Tsaka si Kuya naman po, nasa kwarto may kausap na babae,” Kevin
“B-babae?” kumirot agad ang puso ko sa narinig. Hindi kaya si Nichole iyon?
“Ate diba po mahal mo kuya ko?”
Naibalik ako sa malalim na pag iisip nang tanungin ako ni Kevin .” H-huh?”
Gusto ko sanang magsinungaling sa bata pero hindi ko na nagawa.” O-oo hehe. Bakit mo natanong?”
“Kasi po gusto po kita para kay kuya ko po” magalang na aniya.
Napangiti ako sa tinuran ng bata. Hayy, sana ganun din si Calvin sakin. Sana gusto niya din ako para sa kaniya.
“Kevin,” pareho kaming napalingon ng bata sa taong tumawag
“Kuya!”
“Hi” ani ko kay Calvin. As usual, hindi niya ako pinansin.
“Kinuha mo ba yung headphone ko?” tanong niya sa kapatid.
“Nasa kwarto ko po kuya, sandali po kukunin ko po” sabay takbo ni kevin papunta sa kwarto niya. Susunod sana si Calvin pero tinawag ko siya.
“Calvin sandale!”
Bagot siyang lumingon sa lugar ko ” ano na naman?”
“U-uhm, ano kase..” itatanong ko ba sa kaniya kung si Nichole ang katawagan niya kanina? May karapatan pa ba akong magtanong?
“Tsked, kung wala kang sasabihin, wag mo kong tawagin. Nakakaabala ka eh” inis na sabi niya.
“S-sorry..” yumuko ako.
“Kuya! Inaaway mo na naman si ate ko!” Galit na sabi ni Kevin nung makabalik.
“Tsked, masyado lang siyang mababaw. Akin na” sabay kuha niya ng Headphone sa kapatid.
Di na kami nagsalita ni Kevin matapos nun. Hinayaan na lang namin siyang umalis at bumalik sa kwarto niya.
Tapos ko nang turuan si Kevin sa kaniyang school activity. Mahigit tatlong oras din iyon .Sakto namang bumaba si Calvin sa hagdan, suot yung damit na niregalo ko sa kaniya noon. Hayyy, kung alam mo lang Calvin na ako ang nagbigay niyan, kaso hindi eh. Wala kang maalala. Nakkainis ka!
“Oh san ang punta mo?” Tanong ni Nay Meding. Yaya ni Kevin.
“Lalabas lang po, kasama si Nichole” aniya.
Nagkasalubong ang paningin namin ni Nay Meding, alam ko ang nasa isip niya.
Saksi kasi si...


Nay sa pagmamahalan naman ni Calvin noon. Nginitian niya ako at tinanguan, ‘okay lang yan nak’ aniya gamit ang tingin.
“Teka diba uuwi ka na din Ally, Oh, Calvin ihatid mo na din si Ally sa kanila” pahabol ni Nay bago makalabas si Calvin sa pintuan. Kumunot ang noo ng lalaki.
“Hindi ko alam ang bahay niya,” calvin.
“Kaya nga isama mo na si Ally para maituro niya sayo” Nay.
“Malalate na ako, sayang ang oras kung ihahatid ko pa siya” Di magpapatalong sabi ni Calvin.
“Hayst, wag na magdahilan. Ihahatid mo si Ally sa ayaw o sa gusto mo. Bilis na, Ally anak sige na sumabay ka na kay Calvin, ” pinal na sabi ni Nay.
Tumingin ako sa labas, medyo madilim na. Mabuti na din siguro kung sasabay ako diba?
“Tsked, bilisan mo,” calvin saka nagsimulang maglakad papalabas.
“Sige na anak sumunod ka na. Baka magbago pa isip nun eh hehe” Nay
Agad agad ko namang niligpit ang gamit ko ” thank you po nay” ani ko.
“Thank you ate!” ngiting sabi naman ni kevin sa akin bago ako tuluyang nakalabas ng bahay.
Sinama nga ako ni Calvin. Ginamit niya yung motor niya. Nung makalayo layo kami sa bahay nila nakasalubong namin sila Tim at ibang kaibigan niya na nakasakay din sa kanilang mga motor.
Kaya tumigil kami.
“Hoy Bench! Ikaw nga ang maghatid kay Ally sa kanila, ” sabi niya sa kasamahan.
Nagulat ako sa narinig. Dati hindi niya ako hinahayaang umuwi mag isa o galit siya kapag merong naghahatid sa aking iba. Pero ngayon.. ang bilis bilis niya naman akong ipagkatiwala…
“Sira na ba ulo mo, bakit mo ipapahatid kay bench si ally? Alam mo namang may pagkamanyak yung taong yun diba” galit na sabi ni Gio nang makalapit sa amin.
Kinuha nya yung gamit ko “tara na Ally, ako na lang ang maghahatid sayo, walang kwenta yang taong gusto mo” sabi ni Gio.
Pansin ko ang pag iba ng istura ni Calvin. Galit siya..
“Hoy Gio!” Tawag niya sa kabigan bago kami makalayo.
Tumigil kami.
“May gusto ka ba kay allyiah?” Calvin.
Tumingin ako kay Gio nang hindi siya kumibo. Pero nang magsalita siya, kumabog nang mabilis ang puso ko.
“Ano naman sayo kung gusto ko siya?” Sagot ni Gio.
A-ano?
Napatawa ng mahina si Calvin, ” edi kayo na lang magsama tsked. Wala naman akong pakialam eh. Hoy mga gago tara na!” Sigaw niya sa mga kasama.
Nung makaalis sila Calvin, agad kong hinarap si Gio.
“I was just kidding” depensa niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Napatawa ako nang mahina. “Aist, tara na nga ihatid mo na ako” sabi ko sa kaniya.
“Ally sandale”
“Hmm?” tugon ko
“Naisip ko lang kasi..na…baka gusto mo ako gamitin para makuha mo ulit si Calvin..”
Nagulat ako sa sinabi ni Gio. “anong ibig mong sabihin?”
“Pumapayag ka bang maging girlfriend ko, Ally, magpanggap tayo?”
Ano?
***
TBC.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.