0

The Broken Wife Chapter 10


Report

The Broken Wife
Chapter 10
Kaaalis lang nila ng apartment nila at ngayon ay nagmamaneho na si Ryker papunta sa resto kung saan siya nagpa-reserve ng dinner for four.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Serenity.
“It’s a surprise,” sagot ni Ryker. Nagtataka man si Serenity pero hindi na lang siya nagtanong pa.
Pagdating nila sa resto ay pinarada ni Ryker ang kanyang kotse sa parking lot at dumiretso silang dalawa sa may entrada kung saan ay tinanong sila ng host kung may reservation ba sila. Agad namang sinabi ni Ryker ang kanyang pangalan at agad naman silang iginiya ng host papasok sa pang-apatang upuan. Pagkaupo ni Serenity ay nagtataka siya kung bakit apat ang upuan na meron sa lamesa. Tatanungin na sana niya si Ryker nang may kinawayan si Ryker na dalawang tao. Nakita niyang kumaway naman ang dalawang may edad na lalaki at babae pabalik sa binata at nang makalapit ay agad silang nagyakapan. Dito lang napagtanto ni Serenity na ang mga taong kaharap niya ngayon ay walang iba kundi ang mga magulang ni Ryker.
Napangiti si Ryker sa kanyang mga magulang at tumingin kay Serenity. Kita ng binata ang gulat sa kanyang mukha at parang hindi na siya humihinga. She’s cute, naisip ni Ryker. Pinipigilan niyang matawa nang kabigin ni Ryker si Serenity at doon lang natauhan ang dalaga.
“Mom, Dad, meet Serenity. She’s the girl I’m going to marry.” Pakilala nito sa kanya.
“Wow! She looks beautiful,” sabi ng ama niya.
“G-Good evening ho. Serenity ho,” pagpapakilala ni Serenity sa sarili sabay nakipag kamay sa ama ni Ryker.
Ang ina naman ni Ryker ay ngumiti sabay yinakap ng mahigpit si Serenity na ikinagulat ng dalaga.
“Oh my, you look beautiful iha. Call me Mama Estrella iha at ang aking asawa ay tawagin mo na lang din na Papa Fernando. Sigurado ka bang papatulan mo itong anak ko? Babaero iyan at hindi tumatagal ang girlfriend niya,” pananakot ng ina nito kay Serenity.
“Mom,” sita naman ni Ryker.
“What? Totoo ang sinasabi ko. Naku, Serenity kapag linoko ka nitong anak ko sabihan mo ako at susugurin ko siya. Itatakwil ko siyang anak ko.” Natawa naman si Serenity sa sinabi ng ginang. “Geez, you are so beautiful iha. I like you.”
Natutuwa si Ryker na nagustuhan ng kanyang ina si Serenity. Nagsimula na silang kumain at napansin ni Serenity na ang ina ni Ryker ay madaldal pero nakatutuwang pakinggan dahil hindi ka magsasawang makikinig sa kanya. Maya-maya ay napunta na ang tanong ni ina nito sa kanilang dalawa at biglang nagtanong ng kung anu-ano.
“Saan kayo nagkakilala?” tanong ng ina ni Ryker sa kanilang dalawa.
“Me and Serenity are actually neighbors in the apartment where I’m staying right now. Nakilala ko siya noong bagong lipat pa lamang siya,” paliwanag naman ni Ryker at agad sikang iginuya ng binata sa upuan.
Nag-order naman agad si Ryker ng mga pagkain nang makita niya na ang mismong waiter ay ang kaibigan nito na may-ari kg resto. Napangiti ito nang makita ang babaeng kasama ni Ryker.
“May I take your orders please?” tanong nito sabay may makahukugang ngiti sa kanyang mga labi.
Agad namang sinabi ni Ryker ang kanyang order sa kaibigan. Siya ay si Matt Fuego. Isa si Matt sa mga matatalik na kaibigan ni Ryker noong nasa kolehiyo pa lang sila. Business Ad ang kinuha nitong kurso dahil gusto nitong sundan ang mga yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng business. Simula nang magtayo ito ng sariling resto ay naging swerte ito at isa na ito sa mga pinakamayamang may-ari ng restaurants.
“Oh, Matt. Ikaw pala iho,” sambit ng ama ni Ryker na mukhang nakilala ang kaibigan. “Now why the hell is the owner of Fuego Cuisine and Restaurants is taking orders for us?”
Napangiti naman ang nasabing kaibigan. “Well, your son here asks for a reservation. He said that he’s going on a date with his future wife. Medyo na-curious ako kaya gusto kong makita kung sino ito.”
“She’s a beauty isn’t she?” tanong naman ng ina ni Ryker kay Matt.
Agad na ngumiti si Matt at saka lumapit kay Serenity at bigla na lang itong kinuha ang kamay niya sabay hinalikan ito. Napasinghap siya at gano’n na lang ang kunot ng noo ni Ryker nang gawin iyon ng kaibigan.
“Nice meeting you, Ms. Serenity. My name is Matt Fuego. Why is a beautiful woman like you going to marry Ryker?” Ngumiti ito ng sobrang tamis sa kanya.
Napatingin si Serenity kay Ryker at kita nito ang seryosong mukha niya at kung pwede lang makapatay ang tingin ay baka nagawa na iyon ni Ryker....


Hindi namalayanag hinila ni Serenity ang kamay at nahihiyang napatungo.
“I see. Oh well, oras na linuko ka nitong kaibigan ko ay alam mo na kung sinong pupuntahan mo. I will welcome you with open arms.” Pinaningkitan ni Ryker ang kaibigan at saka tinapik ang balikat niya.
Umalis na si Matt at agad na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Ryker. Ang mga magulang naman nito ay naramdaman ang pagiging awkward ng paligid kaya pilit na naging masaya ng ina ni Ryker at nagsimula na lang ulit ng mapag-uusapan.
“Iha, ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?”
“Ahm, sa ngayon ho wala—”
“I won’t let her work once we got married.” Napatingin silang lahat nang sabihin ito ni Ryker. “Ayokong mapagod siya sa trabaho kaya gusto ko sa bahay lang siya.”
“Ryker, anak hindi mo man lang ba tatanungin si Serenity kung gusto niya bang magtrabaho? Nakakakabagot ang manatili lang sa bahay ng walang ginagawa.” Umiling lang si Ryker.
“Malaki naman ang kinikita ko kaya kayang-kaya ko siyang buhayin.” Tinitigan ni Serenity ng mataman si Ryker kung seryoso ba ito sa kanyang sinasabi pero wala siyang makitang bahid na nagbibiro ito.
Magsasalita sana ang ina ni Ryker pero hindi niya na lang ito itinuloy. Nang dumating ang aming pagkain ay iba na ang waiter na nagbigay nito. Tahimik lang si Serenity habang kumukuha ng pagkain. Sa isip-isip niya ay gusto niya rin namang makatulong sa magiging asawa niya pero ngayon pa lang ay ayaw na siyang pagtrabauhin ng lalaki. Naiintindihan niya naman na mayaman siya at isa siyang doctor pero kailangan niya pa rin naman ang lumabas at makihalubilo sa ibang tao. Susubukan niya na lang kausapin mamaya si Ryker para naman kahit papaano ay malaman niya kung ano ang gusto niya. Nang matapos kaming kumain ay agad na nagpaalam na sina MamaEstrella at Papa Fernando.
Pagsakay niya sa sasakyan ni Ryker ay napansin niya ang pagiging tahimik nito kanina pa. Gusto niyang tanungin kung ano ang problema pero natatakot siya na oras na tanungin niya ito ay bigla siya nitog singhalan. Pagdating nila sa apartment ay walang gumalaw ni isa sa kanila at nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsalita.
“I apologize,” naunang nagsalita ang binata. Napatingin naman siya agad kay Ryker. “I really am sorry for how I acted a while ago.”
“Naiintindihan ko pero totoo ba iyong sinabi mo kanina na ayaw mo akong pagtrabauhin oras na kinasal na tayo? Pwede ko bang malaman ang dahilan kung bakit?” Napatitig sa kanya ang binata at kita niya ang takot at pag-aalala rito.
Napailing ang binata sabay ngumisi at kinuha ang isang kamay niya sabay hinalikan ito. “I’m so jealous right now, Serenity. Nang makita ko kung paano ka tignan ni Matt kanina ay gusto na kitang ikulong lang. Oo ayokong magtrabaho ka oras na kinasal na tayo dahil baka mamaya ay may ibang lalaki ang makakita sa iyo at agawin ka nila sa akin. I’m so scared that you will leave me.”
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa lalaki dahil gano’n na gano’n ang nararamdaman niya sa mga naging nobyo niya noon kaya naman takot siyang makipagrelasyon muli. Pero sino’ng mag-aakala na si Ryker mismo ang nakakaramdam nito? Halos manlambot ang kanyang ekspresyon sa kanyang nakikita at hindi niya napigilang haplosin ang pisngi ng binata. Ryker is scared as I am. Kapag ganito lang siya sa akin ay baka masanay na ako at mas lalo lang akong mahulog sa kanya.
“Okay,” sagot niya at lumiwanag ang mukha ni Ryker. “Oras na maikasal tayo ay sa bahay lang ako. Pinapangako ko na hindi ko papansinin ang ibang lalaki na kakausap sa akin.”
Kinulong niya ang aking mukha sabay hinalikan ang aking noo. Pagkatapos ay sinunod niyang halikan ang aking ilong, pisngi at pagkatapos ay tumuon ito sa aking mga labi. Noong una ay dahan-dahan lang pero nang tumagal ay para na naming sisipsipin ang isa’t isa. Nang mawalan kami ng hangin ay naghiwalay kami at nagtitigan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking bibig dahil parang nasobrahan yata ito sa paghalik.
“Thank you, Serenity,” turan ng lalaki at dahan-dahan siyang tumango sabay umulit pa ito ulit ng halik sa kanya.
Akala niya noon ay nagbibiro lang ang lalaki nang sinabi niya noon na magiging possessive siya oras na maging kami. Hindi niya naman akalain na sobrang possessive pala nito. Natutuwa siya at kasabay nito ay kinikilig din siya dahil unang beses ulit na naranasan niya ito sa lalaki. Imbes na si Ryker ang magkaroon ng mga first sa kanya ay siya ang nagkakaroon ng mga first sa lalaki.
– Ang possessive naman ni Papa Ryker. 😂 –


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.