0

LAST DESCENDANT OF THE DARK KINGDOM Chapter 3


Report

Kinuha ni Baste ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tiningnan ang inbox kung may message galing sa kanyang Auntie Lucia ngunit wala. Tinawagan niya ito ngunit puro ring lang ang kanyang naririnig. Pagkatapos ng ilang tawag na hindi sinasagot pinatay na niya ang cellphone.
Huminga siya ng malalim saka iwinaksi ang hindi magandang imaheng naglalaro sa kanyang isipan. Maaring hindi nito naririnig ang kanyang tawag, dahil abala ito sa kung ano pa mang ginagawa sa bahay. Napapailing na pumasok nalang siya ng banyo.
Naghihintay sa may sala si Baste habang hindi parin mapakali. Patingin-tingin siya sa may pinto na kung saan lalabas ang hinihintay na si Mateo nang bigla naman sumulpot si Timothy. Halatang bagong ligo ito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito.
“O Baste,aalis naba kayo?” tanong nito na may pagtataka sa anyo,”mag breakfast muna kayo bago kayo umuwi ready na naman eh.”
“Salamat nalang pare, ok na ‘yong kape na binigay ng maid mo kanina.” Baste said.
“Sure ka? Mabuti narin kumain muna kayo. May dalawang oras din mahi___.” Natigil bigla ang pagsasalita nito nang mapansin ang suot na kuwintas ni Baste.
Nasundan naman ni Baste ang tinitingnan nito. Napayuko siya nang mapansin ang kuwintas na suot ang tinitingnan nito. Wala sa loob na hinawakan ito ng mahigpit saka ipinaloob sa damit.
“Kakaiba ang ku-kwintas mo pare.” Turan ni Timothy sa kanya na sa leeg parin niya nakatingin kahit pinasok na niya sa loob ng kanyang damit ang kuwintas.
“Ito lang ang alaala ng mama sakin bago kami I mean bago niya ko iniwan kay Auntie Lucia.” Hindi maiwasan magkalambong ang mukha niya ng maalala ang ina.
Hindi na nakasagot si Timothy nang sumulpot si Mateo.
“Timothy pare, salamat sa mainit na pag tanggap sa’min dito ah.” Anito ng makalapit sa kanila.
“Wala iyon, welcome kayo anytime dito. Sabi ko nga kay Baste mag breakfast muna kayo bago umalis.”
“Di bale pre pinabaunan naman kami ng sandwich ng maid niyo.” Pinakita pa ang isang supot na pinaglagyan ng sandwich. Napatingin pa ito kay Baste na mababakas ang pagkainip, “saka itong si Baste nagmamadali na kasi hindi daw sumasagot ang Auntie Lucia niya sa tawag.”
Tumingin naman muli sa dako niya si Timothy na biglang nag-alala. ” May emergency ba?” tanong nito.
“Wala naman pare,” sagot ni Baste na sinabayan pa ng iling. “Hindi lang ako sanay na hindi sumasagot sa tawag ko ang Auntie Lucia at isa pa iba kasi___.” Hindi maituloy ni Baste ang gustong sabihin.
“Naiintindihan kita pare. Basta ‘yong napag-usapan natin huh at saka tawagan mo ko pag nakauwi na kayo. At tumawag kalang kung kailangan mo ng anumang tulong.”
Bahagya naman napataas ang kilay ni Baste sa huling sinabi nito na diniinan pa ang salitang anumang tulong.
Tinapik niya si Timothy sa balikat,” salamat ng marami pare. Saka pasensiya na kung nagmamadali kami sa pag-uwi may Ibang araw pa naman.”
“Of course don’t worry. Ingat sa pag da-drive.” Timothy said.
“Paano tutuloy na kami wala ng urungan to pare. Tumawag ka pag lumuwas ka ng Manila para makapag good time naman tayong tatlo. Kami naman ang taya.” Saad naman ni Mateo.
“Sure mga pare ko.” Nagtapikan pa ang mga ito sa balikat.
Hinatid hanggang labas ni Timothy ang dalawa. Kumaway pa siya sa mga ito bago minaniobra ang sasakyan palabas ng resort. Saka lang siya pumasok ng hindi na niya matanaw ang likuran ng sasakyan ng mga ito. Dumiretso siya sa living room kung nasaan ang painting ng mag-anak na Ruiz.
Pinagmasdan niya ang suot na kuwintas ni Alejandro. Kasing laki ito ng isang medalyon na hugis bilog na kulay bronze. Sa paligid ng pendant may nakapalamuting mga mumunting bato. At sa gitna ng pendant ay may nakaukit na parang kastilyo.
Hindi siya maaaring magkamali ang suot na kuwintas ni Baste at ang kuwintas ni Alejandro Ruiz ay iisa. Maraming naglalaro sa kanyang isipan ngayon kung ano ang kaugnayan ni Baste sa pamilya Ruiz? Isang misteryusong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Timothy habang pinagmamasdan ang larawan.
🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️🗝️
Habang daan hindi parin mapalagay si Baste. Muli niyang tinawagan ang numero ng tiyahin ngunit sa pagkakataon iyon ay out of coverage na ayon sa operator. Maging ang numero ng telepono sa kanilang bahay ay tinawagan narin niya ngunit hindi rin sinasagot. Patingin-tingin naman sa kanya si Mateo habang nagmamaneho.
“Sa tingin mo kaya may masamang nangyari kay Auntie Lucia? ” hindi napigilang itanong nito kay Baste. Hindi rin siya mapakali sa nakikitang pagkabalisa ng kaibigan.
“Sana nga wala pero iba kasi ang pakiramdam ko.” Hindi tumitingin na sagot ni Baste dito.
Naramdaman naman niya na bumilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Batid ni Baste na nag-aalala din ang kaibigan. Naisip tuloy niya na sana hindi nalang siya umalis ng bahay.
Ang dalawang oras sana na biyahe ay nakuha lamang nila sa isa’t kalahating oras na pagpapatakbo. Mabilis pero maingat na pagpapatakbo ang ginawa ni Mateo,tumanggi narin ito noong unang sinabi niyang siya nalang magmamaneho. Dahilan nito mas mukhang may hang over pa siya kaysa sa kanya. Alam niyang nagbibiro ito pero hindi man lang siya natawa dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala niya.
Halos talunin na niya ang pagbaba ng sasakyan. Agad siyang pumasok sa gate ng kanilang...


bahay. Pagbungad niya sa sala natuod na siya sa naabutan. Parang dinaanan ng bagyo. Lahat ng kasangkapan kung hindi man sira ay basag.
“OMG, anung nangyari dito parang nadaanan ng bagyo?” hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Mateo. Hindi niya ito sinagot bagkus umakyat sa taas upang tingnan ang mga kuwarto. Kabaliktaran sa sala,maayos ang dalawang silid na kanilang tinutulugan. Natagpuan din niya ang cellphone ng tiyahin na nakapatong sa side table ng kama nito ay agad niya itong kinuha.
Parang tambol ang tibok ng puso ni Baste ngunit pinagana parin ang isip. May kinuha sa likod ng isang larawan na nakasabit sa may dingding ng silid ng tiyahin. May secret vault sa likod nito. May kinuha siyang isang katamtamang kahon at envelope na kinalalagyan ng mga importantanteng dokumento saka lumabas ng silid. Nakasalubong niya sa may hagdanan ang kaibigan.
“Ang Auntie Lucia? kailangan maireport natin sa pulis ang nangyari sa bahay niyo.” Saad nito na kababakasan din ng pag-aalala.
“Kailangan na natin umalis dito.” Sabi niya at nagpatiuna na sa paglabas ng bahay. Nagugulumihan namang sumunod ito sa kanya.
“Ano?! teka lang pare. Hindi ba tayo mag rereport sa pulis ? paano ang Auntie Lucia mo?” naguguluhan nitong tanong habang nakasunod sa kanya.
Nang malapit na sila sa gate hininge niya dito ang susi ng sasakyan upang siya ang mag maneho. Naguguluhan man sa nangyayari iniabot naman ng kaibigan ang susi. Nang nasa loob na sila ng fortuner ni Mateo hindi pa man nagagawang ii-start ni Baste ang sasakyan isang malaking lalaki na may mahabang buhok ang humarang sa harap nila. Matalim ang pagkakatitig sa kanila at itinaas ang kamay sa gawi nila. Sa mismong mga mata nila nagpalabas ito ng isang bolang parang kidlat.
Mabilis na iniatras ni Baste ang sasakyan ngunit nasapol parin ang unahang sasakyan sa may bahagi ng driver seat. Halos maalog ang dalawa sa lakas ng pagsabog na inihagis sa kanilang bola ng kidlat. Kung hindi mabilis ang reflexes ni Baste sa paghawak ng manibela malamang tumaob ang sasakyan.
Nagpreno siya saka minaniobra pakaliwa ang sasakyan sa ibang direksyon sila tumungo upang iwasan ang malaking lalaki. Nakita niya sa side mirror na nakatayo lang ang lalaki hanggang sa makalayo na sila. Nakita niyang umuusok ang unahang sasakyan at nang sulyapan niya ang katabi ay nanlalaki ang mga mata at mukhang na shock.
“Pare ayos kalang ba?” may pag-aalalang tanong ni Baste dito.
Nanlalaki naman ang mata nito ng lumingon sa kanya.
“Bu- buhay pa ba tayo? Diyos ko po totoo ba yong nakita ko iyong kamay ng lalaki,nakita mo rin di ba?!” lumingon pa ito sa pinanggalingan nila. Dahil nakaliko na sila hindi na niya natanaw ang lalaki kanina.
“Huwag ka ng mag-alala nakalayo na tayo sa kanya.” Sagot ni Baste na hindi kababakasan ng anumang takot. Makikita ang kalmado niyang panlabas ngunit ang kanyang dibdib parang may naghahabulang daga at parang may ipu-ipo ang tiyan. Sobra din siyang nag-alala ngayon sa tiyahin na maaring bihag na ng mga taong matagal na silang pinaghahanap.
“Ngek pare ang fortuner ko umuusok ang harapan baka sumabog tayo!” natatarantang saad ni Mateo at para na itong maiihi sa pagkakaupo.
Itinigil sandali ni Baste ang sasakyan sa isang tabi. Lumabas si Mateo saka pumunta sa likod ng sasakyan nito at kinuha ang maliit na fire extinguisher na lagi nitong dala. Agad naman naapula ang usok sa sasakyan at saka muling sumakay.
Muli na sanang papaandarin ni Baste ang sasakyan ng pigilan ito ni Mateo.
“Puwede ba Sebastian pakipaliwanag mo muna kung ano ba talaga ang nangyayari? sino ang lalaking iyon na may power ang kamay at ang Auntie Lucia mo alam mo ba kung nasaan siya?”
Alam ni Baste na seryuso na ang kaibigan lalo’t binigkas nito ng buo ang kaniyang pangalan. Huminga muna siya ng malalim bago ito sinulyapan.
“Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang sitwasyon ko ngayon pare. Masyadong komplikado at baka hindi ka maniwala.” Paliwanag niya.
“Sa tagal ng pagkakaibigan natin pare wala kapa rin bang tiwala sa’kin? kahit sabihin mong alien ka paniniwalaan ko basta sinabi mo.” Sagot naman nito.
” Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya pare pero kailangan muna natin ang makalayo dito. Ayukong dito pa tayo magkuwentuhan ng talambuhay ko. Mahaba-haba ding salaysayin ang gagawin ko.” Ani ni Baste.
Sumangayon naman ang kaibigan kaya agad niya ng pinasibad ang sasakyan. Nakarating sila sa isang lugar na wala masyadong bahay at hindi dayuhin ng mga tao.
Parehas silang nakasandal sa sasakyan habang nakatingin sa malayo.
“Umpisahan mo nang mangumpisal pare nakikinig ako.” Untag ni Mateo
Lumingon sandali sa kanya si Baste bago binalik ang tingin sa kawalan. Mag-uumpisa na sanang magkuwento ito nang mapapitik ng daliri si Mateo dahil may naalala.
” Just a moment pare may kukunin lang ako sa loob ng sasakyan.” Tumalikod na ito sa kanya na nasundan nalang niya ng nagtatakang tingin. Nang magbalik ito dala ang supot ng sandwich na ibinalot ng maid ni Timothy bago sila umalis ng resort. Napapailing nalang siya dito.
“Nagugutom na kasi ako kanina pa. Masarap magkuwentuhan habang kumakain.” Saad pa nito habang iniaabot sa kanya ang isang sandwich ngunit tumanggi siya.
“Salamat nalang. Sana hwag kang mabulunan habang nakikinig sa kwento ko.” turan naman niya dito.
“Sige lang pre.” Sabi nito habang kumakain ng sandwich.
Tumingin muli sa malayo si Baste saka bumuntong hininga.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.