0

I’LL NEVER GO CHAPTER 8


Report

Pinayagan ako ni Tita Pia na sumama ng gabing iyon,kaya tuwang tuwa si Cassy.
Pero meron pang mas natuwa.Si Markus yun.Ramdam namin kasi napakahyper nya.Sya pa nagyaya ma magjam sila sa stage kaya sulit ang gabi namin sa paggimik.
Pero matagal bago masundan ang paglabas labas namin tuwing gabi.Lalo na at magkaaway sina Sab at Lance.
Ganoon pala sila sa tropa kapag me tampuhan ang magkarelasyon ay naapektuhan ang lahat.
Kagaya ngayon malungkot din ako,kasi naging close na ako sa kanila.
Pero ganun talaga ang buhay kelangan magmove on.
Kaya kahit medyo watak watak sila ay me isa namang dumadamoves sa akin.
“Hi Xandie,pwede ba umakyat ng ligaw sa bahay nyo?”
“Ha? Masyado pa akong bata para sa bagay na yan,tsaka nag aaral pa ako.Hanap ka na lang ng kaedad mo.”
“Bakit makakasagabal ba ang panliligaw ko sa pag aaral mo? Tsaka three years lang ang tanda ko sayo.”
“Hindi naman sa ganun,pero nakakahiya sa nagpapa aral sa akin kung itong pakikipagligawan ang aatupagin ko.”
“Di ba pwedeng maging inspirasyon ang kaguwapuhan ko?” nakangiting sabi nito sa akin.
“Wow lakas ng hangin dito.Makaalis na nga.”
Wala akong sinabi na pumapayag ako,pero kinagabihan ay sabi ni Tita ay may naghahanap daw sa akin na lalaki.
Nainis pa ako sa umpisa pero sa kabilang banda ay kinikilig ako.
Nakausap nya na daw si Tita at pumayag na ito.Wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang panliligaw nya,alangan naman na ipagtabuyan ko sya di naman sa akin itong bahay.
“Iha mag usap na muna kayo dyan at punta lang ako sa kitchen.Asikasuhin mo ang manliligaw mo ha.Nakakatuwa,dalaga ka na nga iha.”
“Sige po Tita.Ako na ang bahala dito.”
Pagkaalis ni Tita ay sinungitan ko...


agad si Mark.
“Bakit ka ba nandito ha? Tsaka pumayag ba ako?”
“Aakyat pa nga lang ng ligaw,ayaw mo pa? Pumayag na nga si Tita.”
“Kahit na,di naman ako pumayag ah.”
“Pumayag ka man o hindi pupunta at pupunta pa rin ako dito.”
“Ewan ko sayo.”
Nang magkita kami ni Cassy kinabukasan ay nagtititili ito sa galak.
“Yeesss! Talaga Beb,pumunta sainyo si Markus?”
“Oo nga sabi eh,at kinausap pa si Tita.Ayun pumayag naman at natuwa pa.”
“Dapat lang no,magpaalam sya.Tsaka Beb wag mo syang pahirapan ha.Cute nyo kaya tingnan bagay kayo.”
“Ang tanda na kaya sa akin nun.Tsaka ang gusto ko foreigner na mayaman.”
“Eewww…guwapo naman si Mark mukha namang me ibang lahi,pwede na rin yun at mayaman din sya.”
“Sabagay mas guwapo pa nga sya sa mga foreigner.”
“Naman! Dapat magcelebrate tayo dahil luma lovelife ka na Beb.”
“Parang ano to,nakakahiya na oh naririnig ka na dito sa buong campus.”
Samantalang si Mark ay ibinalita nya na din sa mga kaibigan na umakyat sya ng ligaw kay Xandie.Masaya naman sila para sa kaibigan.
“Sana lang Bro’ pangmatagalan na yan,napakabait pa naman ni Xandie.”
“Bro’di pa nga ako sinasagot ng tao pangmatagalan na agad gusto nyo.”
“Ibig sabihin namin Bro’bilis bilisan mo.”
“Parang napilitan nga lang eh,tinarayan pa ako.”
“Hahaha…ikaw pa.Yakang yaka mo yan Bro’.”
“Naman mga Bro’ kakayanin ko.Ako pa.”
Dahil nga sa nanliligaw sya ay sinusundo nya sa school ni Xandie pagkatapos mg trabaho nya.Medyo mahirap dahil minsan ay kapag me overtime sila ay di nya nakikita ang dalaga.
Gaya ngayon sunod sunod na overtime nila dahil kelangan matapos agad ang trabaho.Namimiss nya na ang dalaga.Kahit nakakausap nya ito sa phone ay mas gusto nya makita ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.