0

KAPIT FILTER


Report

KAPIT FILTER
“Ganda iyong profile picture mo ah, kapit filter lang din naman.”
“True! Dapat hindi kana gumamit pa niloloko mo lang sarili mo e.”
“Well, sa ganyang mga tao hindi na pinapaniwalaan pa. Unang-una na doon ang mukha diba?”
Iyan palagi ang naririnig ko sa aking mga kaklase at ibang estudyante. Hindi ko naman masisi kong bakit ako gumamit ng filter. Iyon lang kasi ang tanging paraan para makita ko narin ang sarili ko na maganda kahit sa camera lang.
Hindi ko alam na iba ang trato sa’kin ng nga tao dahil lang sa mukha ko kaya napapaisip ako kong bakit ganito ang binigay. Minsan naiinggit ako sa mga pinsan ko dahil sa sobrang kutis at may mga lahi tapos ako ito simple lang na panget.
“Jesamine, lika rito picture tayong magpinsan.” turan ni Clarisse.
Pumunta naman ako sa gawi nila na nakayuko. Ayoko lang ipakita ang mukha...


ko sa kanila, hindi kasi nababagay e.
“Bakit pa isama iyan? Tayo na lang.” inis na sabi ni Mary.
“True! Bagay naman tayo kahit wala s’ya.”
Tinalikuran ko na lang silang lima at pumasok sa loob ng bahay, narinig ko pang tumawa sila.

Nandito ako ngayon sa mall kasama si Clarisse, nagpasama s’ya sa’kin na pumunta raw sa mall. Bibili ng bagong croptop.
“Jesamine, akin na selpon mo picture kita rito.” aniya.
“Huwag na! Ikaw na lang.” wika ko.
Hindi s’ya nag-patinag at kinuha ang selpon ko sabay pindot ng iba’t-ibang klaseng filter.
“One, two, three…smile” turan nito. Hindi ako ngumiti, ayoko makita niya ang ngipin ko.
“Iyan, ganda mo dito oh!”
“Hindi naman ah.” pamimilit ko.
“Tsk maganda ka sabi e.” palaban nito kaya wala na’kong magawa kundi ngumiti na lang.
Appreciate niya pala ang mukha ko kahit ganito lang ka simple.
— WORK OF FICTION


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.