0

Micaella


Report

Micaella❞
(A oneshot story only)
______________
First year High School palang ako ng makilala ko si Naquel. Mabait sya at may pagka pilosopo. Nung unang ko syang makita, napangiti agad ako. Shempre ang gwapo, sa totoo lang may itsura si Naquel at kahit medyo may pagka pilosopo sya, alam ko namang hindi nya ko niloloko. May tiwala ako kay Naquel.
Nung niligawan ako ni Naquel, nasa Senior High School na kami. Magka klase kaming dalawa kaya hindi na mahirap para sa kanya ang ligawan ako. Palagi kaming magkatabi at pansin na pansin ng mga kaklase namin ang pagiging sobrang clingy at close namin sa isa’t isa.
Palagi kaming pinagtatambal ni Naquel sa tuwing may play sa classroom namin. Kung di nga lang loko tong si Naquel, pumapayag naman.
Sa totoo lang ako na yung nahihiya sa kanya kasi biruin mo, sa mura naming edad, buhat buhat na nya ko. Sya palagi yung taga hatid sundo ko, sya palagi yung taga bili ng mga kailangan at pagkain ko. Sya palagi yung nandyan sa tuwing kailangan ko ng tulong para sa pamilya ko. At sa tuwing nandyan sya sa tabi ko, mas lalo ko lang nare-realize na mahal nya talaga ako.
College na kami ng sagutin ko sya. Yung araw na sinagot ko sya ay ang pinaka masayang araw para sa aming dalawa. Hindi ko napigilang umiyak ng sabihin kong sinasagot ko na sya. Natuwa naman talaga ako kasi sobrang saya ni Naquel as in nakita ko ang mga ngiti nyang nakakaakit.
At sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari, mag-iisang taon na ang nakalipas, hindi ko mapigilang kiligin. Hindi ko kasi in-expect na aabot kami ng isang taon! Ang pagkaka intindi ko kasi sa poppy love ay hindi magtatagal ang relasyon nyo kasi hindi naman talaga kayo seryoso, pero dahil umabot kami ng isang taon, hindi ko mapigilang maiyak.
At sa tingin ko, handa na talaga kaming dalawa para bumuo ng seryosong pamilya.
Nandito kami ni Naquel sa isang probinsya. Tinatahak namin ang isang masukal na kagubatan. Gabi ngayon at dito naisipan ni Naquel na dalhin ako. Dito raw kasi nakatira ang mga magulang nya. Since galing kami ng maynila, pumayag na ko para mameet ko na rin ang mga magulang nya.
“Ah Naquel? Malayo pa ba tayo sa inyo? Mag aalas dos na, baka abutan tayo dito ng ulan.” Saad ko sa boyfriend kong si Naquel.
“Oo Mica e. Pero wag kang mag-alala dahil hindi naman tayo aabutan ng ulan.” Nakangiting sabi ni Naquel.
Sa tuwing nginingitian nya ko, mas lalo kong nararamdamang mahiya sa kanya. Parang anumang oras, gusto ko nalang na magpalamon sa lupa. Pero dahil boyfriend ko sya, walang kaso para sa‘kin dahil girlfriend nya ko.
Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa gitna ng kagubatan. Aaminin ko, napapagod na kong maglakad dahil hindi ako sanay sa mahabang lakaran. Kaya ko namang tiisin na maglakad kami ng malayo pero hindi na kaya ng mga paa ko, ni maihakbang kinakaya ko nalang.
“Mica, sabihin mo lang kung napapagod ka na. Bubuhatin kita!” Seryosong saad ni Naquel.
“Ah kaya ko pa naman. Malayo pa ba tayo?” hinihingal na tanong ko.
“Medyo malayo na malapit na.” Sagot nito sa‘kin na ikinakunot noo ko naman.
“Anong malayo na malapit na?” tanong ko habang patuloy kami sa paglalakad.
Ngumiti lang si Naquel at may itinuro. Tiningnan ko ang tinuro nya at nakita ko ang isang lumang bahay. Malayo na malapit na nga sa amin. Napangiti ako shempre dahil mapapawi na rin ang pagod na nararamdaman ko. Ilang lakad nalang ang gagawin namin at mararating na namin ang bahay.
“Bahay nyo ba yun?” tanong ko sa kanya.
“Oo.” Tipid na sagot nya.
Tumango nalang ako at hindi na nag-usisa pa. Hindi sa ayaw ko sa lumang bahay pero kasi di ba may mga sabi sabi sila na kapag luma yung isang bahay, madaming kababalaghan?
“Hay nako. Mica kung iniisip mo na may mga multo sa bahay namin, nagkakamali ka. Wag ka nang mag-isip jan ng kung ano ano at malapit na tayo.” Seryosong saad ni Naquel na ikinagulat ko.
Himala na nabasa nya isipan ko? Hindi naman ako nagsasalita. Pero kahit ganun, ayos lang.
May sari-sarili na kaming maaayos na trabaho ni Naquel. Sya ay isang registered na pulis habang ako naman ay isang registered nurse....


Sabay kaming nag take ng course at sabay rin kaming grumaduate. Ang saya lang balik balikan ng mga alaalang yun.
Habang sandaling nawaglit sa isipan kong naglalakad pala kami, narating na namin ang bahay nila. Masaya akong inakbayan ni Naquel at binigyan ng matamis na halik. Kumatok na sya sa pinto at agad itong binuksan ng isang matandang babae na sa tansya ko ay nasa edad sais seinta (60) na.
“Oh anak, nandyan na pala kayo.” Nakangiting bungad ng nanay ni Naquel.
“Opo nay, na-miss ko nga po kayo e. Nasan ba si tatay?” tanong ni Naquel.
“Nandoon sa likod bahay, nagtataga.” Sagot ng nanay nya.
“Puntahan ko lang nay ha.” Saad ni Naquel.
“Sige lang at papapasukin ko muna ang bisita natin na girlfriend mo.” Wika ng nanay nya kasabay ng pagpapakita ng ngiti.
Ngumiti lang ako pabalik para hindi ako masabihang bastos. Hinalikan ako ni Naquel sa aking labi.
“Babalik ako Micaella, pupuntahan ko lang si itay.” Nakangiting sabi ni Naquel.
Tumango nalang ako at sumunod na pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, hindi ko inaasahang may kasama pa pala sila. May nakita akong isang batang babae na nakaupo sa wheel chair. At sa nakikita ko sa kanya, napakalungkot nya. Nakikita ko ring may umaagos na butil ng luha sa gilid ng mata nya.
“Jan ka na muna at magluluto lang ako ng hapunan. Wag kang gagalaw ng mga gamit jan at wala kaming tiwala sa mga katulad mong taga labas.” Iritang sabi ng nanay ni Naquel.
At dun ko lang narealize na, pakitang tao lang pala ang nanay nya pag nandyan si Naquel. Pag wala pala ang anak nya, ubod sya ng sama. Hindi sa hinuhusgahan ko ang nanay nya pero totoo naman e.
“Opo, salamat po sa paalala.” Pekeng ngiti ang ipinakita ko.
Sinungitan lang ako ng nanay nya at nagpunta na ito sa kusina para magluto.
Tinitigan ko ang batang babae. Kung kanina umiiyak ito, ngayon puno ng takot ang itsura nya. Maging ako ay natatakot na sa kanya.
“Takk….. takkk… takkk….” pautal utal na sabi nya.
“Ha? Anong sinasabi mo?” kunot noong tanong ko.
“….booo. Takkk―boo….” pautal utal pa rin sya sa pagsasalita nya.
Hindi kaya pipi sya? O baka may problema sa pag-iisip? Kasi pautal utal sa pagsasalita e.
“Teka beh ha! Anong sinasabi mong takkk saka boo? Pinapaalis mo ba ko dito?” tanong ko.
“Takkk―booo….” umiiyak ngunit pautal utal pa rin na sabi nya.
“Sorry ha, pero hindi kita magets!” Sarcastic na sabi ko.
Aalis na sana ako sa harapan nya ng hawakan nya ko sa braso at titigan ng masama. Kinalas ko ang kamay nya sa braso ko.
“Bakit ba?” inis na tanong ko.
“Ta-ta-ta-takkk―boooo. Tu-tu-tuma-makbo-bo ka-ka na. Tak-takkk booo naaa.” Napasigaw na sya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng maipagtagpi tagpi ko ang mga salitang sinabi nya.
Napatakip ako ng bibig ko ng maisip ang salitang nabuo mula sa mga sinabi nya.
“Takbo? Tumakbo na ko? Ba-bakit?” pautal utal na tanong ko.
“Tak―bo na. Takbo!” Umiiyak na sabi nya kaya dali dali akong tumakbo palapit sa pinto.
Hindi ko alam kung dapat bang makinig ako sa batang babae na yun pero nararamdaman kong hindi na ko ligtas dito sa bahay na to.
Nang makalapit ako sa pinto, sumalubong sa akin si Naquel at ang mas ikinagulat ko, paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko ang nanay nya na may hawak ng kutsilyo. Paglingon ko kay Naquel, bigla nya kong tinaga sa leeg at naramdaman kong bumagsak ako sa sahig.
Nanlalabo na ang paningin ko ngunit kitang kita ko pa rin ang nakangising mukha ni Naquel maging ang nanay nya.
“Salamat sa lahat Micaella.” Bulong ni Naquel sa akin.
Dinala ako ni Naquel dito para patayin. Biglang sumagi sa alaala ko ang kinuwento nya sa akin nung nagkakilala kami. At ngayon ko lang narealize na ito ang gagawin nya sa akin.
Hinalikan pa ko ni Naquel bago ako tuluyang gilitan ng leeg. Bigla nalang nagdilim ang paningin ko at nilamon na ko ng dilim.
Ngunit bago pa ko bawian ng buhay, isa lang ang masisigurado ko. Hindi na ko mabubuhay pagkatapos nito.
______________
A/N📜: So mga tehh, ito ung story kung bkit napagkamalan ni Amy na si Julian ang killer ni Micaella. Maliwanag na?
«Work of fiction»
«Written by:𝗕𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆»


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.