0

Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER SIX.


Report

“MABAIT naman pala si pablo,Cuz.imagine pinaghila niya ako ng silya”puri ni Faith kay pablo nang nasa kwarto na sila.Pagkatapos kasing kumain ay agad siyang nagpaalam sa kanyang tiya na babalik sa kwarto para makapagpahinga ulit at para makapalayo sa ungg*y na kinaiinisan niya.Tahimik lang siya at hindi kumibo o nakikisali sa usapan maliban nalang kong tinatanong siya ng tiya.At Halos hindi na rin nga siya makakain ng maayos dahil sa pagkairita sa kasabay na lalaki.
“Tch yon lang mabait na?.So ibig mong sabihin kapag pinaghila ka ng silya ng isang mam*tay tao mabait na siya ganun?”Napapairap niyang sabi habang nilalabas ang gamit sa kanyang maleta.
“Sira hindi naman ganun.Feel ko talaga mabait siya akala mo lang bast*s kasi dahil sa ginawa niya sayong pagsigaw.eh ikaw naman ang nauna kaya sempre maiinis siya at sisigawan ka rin at isa pa cuz,Pansin mo Mabait sa kanya si tita kahit ginawa niya sayo iyon,so ang ibig sabihin alam ni tita na hindi gagawin ni pablo iyon sayo kong wala kang ginawa sa kanya”
“Ewan,Basta naiinis ako sa lalakibg na iyon, period.”
“Ang laki talaga ng galit mo sa kanya eh no”
“Malaking-malaki……Naman oh..Nakalimutan ko pa”
“Huh?ang alin?”
Tumingin siya sa pinsan.”Nakalimutan ko yong Lotion at make-up kit ko.Nakakainis”
“Edi bumili ka nalang.May nadaan tayong mall kahapon diba?”
“Samahan mo ako”
“Ngayon na?”
Tumango siya.”Oo”
“Mamaya nalang ang init pa oh”
“hindi pwede,maliligo na ako at ayokong wala akong lotion kapag katapos maligo,kaya sige na samahan mo na ako”
“Ehhh Maya nalang kasi o kaya ikaw nalang,Sabihin ko kay tita na ipahatid ka sa mall.Masakit pa ang tiyan ko sa dami ng pagkain”
“Tsk,Fine.ako nalang”Suko niyang sabi dahil kilala niya ang pinsan kapag ayaw nito ay ayaw talaga nito.
Nagbihis nalang siya.Nagsuot ng maong pants at t-shirt na walang manggas.Tinali ang hanggang bewang na curly niyang buhok at nagsuot ng mga kikay accessories na kagaya ng colored and dangling earrings na may katernong bracelet at kwintas.Isang higheeled na step-in na may mataas ngunit payat na takong ang naisipan niyang iterno roon.
Pagkatapos mapagbihis ay Lumabas siya ng kwarto at iniwan ang nakahiga nang pinsan.
Nagtungo siya unang palapag ng bahay habang nasa hagdanan ay namataan niya ang isang katulong kaya nagtanong siya dito kong saan ang tiya zandra niya nang Sinabi nitong nasa kusina parin ay nagtungo siya rito.Naabutan niya ang tiya na nasa hapag parin ngunit hindi na kumakain.Kasama din nito si pablo at nag-uusap sila.
“Mixxel ikaw pala,Bakit ka nakabihis?”Ani tita Zandra At tiningnan ang kabuuan niya.
“Tita i want to go to mall,It’s okay?”
“Ha?Anong gagawin mo doon?”
“Siguro po maliligo ako doon”Hindi niya napigilang maging pilosopo sa tiya pero agad rin niya namang binawi ng Kumunit ang noo nito.Napalingon siya kay pablo ng marinig niyang napabungisngis ito. Inirapan Niya ito bago tumingin ulit sa tiya.
“I’m just kidding..May...


bibilhin lang ako”
“Anong bibilhin mo?.”
“Lotion,Perfume,make-up kit.Girls things”
“Ahh ngayon na ba?”
“Yup”
“Tamang-tama,papunta din doon si pablo dahil may inutos ako sa kanya,Sumabay ka na lang sa kanya”anito sabay baling sa lalaki kaya napatingin din siya dito.
“Sasabay sa kanya?Ayoko nga”tanggi niya.
“Sige po tita Zandra,aalis na po ako.”anito bago bumaling sa kanya
“Sasabay kaba?”Wika ni pablo habang nakatingin sa kanya.
“No”Taas kilay niyang sabi.
“Okay edi wag”
“Talagang hindi”
Hinding -hindi siya sasabay sa lalaking Ito.
Naglakad na ito papalabas ng kusina.Bigla naman siyang nilapitan at kinalabit ng tiya niya.
“Sige na sumunod kana kay pablo”
“Ayokong kasama ang isa na iyon tita.wala na bang ibang driver o kaya sasakyan lang ako nalang ang magdradrive”reklamo niya.
“Pero mixxel Wala ng available na sasakyan dahil Ginamit nila kanor”
“Ehhh”
“Sige na,Mixxel baka maiwan ka”
No choice siya.kailangan niya ng lotion dahil hindi siya komportable kapag wala siya paipahid sa katawan pagkatapos maligo.Napabuntung-hinga nalang siya at tumango.Humalik muna siya sa pisngi nito Bago Dire-deritso lumabas ng bahay at lumapit sa sasakyan na nakahinto na sa tapat ng pathway.Naabutan niyang nakatayo sa tabi nito si pablo at mukhang inaantay siya.At mukhang Inaasahan talaga nitong sasabay siya.
Nang Nakalapit siya sa sasakyan ay hindi man lang siya nito Pinagbuksan ng pinto.Parang wala lang na pumasok ito sa driver seat.Napapikit nalang siya sa inis dito at huminga ng malalim bago bukas ang pinto para makasakay.
“Ganito na ba talaga dito sa pilipinas?walang mga galang ang driver,mga galang”aniya habang paupo sa loob ng sasakyan.
Hindi ito nagsalita ngunit nilingon siya nito at ngumisi.Yong ngising nang-aasar dahilan kaya mas lalo siyang nairita.Pero sa kabila ng pagkairita na nararamdaman ay hindi niya magawang baliwalaan ang malakas na appeal at ang gwapong mukha nito.
Hindi niya naman tinatanggi na gwapo ito dahil Gwapo naman talaga ito.Matangos na ilong,magandang mata,Mapulang labi,magandang katawan.Kung hindi lang talaga siya nainis at nagalit dito kahapon dahil sa pagsigaw nito sa kanya ay baka naging crush na pa ito.kaya lang hindi eh,na turn-off siya.
Hindi sila nagkikibuan buong byahe,sempre dahil wala naman silang pag-uusapan at kong mag-uusap man sila siguradong puro sigawan ang mangyayari.
Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa tapat ng mall.Hinawakan niya na ang pinto para sana bumababang mag-isa pero hindi niya mabuksan ang pinto ng sasakyan.Nilingon niya si pablo.
“Hey unlock the door”utos niya rito.
Hindi siya nito sinunod.ang ginawa nito ay ito ang bumaba ng sasakyan at naglakad patungong pinto kong saan siya at ito ang nagbukas.
‘Nag-iba yata ang ihip ng hangin’.Wika niya sa isip bago bumaba ng sasakyan.Hindi siya tumingin rito pagkababa,hindi rin nagpasalamat at lalong hindi nagpaalam nang Pakendeng-kendeng na naglakad siya patungung entrance ng mall.
“Hoy!Alam mo ba ang pupuntahan mo?”Tumigil siya sa paglalakad at Lumingon rito at nagtaas ng kilay.
“Ofcourse.Hindi ako t*nga.DUH!”Maarteng sagot niya bago ito talikuran at naglakad ulit


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.