0

Just Married


Report

hi this our story, btw my name is Jaiana.

I’ve met someone in social media, iisang bayan lang pero magkaibang baryo kaya hindi ko siya kilala. although palagala ako, at halos makilala ko na ata kalahati ng tao sa bayan sa amin hindi ko pa din tlga kilala.. mahilig din kasi ako mag accept ng followers and friend request sa mga solmed. ng hindi ko familiar..
mahilig dn ako magpost ng mga pictures ko, magshares ng mga stories sa my day. then may isang lalaki na tiga reacts ko sa post ko at stories ko, pero ako tong si suplada syempre hndi ko sya pinapansin ksi hndi ko naman sya kilala..
one day, narealize ko, deretso na pala akong malungkot at nastress.. todo shares ako ng feelings ko sa solmed. tapos napansin ko itong lalaki na matagal ng nagrereact sa mga post and shares ko, chinat ko sya. kasi inadd nya ako sa new fb. account ko at inistalk ko muna bago accept, gnun na ksi ako ngayon.. at doon ko napag alaman na iisang bayan lang pala kmi ng reactor ko sa isa pang apps ko.. chinat ko sya and asked him what part sya sa bayan namin, at doon na nagsimula yung chikahan nmin ng dere deretso, halos naaraw araw na ung paguusap namin hanggang sa unti unti na rn nmin nakikilala ung isat isa..
nakalipas ang isang buwan higit, parang iba na ung nararamdaman ko para saknya, although kahit na puro lang naman biro yung paguusap namin, diko inisip na bolero sya. or kahit na ano.. basta nakaramdama ako ng kakaiba saknya, hanggang sa isang araw. halos nababanggit nya lang is yung crush nya.. puro nalang crush ung naririnig ko minsan sa mga bibig nya, at doon na ako nakaramdam ng selos. hanggang sa umamin sya na iba na din daw nararamdaman nya para sa akin.. umamin sya na gusto nya ko, at inamin ko dn na gusto ko sya.. hndi nmin kilala ang isat isa pero dahil sa inaraw araw naming paguusap nahulog...


ung loob namin.. hanggang sa…
naging kami na, yes kami na.. pero may mali, pareho kaming kasal.

doon namin napagusapan na, kahit mali pero yun tlga ang nararamdaman namin, alam namin na mali, kasi pamilyado sya, ako walang anak sa asawa ko ngayon pero may nauna na akong anak sa ex bf ko..
alam namin mali, pero masisisi nyo ba kami kung bat namin nagawang bumuo ng relasyon? kung sa sitwasyon naming dalawa pareho kaming hindi pinapahalagahan, hindi naappreaciate ng mga asawa? oo alam namin na hndi perpekto ang buhay mag asawa, pero paano kung yung gusto namin maramdaman mula sakanila, yun naman ang naiparamdam namin sa isat isa. naging komportable sa lahat ng bagay.. na halos kami na yung mag asawa..

Naging kami, through solmed. kasi hindi pa po kami nagkikita inperson.. at pareho kaming nasa ibang bansa. hindi ko na po imemention kung saan kami, pero LDR lng din kami.. at ganun nalang kami kakomportable kahit magkalayo.. nagtiwala ako agad sa isang stranger, ganun nga siguro kasi mas gusto ko pa makipag usap sa stranger kasi walang halong judgemental.. pero nung unti unti nya ako nakikilala, hndi nya hinusgahan yung past ko.. pinaramdam nya sakin kung paano ulit lumigaya, pinaramdaman na mahalin ang sarili. nandyan lang sya sa tuwing kailangan ko ng mapagsasabihan ko ng sama ng loob sa sarili.. at pinaramdam ko din saknya yung nararapat para saknyang pagpapahalaga.. wala po akong balak agawin sya sa asawa niya, dahil pinapaalala ko pa din sakanya na may asawa siya.. na uuwian nya, at mga anak.. hindi man maayos yung pagsasama nila, hindi ko balak agawin sya sa asawa nya.. hanggat kailangan nya ko bilang sandalan, ayos lang.. hndi ako madamot sa pagpapahalaga sa mga tao sa paligid ko kahit napaka unfair ng mundo saakin..

at hanggang dito ko na lamang tinatapos ang aming kwento.. Sana wag niyo kami husgahan dahil nagmahal lang kami ng hindi inaasahan.. mahirap din epeke ang feelings guys! kaya wag sana tayo magmalinis kasi lahat naman tayo may kanya kanyang dumi.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.