One More Chance

2

Lahat tayo nagmahal ng sobra, tulad ko nagmahal ako sa isang tao na diko inaakalang sasaktan ako ng lubos.. nakilala ko si Ned (hindi niya tunay na pangalan) taong 2003 naging malapit kami sa isat isa hangang sa nagkahulugan ang loob..sa madaling salita nagibigan kami na inabot ng siyam na taon.Sabi nga nila gaano man katagal hindi un ang magiging pundasyon niyo para maging panghabang buhay ang pagsasama..
Masakit sa puso ko na tapusin ang relasyon namin pero un ang tingin kong nararapat para kahit respeto matira pa sa amin.
ARAW ng kasal ni Rhea bestfriend ko since highschool kahit wala ako sa mood ng araw na iyon dahil sa bigat ng nararamdaman ko kinakailangan kong umatend dahil isa ako sa abay. Hindi ko akalain ng araw na iyon muling titibok ang puso kong akala koy naging manhid na sa sakit ng nakaraan..Nakilala ko si Migs matalik na kaibigan ng mapapangasawa ni rhea na si athan. SINGER siya ng ikakasal.. Napakalamig ng boses nya na walang sinuman ang di lilingon ng mga oras na un.. habang kinakanta niya ang kantang In YoUR Eyes diko alam bakit napatingin siya at nagtama ang aming mga mata .. bumilis ang pintig ng mga puso ko ng araw na yun. Pilit kong inilayo ang mga mata ko baka makita nya ung kilig na nararamdaman ko. Nung araw na din mismo yun ang araw bakit nagbalik ang sparks saking mga mata.
Simula ng kasal naging magkaibigan kaming dalawa ni Migs hanggang sa magkahulugan na kami loob.. yung sweetness niya sakin.. na akala mo isa akong prinsesa .pinaranas nya sakin yung mga bagay bagay na hindi ko naranasan sa past ko. Akala ko wala ng katapusan ang lahat hanggang sa lumitaw ang nag ngangalang Mariane. She was claiming that Migs is her boyfriend. .Sobrang sakit yung naramdaman ko ng mga oras na yun..durog na durog ako. At si Migs wala manlang paliwanag. Iniwan ako sa ere . Akala ko katapusan na ng lahat sakin ..Blinocked ako sa social media ..sa lahat ,ako kahit nasasaktan wala akong naramdamang galit ..naiinis pa nga ako sa sarili ko nuon dahil wala akong ibang inisip at minahal kundi si Migs sa kabila ng kanyang mga nagawa sakin.. Lumayo ako nagpakalayo layo..nangibang bansa ako nagbabakasakaling makalimot..Maraming nagparamdam sakin na manligaw pero mga pilipino ibang lahi pero ewan ko ba bakit si Migs parin ang sinisigaw ng puso ko sa kabila ng lahat.. Pero hindi na ako umaasa na muli pang babalik ang dating samin dahil may isang Mariane na sa buhay niya..inisip ko nga baka nga kasal na sila kasi isang taon na a lumipas. Ganun daw talaga pag good memories daw hindi agad agad nawala ung love..mas mhirap ung maiwan sa ere kesa ung lokohin ng...

harapharapan. Akala ko tapos na ang lahat samin..as in wala na hangang isang araw may natangap ako mensahe..
“Kamusta kana?”yaan ang mga nakasaad . Oaks ang nakalagay na name at walang profile pic di ako nag atubiling sagutin sa pagaakalang scamer dahil nga walang mukha at d naman kami friends sa facebook.. hangang ang kamusta na tanong ay nagsunod sunod na. Pero ang umagaw sa attention ko ay ung salitang “sorry sa pain na dulot ko maniwala ka man mahal na mahal parin kita” kinabahan ako ng araw na yun. Sinagot ko ng “Sino ito?” Na ikinabigla ko ng bigla siyang tumawag sa messenger..Laking gulat ko si Migs .. Titig na titig lang sya wat walang namutawing salita mula sa aking bibig. .hangang unti unting tumulo ang luha saking mga mata.. “wag kang umiyak mikay mga kataga niya..alam ko nasaktan kita sa maniwala ka sa hindi minahal kita at mahal na mahal parin kita,nawala akong parang bula kasi natakot ako.. alam ko na kinausap ka ni mariane at alam ko napaniwala ka niya. Natakot ako na baka hindi mo ako paniwalaan. Matagal ma kaming wala ni mariane.patuloy niyang paliwamag habang ako ay nakikinig lang. Pero dahil hindi niya matanggap sa lahat sinisiraan nya ako. Sabi niya nalaman ko na kinausap ka niya sabi ko sa sarili ko hindi mo ako paniniwalaan..kaya mas pinili kong lumayo. Ayaw kong makita kang umiiyak. Yun ung malaking pagkakamali ko sabi niya.Ang iwan ka..halos mabaliw ako nung nalaman kong umalis kana.. ngayon ano nag udyok sayong hanapin at magpaliwanag saki ..habang hilam na ng luha ang mata kong tanong sakanya.dahil sa pagmamahal ko mikay at handa kong patunayan yun sayo ika niya.
Araw araw simula nun tinatawagan na nya ako. Pinaparamdam nya sakin ulit ung care at love niya..Pero dahil takot ayaw ko na magtiwala..Hangang isang araw .nagulat ako sa kasama ko sa trabaho na may naghahanap daw sakin.By the way im working at 5 star hotel sa dubai ng mga panahong un. Gulat na gulat ako na andun si Migs ..meged si Migs nga pinuntahan ako sa Dubai just to prove how much he loves me.Nakita ko yung effort nya.. So I decided to trust him again.. maniwala kayo sa hindi binilangan ko ang relasyon namin nilagay ko na sa isip ko na magbrebreak din kami kaya sinabi ko na ineenjoy ko nalang 🙂 pero hanggang dumating sa puntong he already ask me to marry him.And now we are happily married with 1 child (son) umuwi na din kami dito Pinas to continue our journey .. We are now enjoying being a parents..and we already learned from our past..Di masama magbigay ng chance kung nakikita naman nyo na willing magbago..Gang dito nalang..hope u enjoyed our love story..

END




3 thoughts on “One More Chance