0

It’s All About Wealth CHAPTER 1


Report

“Ma’am Jesie? Nasa labas po ulit si Sir Armand.” malakas na buntong-hininga ang napakawalan ko dahil sa sinabi ng assistant ko.
Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ko sa maliit na building na inuukupa ko ngayon para sa maliit na negosyong naipatayo ko. Halos kada-araw na namang nagpupunta si Armand dito, pinapanindigan ang mga huling sinabi niya sa’kin mula nung huli kaming nagkaharap.
“Sabihin mo sawa na akong pakinggan ang mga paulit-ulit niyang sinasabi. Ayaw ko siyang makita.” Agad na tinapos ko na ang ginagawa kong report at hinayaan ang sariling mag-isip-isip tungkol sa palaging ipinupunta ni Armand dito.
FLASHBACK
“Jesie! Sorry! Hindi ko alam! Wala talaga akong alam!” habol na sigaw ni Armand! Ayaw ko siyang pakinggan! Hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag niya!
“Jesie! Hindi ko alam na wala ka pala talagang intensyon na sirain ang kompanya namin, natin! Binrain wash kasi ako ng mommy ko! Ang sinabi niya sa’kin ay pinadala ka raw ng mama mo para sirain kami at ang kompanya! Sorry—”
“Tumigil ka! Wala akong pakealam! Hindi ko kailangan ang paghingi mo ng tawad! ‘Wag mo’kong sundan! Ja’n ka lang!!” hindi na nagpapigil ang mga luha ko! Mabilis kong tinakbo...


ang gate para makalabas sa bahay nila!
Oo, anak ako ng papa nila sa labas, pero kahit kailan ay hindi ko plinanong sirain ang pamilya o kompanya nila! Wala akong pakealam sa pera ng pamilya nila! Ang gusto ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral para maitaguyod ang saeiling pamilya ko na iniwan ng tatay ko! Hindi ako ang klase ng anak na sisira ng may pamilya! Pinalaki ako ng mama ko na may takot sa diyos at may respeto sa kapwa kaya hindi ko magagawa ang nasa isip nila!
“Jesie, please! Wala akong intensyong siraan ka sa daddy ko!”
“Wala?! Wala?! Ha! Sana lang, Armand! Sana lang talaga! Kasi kung hindi mo intensyon ‘yon, hindi mo ‘yon sinabi sa papa natin! Hindi mo sinabing narito ako para maghiganti sa inyo! Para ipabagsak kayo!.. nagtiwala ako sa’yo Armand, dahil akala ko kaibigan kita, na kapatid kita! Pero.. wala kang pinag-kaiba sa kanila!”
“Jesie, sorry! Please, please!!” hindi ko na siya pinakinggan at mas tumakbo pa papalayo!
Mabuting pang bumalik nalang ako sa probinsiya kaysa naman hayaan ko silang pagtulungan ako! Wala na akong pakealam sa mga gamit ko, uuwi ako ng probinsiya!
END OF FLASHBACK
ITUTULOY…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.