0

MY HEARTLESS MAN Chapter 2


Report

Mr Sebastian
“Oh paano sis uwe nako” Sagot nman ni Maxine kay range.
“Okay sure pero yung deal hah bawal umatras tatawagan kona rin mamaya ang magaling kong pinsan by the way ihahatid na kita sa inyo” Turan ni range dito tumango na lamang ang dalaga.
Habang nasa biyahe silang dalawa, mapupuno ng ingay ang kotse.Akalain mo yun ka kakilala lng nila ngunit magaan na agad ang loob nila sa isat isa.Naturingan pa ngang best friend dahil ba nman sobrang close na agad nila sa isat isa.
Lumaki kase si maxine na walang kaibigan kaya ganun na lamang ang tuwa nya ng makilala nya si range.Mabait ito at ka vibes nya rin kaya nman gumaan ang loob nya rito.Dahil sa haba ng pinag-uusapan nila Hindi namalayan ni maxine na nakarating na pala sila sa bahay nya.
“Oy sis dito na ako hah salamat sa chikahan mong walang katapusan” Natatawang saad neto at Sinata ang kotse ngumiti na lamang si range sa kanya at pinaharurot ang kotse palayo.
“Max ikaw na ba yan!” Sigaw ng kanyang ina Sa loob ng bahay.
“Opo nandito na!” Pabalik nmang sigaw ni maxine habang binubuksan ang gate at pumasok na sa loob ng bahay.
“CONGRATS!!!!!!!!!” Tiling sigaw ng mama ni Maxine dahilan upang takpan nya ang kanyang tenga dahil sa sobrang ingay neto.
“My ghad ma!! Masisira ang ear drums ko dahil sa iyo eh!” Inis na saad ni maxine sa ina.
“Hehehe pasensya na anak masaya lng ako kase nagkasunod na kayo” Turan nman ng kanyang ina habang papalapit upang yakapin ito.
“Hay nako ma wag masyadong excited diko sya type noh saka isa pa friends lng kmi” Pataray na saad neto at tinanggal ang pagkakayakap ng kanyang ina.
“Eh ganun ba sayang nman” Malungkot na tugon ng kanyang ina at pumunta na lamang sa kusina.
Huminga na lamang ng malalim si Maxine dahil sa inasta ng nanay nya.Sanay na rin sya na magtampo ito kapag sinasabe nyang friends lng ang turing sa lalakeng nirereto sa kanya.
Nagpasya syang matulog na lamang pagkatapos nyang mag half bath dahil maaga pa sya bukas. Buti na lng at ibinigay ni range ang number neto sa kanya.
Dot.dot.dot tunog ng cellphone ni Maxine ng may mag message rito agad nyang binuksan ang mensahe at kung hindi sya nagkakamali galing ito kay range.
CONVERSATION
RANGE: Sis good news pumayag na si Mr Max Sebastian, good luck sa iyo bukas eto nga pala ang address.
Maxine: Talaga!!! Wahh
“Omg yesssss!! Thank you lord eto na ang blessing na pinagdadasal ko!!!” Tili ni Maxine at tumalon talon sa kama nya na parang bata.
“Hoy Max! Ang ingay ingay mo kita mong natutulog ang tao!” Inis na sigaw ng kanyang ina ng buksan neto ang pinto.
“Hehehe pasensya na ma may good news lng” Pakamot kamot na lamang sa batok si Maxine dahil sa mukha ng kanyang ina na Hindi ma ipinta.
“Anong good news naman” Bakas pa rin sa boses neto ang inis.
“May trabaho na po ako!!” Tiling sigaw ni maxine bahagyang Nagulat pa ang ina at kinusot kusot ang mga mata.
“Talaga?” Kunot noong tanong nito.
“Opo ma”
“Yesss!!!!” Napa taas pa ng dalawang kamay ang kanyang ina dahil sa saya.
“Hay sa wakas may trabaho na din ang anak ko love life na lng ang kulang” Tili nito na ikinasimangot nman ni maxine.
“Matutulog na ako ma”. Saad neto sa kanyang ina at isinarado ang pinto alam kase nyang kukulitin na naman sya nito tungkol sa pag-aasawa.
Binuksan nya Agad ang cellphone at dumapa..
CONVERSATION
Range: Sebastian Company north avenue…..


/> Maxine: ok sige thank you.
Natulog na agad si Maxine para sa trabahong naghihintay sa kanya bukas sana matanggap na sya at mawala na ang malas tuwing nag aapply sya ng trabaho.
Panibagong chapter na nman ang haharapin ni maxine, kailangan nyang galingan sa trabaho upang hindi na sya pilitin ng mama nyang asawahin ang kung sino sinong lalakeng nirereto neto.
Kinabukasan gumising si Maxine ng maaga at nag handa na.Nagsuot lamang sya ng pants at formal blouse.Bumaba na sya at nag paalam sa ina.
” Ma aalis na po ako aken na lng po itong chocolate na nasa ref hah!”Sigaw neto sa kanyang ina habang kumukuha ng ilang tinapay at gatas.
“Oo na sige kahit ubusin mo lahat yan basta yung trabaho mo Maxine nako sinasabe ko sa iyo” Pag-papaalala ng ina habang umiinom ng gatas.
“Oo na po, Ali’s nako hah” Saad neto at diretsong lumabas na upang mag-abang ng taxi.
Sampung minuto lamang ang nagdaan at nakarating na rin sya sa company. Napa nganga na lamang sya dahil sa laki neto, napalunok rin sya ng ilang beses at iniisip ang mga janitor na naglilinis rito.
“Nako napaka laki pala neto paniguradong nakakapagod mag-akyat baba rito”. Mahinang Bulong nya sa kanyang sarili.
Naglakad na sya papunta sa kumpanya, buti na lng at pinapasok sya ng guard alam rin nito ang kanyang ngalan siguro sinabihan ito ni Mr Sebastian kaya nman alam nito ang kanyang ngalan halos kase lahat ng pumapasok roon ay mayroong id na pinapakita.
Sa kalagitnaan ng paglalakad nya ng biglang mabangga sya ng isang lalake.
” Ayy ano ba yan!!! Natapunan tuloy yung damit ko kase naman hindi nag-iingat! Hmp!” Galit na sigaw ni maxine at hindi man lng tinitignan ang naka bangga sa kanya at pinupunasan ang damit nya na natapunan ng kape.
“Excuse me ikaw tong Hindi tumitingin sa dinaraanan mo Kasalanan ko bang bulag ka at tatang* tang*” Malamig na saad ng lalakeng nabangga nya agad nmang tumingin si maxine rito at tinarayan ang lalake.
“Anong ako ikaw kaya!” Sigaw ni Maxine rito ang ilang mga employees ay napakagat labi na lamang dahil sa inasta ni Maxine.
“Don’t worry to us go back to your work” Malamig na saad neto sa mga employees na ka agad nmang bumalik sa kanya kanyang gawa ang mga ito.
“Excuse lng Mr sungit kung hindi nyo po ikakagalit maaari bang Umalis na ako dahil nagmamadali ako”. Umalis na lang ang lalake at hindi sya pinansin tumungo ito sa elevator ka agad nmang tumakbo si maxine papunta roon ngunit huli na dahil isinarado na ng lalake ang pinto ng elevator.
” Ay kainis napaka suplado tsk!”Gigil na asik ni maxine at nagpasyang maghagdan na lamang.
“Grabe nakakapagod!, ang taas pala neto ayoko na suko nako mag eelevator na lang ako” Nasa ikatlong palapag pa lamang si Maxine ngunit ramdam nyang mamamatay sya pag pinagpatuloy nyang maglakad pa roon tumungo ka agad sya sa elevator at laking pasasalamat nya ng makasakay sya.Dalawang minuto na lamang at malelate na sya napatampal na lamang sya sa kanyang noo dahil sa inis.
Ng Makarating sya sa pinaka mataas na floor tumungo ka agad sya sa office ni Mr Sebastian. Kumatok sya ng ilang beses hanggang sa may nagsalita na sa loob ng opisina.
“Come in” Malamig na tinig ng lalake na ka agad nya nmang ipinagtaka dahil kahawig iyon ng Boses ng lalakeng sumira ng araw nya.Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at abot sa langit ang ngiti neto ngunit bigla iyong nawala ng makita ang lalakeng nakaaway nya kanina lang.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.