0

It’s a Choice Not an Option


Report

It’s a Choice Not an Option
by: Jamzrellejan
Prologue
“Congratulation!” masayang bati ni Paulo sa girlfriend. Iniabot nya dito ang bouquet of tulips na favorite ng kasintahan.
Katatapos lang ng kanyang graduation ceremony. Hindi man sya ang naging Magna Cum Laude, kasama pa rin sya sa Dean Lister at Top Notcher ng Batch.
“Thank you. Ikaw rin naman, isang taon na lang. Engr. Paulo Aquino.” pround na sabi nya sa nobyo.
“Tayo na! Nagpahanda ako ng konti sa bahay.” yaya ng kanyang ina.
“Sweet! May good news ako sa’yo!” bulong ng kayang boyfriend.
“Say it!” excited na gustong marinig nito ang sasabihin ng nobyo.
“Tanggap na ko sa Louper Firm of Engineering!” malakas na pagbabalita nito. Pati mga taong nasa paligid ay napatingin sa kanila. At isa-isang bumati ang mga ito sa lalaki.
“Congrats! Tignan mo! Kahit hindi ka pa graduate, sure ng nakapasok ka sa Louper. Ang hirap kayang makapasok sa company na yan. Konti na lang matutupad na ang mga pangarap natin.”
“Sweet! May itatanong sana ako!” seryosong sabi ng lalaki. “Alam kong gusto mong makabawi sa lahat ng tyaga at sakripisyo ng Mama mo sa pagtataguyod sa’yong mag-isa. Pero pwede naman tayong magtulong. We been together since high school. At siguro naman!”
“Ano bang ibig mong sabihin! Haba ng pasakalye ha!” natatawa syang tanong sa nobyo.
“Will you marry me?” tahasang tanong ng nobyo.
Maluluhang tango nya. “Yes! Of course! Alam mo namang ang tagal ko na tong hinihintay! Wala bang ring?” maiyak-iyak nyang biro.
“Ha! Wala pa kasi akong nabibili! Bigla ko lang naisip na magpropose.” nahihiyang pag-amin ng boyfriend.
“It’s okay! Hindi naman yun ang mahalaga.” at yumakap sya sa kasintahan. Aminado sya sa sariling, dissapoitnment sya sa biglaang marriage proposal ng nobyo. Hopeless romantic pa man din sya at mahilig sa nakakakilig na eksena. Pero masaya rin naman sya.
“How’s your day sa work? Parang walang hirap at pagod ah?” puna nya sa kadarating lang na nobyo.
Half day pa lang ang pasok ni Paulo sa company. Pagkatapos ng klase nya sa umaga.
“Wala pa naman masyadong ginagawa. I met Irish Louper. Yung nag-iisang anak ng mga Louper. Nursing student sya. Pinaturuan kasi ni...


Boss sa akin sa Math.” masayang pagkukwento ng lalaki.
Habang nakamasid sa nobyo, hindi nya maintindihan ang nararamdaman. Bakit may kakaiba sa pagkukwento ng nobyo. May kakaiba itong sigla.
“Sweet are you okay?” puna ni Paulo ng hindi umiimik ang girlfriend.
“Pagod lang sa work! Ewan! May gusto akong mangyari, pero hindi ko alam kung ano!” pag-amin nya dito.
Niyakap sya ng boyfriend. Noon kapag niyayakap sya nito, nawawala lahat ng agam-agam. Sapat nang nasa tabi ang lalaki. Pero bakit ngayon! Pakiramdam nya, ang layu-layo nito.
“Sweet, are you okay?” sita nya sa boyfriend ng sundan ito sa veranda ng bahay. Kanila lang ay masayang nagce-celebrate sila sa katatapos nitong graduation.
“Si Irish! Hindi pa tapos ang debate kaya baka daw hindi na sila makapunta ng mga kaklase nya.”
Nalulungkot ba ang boyfriend nya dahil hindi makakapunta si Irish Louper? Bakit nakakaramdam sya ng selos.
“Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita mo!” matamlay nyang paalam sa nobyo. At bumalik na sa loob.
Nahimasmasan naman si Paulo. “Sorry, sweet!” habol nya sa nobya. “Excited kasi akong ipakilala sa’yo si Irish. Pero hindi naman sya darating!”
Tumango naman ang babae. Pilit ngumiti ni Paulo. Na-guilty sya sa inasal sa harap ng nobya. Tiyak nyang mag-iisip ito.
“Total naman at pareho na kayong tapos sa pag-aaral at nasa tamang edad na rin! Bakit hindi na natin pag-usapan ang tungkol sa kasal. Last year pa naman ay na engange na kayong dalawa.” sabi ng ama ni Paulo.
Ang kaninang lungkot nya ay lalong nadagdagan ng pangamba. Kahit kasi hawak ng nobyo ang kanyang kamay at nakatingin ito sa kanya. Hindi sya ang nakikita nya sa mata ng kasintahan.
“Ito ba talaga ang gusto mo, anak?” umiiyak na tanong ng kanyang ina.
“Beshie! Ano bang nangyayari sa’yo!” umiiyak din ito.
“Maiintindihan din ninyo ang ginawa ko! Ikaw ng bahala dyan sa sulat, Tina!” kahit sya hindi mapigil ang patak ng luha.
“Magkikita pa rin naman tayo, diba!”
“Uu naman! Kailangan na naming umalis ni Inay!”
“Bakit! Bakit mo nagawa ‘to!” hinagpis ni Paulo matapos mabasa ang sulat na iniabot ni Trina. Tiim-bagang itong nilamukos ang papel. “Hindi kita mapapatawad, Monique Alcantara!”
Happy reading po 🥰❤️🥰❤️🥰


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.