0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 4


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 4
Linggo ngayon kaya walang pasok si Keziah pero ang aga aga ay katok ng katok sa pintuan niya ang mama niya.
“Anak bumangon ka na diyan!!!” sigaw nito sa kanya pero sa malambing na boses.
“Ma wala akong pasok ngayon ang sarap pang matulog, mamaya na po ako babangon” paliwanag niya sa mama niya.
“Anak hindi naman kita gustong gisingin pero may bisita ka sa baba at kanina pa naghihintay sayo, di mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala” natatawang sabi ng mama NI Keziah kaya bigla siyang bumangon at binuksan ang pintuan.
“Ma sino po yung nasa baba?”
“Sabi nito boyfriend mo siya kaya ayun kausap ng tatay mo, kanina pa yan nag-iintay” sabi ng mama niya. Malamang ang boss niya ito, bakit ba kasi siya pumayag na maging fake girlfriend nito.
“Sige ma bababa na po ako, magbibihis lang po” sabi niya sa mama niya.
“Nak, nagtatampo ako sayo may boyfriend ka na pala, di ko manlang sinabi sa amin ng tatay mo.” kunyaring nagtatampo ang mama niya.
“Kwento ko sayo mamaya ma” sinirado niya ulit ang pintuan.
“Ahhh nakakainis ka boss Drake mababalatan kita ng buhay!!!” sigaw niya.
Dali dali siyang nagpunta sa C. R at nag-ayos ng mukha niya. Di siya pwedeng mukhang ewan sa harapan ng boss niya/fake boyfriend niya dahil sa pangungulit nito.
Pagbaba niya nakarinig siya ng tawanan.
” Di ka ba nagkamali na pinili mo ang anak namin, walang makatagal sa katarayan niyan” natatawang sabi ng papa niya habang kausap ang boss niyang si Drake.
“Mabait naman po ang anak niyo and she’s a good secretary of mine” sabi ng boss niya.
“So ikaw din ang boss ng anak namin?” tanong naman ng mama niya.
“Ako nga rin po” magalang na sagot ng boss niyang si Drake. Baka saan pa mauwi ang usapan kaya lumabas na Si Keziah at hinarap ang mga ito.
“Keziah naandito ang boyfriend, bakit di ko sinabi sa akin ng mama na may boyfriend ka na pala?” maawtoridad na sabi ng tatay niya pero hindi naman galit.
“Pa magpapaliwanag po ako” gustong sabihin ni Keziah ang totoo sa mga magulang niya dahil hindi naman talaga totoo ang pagiging girlfriend niya rito at masama ang magsinungaling.
“OK na anak, nasabi na lahat sa akin ng boyfriend mo at mukhang hindi naman niya naman gagawin na lokohin ka, diba Iho?” tanong ng tatay niya sa boss Drake niya.
“Oo naman po, di ko po paiiyakin ang anak niyo, diba ba babe?” sabi nito sa kanya. Kung pwede niya lang sanang sakalin ito sa harap ng magulang niya ay ginawa na niya.
“Pa, Ma kakausapin ko lang po ang boyfriend ko, labas lang po kami” sabi ng Keziah sa mga magulang niya at hinigit ang boss niya palabas ng bahay.
“Boss naman, ano ba itong ginagawa mo ha?!” sigaw NI Keziah pero tinawanan lang sya nito..
“Dinadalaw ang girlfriend ko” sabi nito at ngumisi. Hinampas niya naman ito pero tinawatawanan lang siya.
“Diba sa harapan lang naman ng mommy mo tayo magpapanggap?! Anong trip mo at ginagawa mo ito ha?! Aasa na naman sila papa at mama niyan!!! Bwisit ka kasi!!! Dapat di na ako pumayag na magpanggap na girlfriend mo!!! Kainis ka!!!”nailabas niya na ang iritasyon niya. Ayaw niya kasing umasa na naman ang mga magulang niya na may lalaking na talagang seseryoso sa kanya.
” Aasa na ano? “tanong ng boss Drake niya.
” Wala ka na don”sagot niya dito.
“Aasa na naman sila na may lalaki ng seseryoso sa akin at hindi ako iiwan!!! Lalaki na mamahalin ako at hindi ipagpapalit!!! Lalaki na para sa akin!!! Lalaki na panghabangbuhay ko ng makakasama...


at lalaki na hindi manloloko, ohh ngayon alam mo na?Dapat sinabi mo nalang na boss kita! “di naman agad nakaimik ang boss niya. Papasok na sana siya sa loob ng ginawa siya nito.
” Sasabihin ko sa kanila ang totoo “sabi ng boss Drake niya.
” Wag na ako na lang, Umalis ka na boss! Saka linggo ngayon di ba? Edi wala akong trabaho sayo! “sabi niya dito.
” Umuwi na ang mommy ko at sabi magdidinner daw kami kasama ang girlfriend ko, sino ba ang fake girlfriend ko diba ikaw? “lumingon siya rito.
” Ano? ”
” May dinner tayo mamaya kasama si mommy”malinaw na pagkakasabi ng boss niya kay Keziah.
“So yun yung dahilan mo kaya Pumunta rito?!” tumango lang ito sa kanya.
“Ehh bakit di mo agad sinabi,”
“Nakakatakot ka kasi ang hilig mong magtaray, tama ang papa mo”
“Ahh ganun pala ha, Edi maghanap ka ng ibang magpapanggap ka girlfriend mo boss!!!”
“Oyy joke lang, ang cute mo nga kapag nagtataray ehh,” sabi ng boss niya.
“Oo na!! Oo na!! Sasamahan kita mamaya!! May choice ba ako?! Kaya lumayas ka na!!! Bago ko pa makalimutan na boss kita” tinawanan na naman siya nito.
“No hindi pa ako uuwi, ang alam ng magulang mo ay boyfriend mo ako at saka di mo pa naman nasasabi ang totoo sa kanila diva?So in there eyes I am your boyfriend. So we will act as a couple in front of them para mamaya ganun din tayo kay mommy” paliwanag ng boss Drake niya at hinila siya nito papasok ulit ng bahay.
” Ano tapos na ba ang LQ niyo?” nakangiting tanong ng mommy NI Keziah sa kanya.
“Ma, anong LQ?”
“LQ lovers quarrel, sigawan kayo ng sigawan, mabuti nalang ay hindi kayo nilabas ng tatay mo, luto na pala ang umagahan, sumabay ka na sa amin, Drake doon ka sa tabi Ni Keziah.Kaya ngumiti ng nakakabuwisit ang boss ni Keziah sa kanya.
” Sige po, di pa rin naman po ako kumakain ng umagahan, gusto na kasing makita ang anak niyo” sabi nito at hinawakan ang bewang niya palapit sa katawan nito.
“Lagot ka sakin boss mamaya” bulong ni Keziah sa boss niya pero gumawa lang ito. Hinalikan ang pisngi niya sa harapan ng mama niya at ang tatay niya ay nakangiti rin.
“Hayst!!! Kaiinggit kayong mga bata kayo!!! Napakasweet, napakasuwerte mo anak sa boyfriend mo!! Wag mo ng pakakawalan yan ha” sabi ng mama niya.
“Wag mong sasaktan ang anak namin, binabalaan kita!! Wag mo siyang lolokohin” sabat ng tatay niya.
“Makakaasa po kayo” Sagot naman ng boss Drake niya.
“Ma. Kain na tayo gutom na ako!” sabi naman Ni Keziah at hinila ang boss niya papunta sa hapag.
Nilagyan niya ng marami ng kanina at ulam ang pinggan nito, wahahaha bahala ito kung hindi mauubos. Magtatampo ang nanay niya haha!
“Ubusin mo yan ha, para mabusog ka, Magtatampo si mama kapag di mo yan naubos” pabulong na sabi ni Keziah at ngumiti dito ng nakakaloko.
Nakita niyang nakatingin lang sa kanila ang mga magulang niya.
“Tignan mo pa, ang sweet ng anak natin sa boyfriend niya” sabi ng mama niya sa papa niya.
“Wag lang sasaktan ng lalaking yan ang anak natin” sabi naman ng tatay niya.
Mukhang kailangan na rin magpapanggap ng boss niya na girlfriend siya nito. Dahil ayaw niyang umasa na naman ang mga magulang niya.
“Hahaha!” tawa ni Keziah dahil hindi maubos ng boss Drake niya ang pagkain nito.
At dahil mabait siya binawasan niya ito at inalagay sa pinggan niya.
“Thank you babe” sabi nito sa kanya.
“Welcome haha” sabi niya dito.mAsarap rin pala sa pakiramdam na magpanggap na girlfriend nito.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa❤️😍


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.