0

INA


Report

INA
Short story;
Noong bata ka ang laging bukang bibig ay;
“Nasaan si mama?”
“Nasaan si nanay?”
“Nasaan si inay??”
Bawat pag uwi mo galing sa eskwela ang iyong ina ang una mong hinahanap..
Kapag nagkasakit ka
Kapag dumating ang iyung unang dalaw,
Si nanay ang unang tinatawag..
Naitanong monga noong bata kapa;
“Ma?saan po dumadaan ang baby?”nagtaka ka kasi paanu komasya ang sanggol mong kapatid sa tiyan ng iyong nanay..
Natawa naman sya dahil sa tanong mong iyon..
“Sa pwet po ba ma?”
Hindi ka nya sinagot dahil 7years old kapalang noon at wala pang alam kahit anung klaseng paliwanag ang gawin ng iyong INA …
Pero ngayong lumalaki kana at nagdalaga;
Minsan kapag pinagsasabihan ka,mas matapang kapa nga sa iyong INA,
Kapag sinusuway, lagi kang sumasagot at nais mong ikaw ang laging tama!
Minsan nga tumatakas kapa ng bahay para lang makasama ka sa mga nightout ng iyong mga kaibigan,
Minsan pinapatulog molang ang iyong mga magulang at tsaka tatakas ng bahay ..upang makipag kita sa iyong boyfriend na naghihintay sa malapit lamang..
Lagi ka nyang pinaaalalahanan sa araw araw,lagi nyang ipinauunawa ang mga bagay bagay ngunit dahil sa mga kaibigan at mga barkada,sinusuway mo sya!
Minsan nga nasabi nya sayo;
“Anak!paglaki mo at kapag nagkaasawa ka malalaman mo kung gaanu kahirap ang magkapamilya”
“Anak matutu ka ng gawaing bahay para kapag nag asawa ka alam mo ang dapat gawin!”
Minsan nga nakita mo ang mga baru baruan ng baby sa plastik na nakatago sa ilalim ng higaan,ng ikay minsang naglinis sa kwarto ng iyong INA,
Nagtaka ka,kaya nagtanong ka;
“Ma?kanino hu ang mga gamit ng bata na nasa ilalim ng kama nyo?”
“Ahh yon ba?mga gamit nyo pa iyon ng mga baby palang kayo,itinago ko yan para kapag nag asawa kayo ay magamit ninyo.!”
“Ma,naman 1st year highschool palang ako.asawa agad?at hindi ako mag aasawa dahil ayokong manganak”
“Wag mong sabihin yan,dahil noon sinabi korin iyan,
ooh anu?nagkatutuo ba?
Hindi!dahil kahit saan mo tingnan babae ka,at ang babae ay nanganganak!”
Ngunit hindi mo natupad ang iyong pangarap dahil maaga kang nabuntis .
Ni minsan hindi nagkulang ang iyong INA upang ika’y paalalahanan..
Ni hindi sya nagkulang upang ika’y pangaralan..
Ngunit bakit ngayo’y nabuntis ka ng iyo kamung kaibigan??
Dahil noong pumupunta sya sa inyo .ang lagi mong sambit;
“Ma si kent,kaibigan ko..!”
“Ma,si kent nga pala pupunta rito para magstudy kasama ko!”
Naniwala ang iyong INA,dahil ang sabi mo’y kaibigan lamang…
Pero ng mabuntis ka,ang iyo kamung kaibigan ang itinuro mong ama ng iyong anak ??
Hindi mo sya kaibigan,!!!
Kundi boyfriend...


mo pala,?
Ng malaman ng iyong INA..
Labis syang nasaktan,ang kanyang pangarap para sayo ay naglaho ng ganun na lamang ,
Pangarap nya, na
makatapos ka ngunit sinayang mo at ni hindi ka nakinig sa payo ng iyong INA
Kung sana inuna mo ang pag aaral,sana naging maayus ang iyong buhay..
Ngayon nakita mo na tumulo ang luha ng iyong INA,
dahil sa Labis na sakit na iyong idinulot
Ngunit anu pa ang kanyang magagawa kong nariyan na at hindi na pwedeng ibalik pa,tinanggap ka parin nya kahit masakit sa loob ng iyong INA..
Lumipas ang araw at buwan at ikay nagsilang…
Sino ang nariyan,?
Ang iyong INAng mahal
Sino ang sumama sa hospital?
Ang iyong INA,
Sino ang nagbayad at gumastos sa panganganak mo?
Ang iyong INA mismo..
Nasaan ang iyong nubyo?
Naglaho na at hindi mona nasilayan kahit na anino nito,
Mukhang iniwan ka at iyong bagong silang na sanggol..
Umiyak ka,tumangis at humagolgol
Ngunit maibabalik paba ng iyong mga luha ang mga kasalanang ikaw mismo ang may likha?
“Anak taha na,makakasama yan sa iyo at sa apo ko?’alo niya sayo habang ikay nakaratay sa hospital bed niyong hospital
“Ma,im sorry po!”habang panay ang pagtulo ng iyong masaganang luha
“Ssshhh narito ako anak,ako ang bahala sayo,mahal na mahal kita pati ang apo ko!”
Nauwi na kayo,at doon mo naranasan ang hirap
Puyat
Pagud
At pagluha..
Ngayon nalaman mona ba kung gaano kahirap ang magkaroon ng anak?
Naranasan mong mapuyat tuwing may sakit ang iyong supling
Naranasan mong matulog ng nakaupo habang nasa bisig ang anak
Naranasan mong nasa duyan kayo hanggang sa sumikat ang araw
Naranasan mo ang mapaiyak sa tuwing naiiyak ang iyong anak
Naranasan mona ngayon kong paanu ang maging isang INA
Ngayon,anu ang iyong uunahin?
Paglalandi parin ba?
O pag aaral muna?
Bago ka maglandi siguraduhin mong handa ka sa mga bagay na iyan..
Sana hindi mo iyan nararanasan ngayon kung nakinig ka sa iyong INA
Lahat ng sinasabi ng isang INA ay para sa ikabubuti ng anak .
Walang INA ang nais mapahamak ang anak
Walang INA ang nais mapariwara ang anak
Tandaan mo lagi, anak na ang INA ang mas nakakaalam kung anu ang tama para sa anak dahil ang lahat ng mga payo nya ay naranasan narin nya..lahat ng mga sinasabi nya ay para sa iyong anak nya .
Dahil mahal ka ng iyong INA
Itatakwil ka ng lahat ngunit ang INA ay pagiging INA mo kahit na anu ang naging kasalanan mo….
Kaya sa lahat ng sakripisyo ng INA.bigyan mo sya kahit isang halik sa pisnge o isang yakap manlang at sabihing”mahal po kita nay”
HAPPY MOTHERS DAY SA ATING MGA INA (ILAW NG TAHANAN)
AUTHOR:grace as always❤️❤️❤️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.