18

I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-LABING LIMA

Report

📍EIGHT 📍
“Young Master, pinasusundo po kayo ng GRAND MASTER.” wika nang butler sa harap ko kasabay ng pag yuko kasama nang anim pang kalalakihan na ngayo’y nakaluhod sa likod nya senyales ng pag bibigay galang sa’kin suot ang unipormeng purong itim, hindi ako umimik at bumalik sa kotse ko.”hindi na kita maihahatid.”seryosong saad ko patungkol kay Hayasein.
“S-Sino S-Sila?”kinakabahan sya ngunit mahirap i paliwanag kaya’t sa halip na sumagot ay tumalikod ako tsaka nag lakad palapit sa mahabang sasakyan na kadalasang sumusundo sa’kin papunta sa mansyon.
mabilis ang naging pag tayo nang isa sa kanila para pagbuksan ako ng pinto. Nanatili akong tahimik sa loob habang binabaybay ang lihim na daan sa likod ng eskwelahan mula sa kaninang simpleng pag kakaupo ay umayos ako at nagcross legs kasabay ng pag pikit ng mata.
Batid kong wala paring pag babago ang daang ito kaya bakit pa’ko mag aaksaya ng panahon para tanawin ang bawat detalye ng walang kwentang lugar.
Bukod sa mga puno kung saan naka kabit ang mga camera ay nakapalibot pa dito ang mga walang kwentang gwardya na nag sisilbing bantay sa dulo kung saan itinuturing kong Empyerno.
‘ipinasundo ako ni Lolo para kwestyunin ang pange-ngealam ko kanina. ‘
“sinusubok mo ba talaga ko?” bungad ni Lolo, naro’on ang pag babanta sa tono nya. “Darating ang panahon na ikaw ang papalit sa posisyon na mayroon ako kaya ngayon pa lamang ay binabalaan na kita Estiven Ieon throy! Kailangan mong kitlan ang huling tagapag mana ng Mc Cleary.”galit na saad nya ngunit kalaunay tumikhim sya upang pakalmahin ang sarili. “hindi ka magtatagumpay kung patuloy mong paiiralin ang puso mo.” batid kong si Yana ang pinatutungkulan nya.
“Sabihin nyo sa’kin, iyong babaeng kaibigan nang kapatid ko.. .anak ba sya ng lalakeng nasa Under ground ng East. ” bahagya syang nagulat dahil alam kong inilihim nya ito ng maigi ngunit da kabila noon ay nalaman ko padin.
“ha ha ha sige, mag unahan kayo ng Black Phantom sa, lag kitil sa babaemg iyon. ”
‘e ano naman kung manatay sya? ‘
“sinabi ko na sa inyo, wala akong planong sumunod sa yapak nyo kaya’t kay Gray nyo na lamang ilaan iyon lolo.”
” ilang beses ko bang sasabihin sa iyo !anak lamang sya sa pagkakamali ng walang kwentang babae na nag luwal sa’yo.”
Gusto kong mag wala dahil sa paraan kung paano nya bastusin ang kauna unahang babae na minahal ko at nag alay ng buhay para manatiling buhay ako. Ang mommy ko…. sya ang walang kwentang babae na sinasabi mo!
“kung ganoo’y hayaan nyo din akong tawagin bilang walang kwenta nyong apo.”
Nag baba ako ng tingin tsaka inalala ang mga nakaraan.
FLASHBACK
Nakangiti kong hawak ang regalo para sa kaarawan nya habang patuloy na nag d’drive ng kotse palapit sa bahay nila, ngunit gano’n nalang kabilis ang pag tibok ng puso ko nang makatanggap ng mensahe mula sa kanya.
~Kuya Ieon,tulungan mo kami maraming armadong lalaki ang nakapalibot sa bahay na’min!.~
Nabalot ako nang takot dahil baka wala na akong abutan, nang gabing iyon ay umaangil ang gulong ng kotse ko senyales na sagad na ang bilis na naibibigay nito pero para sa’kin ay mabagal parin yun sa kagustuhang makarating kaagad sa bahay nila bitbit ang matinding pag aalala.
nang matanaw ko ang gate nila ay lalo akong natakot ng marinig ang sunod sunod na putok ng baril.
mabilis kong tinakbo ang lugar na iyon papasok at inabutan kong nakahandusay ang ilang mga katawang wala nang malay.
Si Daddy ay tadtad ng bala sa katawan ngunit sya lamang ang nasa isip ko.
Nag wawala ang loob habang binabaybay ang daan papasok sa kwarto nya, nakahinga ako ng maluwag ng matagpuan syang nakasiksik sa gilid at na nginginig ang katawan.
nang lingunin nya’ko ay bumungad sa’kin ang luhaan nyang mga mata na tila nag susumbong kung gaano kasakit ang nararamdaman nya kahit wala syang natamo kahit gasgas.
Dahan dahan syang tumayo akmang sasalubungin ako ng yakap ngunit para akong naestatwa nang makita ang dahan dahan nyang pag bagsak sa sahig habang tumutulo ang dugo mula sa ulo nya. kasabay din ng unti unti kong maramdaman ang pananakit ng batok ko na naging sanhi ng pamamanhid ng buo kong katawan.hindi ko na nagawang lingunin kung sino ang pumalo sa batok ko noon nang tuluyan na akong mawalan nang malay.
Ang Kapatid ko.
END OF FLASHBACK
Natagpuan ko ang sarili ko na nasa loob na ng Campus. bahagya kong ipinikit ang aking mata upang damahin ang lamig ng paligid habang naroon parin sa bulsa ko ang mag kabilang kamay ko.
Ngunit kaagad akong napaatras nang may babaeng umatake sakin bitbit ang matalim na punyal na kumikinang dahil sa sinag ng Bwan.
“sa Wakas ay nagkita din tayo….”nakangising saad ko, gumawa sya ng distansya para lumayo sakin. “Sinabi kong ipaghihiganti ko si Daddy sa pag paslang mo sa kanya Alexa ng Alpha! “kaagad akong binalot ng takot nang makita kung paano tumingin ang babaeng kaharap ko.
Kunot noo kong sinugod ito, tignan natin kung gaano ka talaga ka galing!
Mula sa kinatatayuan ko ay tumalon ako para mabilis na makalapit sa kanya at kaagad na ibinigay ko ang malakas na suntok ko pero walang kahirap -hirap na nasalo nya ang kamao ko tsaka nya iyon inikot kaya’t napilitan akong mag backward para hindi mapilay ang braso ko pero nagulat ako nang pagtayo ko ay nakangisi syang inatake ang mukha ko ng malakas na suntok kaya halos mapigil ko ang pag hinga ko.
‘dapat ba’kong magpasalamat o maawa sa sarili ko dahil hangin lang ang dumapo sa mukha pero nagawa...


parin ako noong nakurapin. ‘
Tumayo sya ng maayus.” kung balak mo talaga kong patayin ay tatlumpung sako pa ng bigas ang kakainin mo dahil malayo ang agwat natin sa isa’t isa.”
‘totoo ang sinabi nya, kahit ang presensya nya ay hindi ko manlang naramdaman. ‘
Inalis nya ang Cup na nagkukubli sa mukha nya at kaagad na ntigilan ako, tila si Hayasein ang kaharap ko kayalang iyong hayasein na pinatapang nang isang daang porsyento.
“wala ka pang nalalaman bata….”walang interes na anito sa’kin, “baka kapag nalaman mo ay mabaliw ka o baka nga mas malala pa hahahaha… Baka kamuhian mo ang lahi nyo….ngayon babalaan kita, batid kung nais mong kunin ang loob ng anak ko bilang paghihiganti sa’kin. Kaya sige lang dahil oras na saktan mo sya ay baka magising ang kakayahan nya na minsan ko nang kinatakutan… Ipapaalal ko sa’yo, may kasunduan kami ng Bunso mong kapatid kaya’t kapag namatay ang anak ko ay ma-mamatay din sya sa mga kamay ko. ” nakangiting anito tsaka tumalon sa puno at wala pang isang sigundo ay nawala na sya sa paningin ko.
Pakiramdam ko ay ngayon lamang akong ipinanganak, na kahit isa ay wala pa talaga akong alam sa pamilya ko.
~
“Hindi ako mananahimik dito! Kailangan kong sunduin si Yana! ” ani Hayasein sa sarili nya. Bagaman wala itong ka-ide-ideya kung ano ang naroon sa lugar na iyon ay lakas loob parin siyang nag suot ng jogging pants at Jacket na itim, susubukan nyang tunguhin ang East bridge tutal ay wala namang pasok.
Tahimik ang naging pag kilos nya pati na ang paglalalad nya hanggang sa malampasan nya ang gate ng Villa, imbis na sa gate sya ng school dumaan ay pinilit nyang umakyat ng bakod hanggang sa magawa nya ito.
Madilim ang buong paligid kaya’t naging madali sa kanya lalo pa at nakaitim sya na jacket.
“uhhm! Uhhm!” nakarinig si Hayasein ng boses na tila nag pupumiglas, inaninag nya ito at malinaw nyang natanaw ang isang lalaki na naka sabit sa puno kaharap ang isa pang tao, ito ang lalakeng nagtangka na gumahasa sa kanya limang araw na ang nakakalipas.
Nanlaki ang mata nya dahil naroon pa ang isang pamilyar na mukha, hindi nya malilimutan ang mukha ng babae nahalos kanina nya lang nakita bitbit ni Kenzo “Avanshien..” naisatinig nya kasabay noon ang pag lingon nito sa kinaroroonan nya habang naka sabit din ito sa puno.
Pero hindi nya kaagad napansin ang isa pang pigura na pag mamay-ari ni Spaid, mabuti na lamang at Hindi sya nakita nito ngunit batid ni Spaid na may tao doon kaya’t madali itong nag lakad patungo sa lugar na pinanggalingan ni Hayasein.
Nakarinig pa si Spaid ng kaluskos kaya’t naglakad-lakad pa sya samantala si Hayasein ay tuloy-tuloy sa pag takbo dahil sa takot, ang paraan kung paano nya nakitang tumingin si Spaid ay nag dulot sa kanya ng matinding takot.
Tumutulo ang pawis mula sa noo nya pababa sa leeg nya, alam ni Hayasein na malayo na sya pero nakakarinig parin sya ng kung anong humahabol sa kanya hanggang sa may humatak sa kanya pataas ng puno at marahas na isinandal sya doon. Akmang hihiyaw sya ngunit mabilis na nahuli ng kung sino ang labi nya.
Nag pumiglas sya ngunit hindi sapat ang lakas nya gayun pa man ay nakagagawa sya ng ingay gamit ang tunog ng mga sanga ng puno pero hindi iyon nag tagal dahil malakas na pinatamaan ang batok ni hayasein ng lalaki dahilan para tuluyan syang mawalan ng malay.
~
*Knock !
*Knock!
Lunes ng umaga, Malakas na pagkatok ang gumising kay Hayasein, inaantok, ma’y bumangon sya upang pag buksan ang nasa Labas.
Bumungad ang mukha ni Mei, nasa likuran ng kamay nito at naka simangot. “Ipinatatawag ka ng Dean, mag madali ka at masama syang pinag hihintay. ” babala pa ng matanda.
Kinutoban na si Hayasein na may hindi tama, muli nyang inalala ang mga pangyayari ngunit maliban sa pagtakbo ay wala na syang natatandaan.
Naupo Sya sa Sofa habang ang Dean ay Abala sa mga papel na inaayos nito sa Mesa nya. ” Malamang na wala kang ideya kung bakit kita pinatawag hindi ba?”
Hindi mahulaan ni hayasein kung ganito ba ito talaga mag salita o Sadyang sarkastiko sya kung gumawa ng Tono.
“Opo. ”
” kung gano’y hayaan mong sabihin ko sayo, Linggo ng Gabi ay lumabas ka sa dormitoryo mo at pumasok sa Loob ng Unibersidad na tinatapakan mo. ”
Nanlaki ang mata ni Hayasein dahil sinigurado nyang walang makakakita sa kanya pero paanong nalaman ng Dean ang ginawa nya.
“Ang lalaking outsider na naroon sa Puno kung saan mo sya huling nakita ay nawawala, Bilang pag resolba sa usaping ito.. Nais kong tumungo ka sa East bridge at Manatili doon hanggang sa matapos ang problemang ito. ”
“Ba-bakit po sa East bridge? ” saad nya ngunit naroon ang tuwa dahil sa isip nya ay maililigtas na nya ang kaibigan pero kaakibat noon ang matinding takot na baka iyon na ang maging katapusan nya.
“Oh..tama nga ang sabi-sabi sa labas, hindi ka nagtanong o nag taka manlang tungkol sa lugar na iyon ibig sabihin ay talagang may alam ka sa Paaralang iyon, pero hindi na mahalaga iyon.” lumapit ang Dean para iabot ang isang klase ng ID. “gamitin mo yan para makapason ka sa lugar na iyon, ngayon din. ” saad ng Dean.
Tumayo si Hayasein at lumabas. “Sasamahan kita papasok, sumunod ka.” anang lalaki na maka itim at naka sulat sa dibdid nito ang mga letrang
G. I.N.G


18 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.