0

THE WILD SILENCE CHAPTER FOURTEEN


Report

“Gagamit ako ng Comfort room. “ani Jiro, tumango lamang si Alexa.
“Ako din. ” anito.
Sabay silang nag lakad ni Alexa hanggang sa pagliko patungo sa comfort room, sinadyang alisin ni Alexa ang kamay nyang hawak ni Jiro.
“Ano yun ..” turo ni Alexa sa likuran nila kaya’t lumingon din ang binata.
“Huh? “nagtaka pa ito nang wala syang makita tsaka kamot ulong ibinalik sa dalaga ang paningin kaya bahagya syang nagulat nang mawala sa tabi nya si alexa.”nasan yun?” tanong nya sa Sarili nya.
“Anong binabalak mo! “kaagad na dinakot ni Alexa ang isang lalake papasok sa lady’s comfort room, hindi nya alam kung swerte lamang sya o nagkataon lang na walang gumagamit sa palikuran gayung mall ang lugar na iyon. “Hanggang dito ba talaga ay susundan nyo kami! ” binigyan ni Alexa ng malakas na sapak ang lalake.
“Kalma lang.. “haghihikashos ang boses nito ngunit hindi nakinig si Alexa mabilis nyang pinuntirya ang batok nito at wala pang isang minuto ay nawalan ito ng malay.
Kinabig nya ang buhok nya mula sa noo pababa sa batok na nagulo dahil sa lalaking naroon.
Kalmado syang nag lakad palabas, sinalubong nya ng ngiti si Jiro na wari’y walang nangyari.
“Ano yung tinuturo mo kanina? “takang tanong ni Jiro.
“ah yun… Wala hahaha tinignan ko lang kung hindi ka madaling lokohin. ” natatawang anito, maya-maya ay nah ring ang phone nya.
“oh. “sagot nya.
“Si borex to, nag kita na kayo? ” tanong ng lalake sa linya, nangunot ang kilay ni Alexa.
‘inaasahan nyang may makakabangga ako dito? ‘
“Si Anton, pinapunta ko sya dyan para sunduin kayo..”natigilan si Borex sandali samantala si Alexa naman ay unti-unting nilingon ang pinanggalingan nya. “Teka.. Wag mong sabihing..binugb- – -”
“Oo.. Hindi nag pakilala e. “maangas na sagot ni Alexa sa linya.
“ANAK NAMAN NANG! “galit na saad ni Borex.” Disi sais anyos palang yun at trainee ng phoenix! “pag paapintindi nito.
“Pinatulog ko lang sya dahil alam kong wala syang laban. Ako nga dose anyos nang magsimulang maging assasin pero hindi ako ganun ka hina.”
“Ewan ko sayo! Bumalik na kayo at dumating na ang misyon na hinihintay mo. ”
PAgkasabi noon ni Borex ay kaagad na pinatay ni Alexa ang linya.
Batid ng dalaga na napa aga ang misyon nya kaya’t paniguradong maaga nya ding maiiwan ang binata at maaaring hindi nya magarantiya kung mabubuhay pa sya.
Batid nya kung gaano ka delikado ang pag suong sa teritoryo ng SILVANNIA.
“anong nangyayari? May kalaban ba? ” nalilitong tanong ni Jiro.
“wala. ” ngumiti si Alexa. “May lugar akong alam na siguradong mgauhustuhan mo. ”
“talaga? “ani Jiro.
“Tara. ” anyaya ni Alexa tsaka inalok ang palad nya, ipintaong ni jiro ang kamay nya at nilock ang mga daliri sa, kamay ng dalaga.
Si Alexa ang nag drive ng kotse at pumayag naman si jiro dahil sya ang nakakaalam ng lugar.
“bakit mo ako gustong dalhin don? ”
“buong buhay ko ay wala akong nakasama sa paglaki ko, kaya’t bilang parte ng buhay ko ay gusto kong malaman mo ang husto kong pag katao, kapag nalaman mo iyon hindi ko alam kung gugustuhin mo pang makasama ako .” nakangiting saad ng dalaga ngunit sa loob noon ay nakatago ang malungkot nyang damdamin.
Huminto ang kotse sa isang kumang parke, naroon ang mga nangangalawang nang mga seesaw at duyan na yari sa bakal.
Naglakad pa sila ng ilang minuto bago marating ang malawak na hardin, luma man ang bumungad sa kanila ay naging galak naman ang ngiti ni jiro nang makita nya ang tunay na nilalaman nito.
Ngunit ginawa lamang na dalhin sya dito ng dalaga upang ipaalam na ganoom din ang pagkatao nya.
Tumungo sila sa isang luma at malumot na hagdan.
“Pitong taon ako nang magkakilala kami ng mommy mo, isa syang napaka gandang anghel na dumating sa...


buhay ko.” nakangiting panimula ng dalaga pag tapak nila sa unang baitang. Ang binata ay nakatuon lang ang buong atensyon sa kanya. ” pinag aral nya’ko hanggang sa maka graduate ako ng elementary, unang beses na nakita kita ay sa East bridge, binubully ka nila noon pa pero hindi kita maipagtanggol dahil wala akong sapat na kakayahan. ” yumuko ang dalaga tsaka ngumiti.
“Naging matunog ang Apelyido nyo sa industriya ng pag asenso, pati na ang pangalan ng mommy mo ay kinilala sa kahit saang sulok ng pilipinas, maging sa ibang bansa. Minsan ay nababasa ko ang mga article tungkol sa inyo kung gaano kayo kayaman. Pero dahil din pala doon ay magwawakas ang buhay nya. “patungkol ng dalaga sa ina ng binata. ” muling nag krus ang landas namin ng mga Silvannia dahil sa pag patay sa mommy mo na sya ding kumitil sa buhay ng mga magulang ko.” naging malungkot ang boses ng dalaga.
“Alexa.. “malungkot na tugon din ng binata.
“Inilibing ko si Miss Jaiha sa East Bridge kasama ng bunso mong kapatid.. Pati na nang mga magulang ko. Pero nalaman ko na nabili pala iyon ng mga Zerguel at pinatayuan ng prestihiyosong Eskwelahan kaya’t Sa edad na sampu ay gumawa ako ng plano kung paano ko iyon mababawi, may nakapulot sa’kin, hindi ko sya kinilala dahil wala akong pakialam sa kanya basta ang alam ko lang ay sya ang may ari ng Alpha, sinanay nya ako bilang pinaka magaling na Assasin at hindi bilang Agent.”
“hindi ako nakapag aral sa isang Unibersidad pero sapat na ang nalalaman ko para maka pag salita ng pitong lenggwahe, sa edad na labing dalawa ay natutunan kong pumatay, parte iyon para mabawi ang nais ko at maipaghiganti ang mga mahal ko sa buhay, nasa kasunduan din namin nang Alpha na hindi ako maaaring tumigil sa pag kitil hangga’t buhay ang mga taong iyon, kahit pa ikamatay ko. ”
“Tama na…”
“Ang buong buhay ko ay puno ng karahasan…. Isa akong hunter..ay hindi..KILLER.”
“Tama na please.” ani Jiro.
“Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan kaya’t ayokong pati ikaw ay mawala, gusto ko din sabihin na isantabi mo ang feelings mo para sa’kin dahil hindi ako ang para sayo.”
Kaagad na niyakap ni Jiro si Alexa. “walang mag didikta sa kung ano ang para sakin! Walang pakakabago ng puso ko kahit pa maling panahon at pag kakataon! ” sa ikalawang pagkakataon ay tumulo ang luha ni jiro. “Ayokong…..”napapikit si Jiro. “Ayokong, mamatay ka! ” sa wakas ay naisatinig nito ang laman ng puso nya.
*BOOOGSH!
sabay silang napalingon sa malakas na pag sabog na iyon,
“ano yun! ” kaagad na ginapangan ng kaba ang binata pero kaagad na mahulaan ni Alexa ang nangyari marahil pinasabog ng kalaban ang kotse nila para hindi na makatakas pa.
Hinablot ni Alexa ang kamay ni jiro tsaka patakbong hinatak at naghanap ng mapag kukublihan.
Mula sa ilalim ng mini skirt ni alexa ay kinuha nya ang isang device na kasing laki ng Ear phone ibinigay sa kanya ni Amoriz at inilagay sa tainga nya kaagad itong kumunekta sa kasama.
“I need A chopper for jiro! Please come in! I need a chopper! ” ani Alexa.
“Give me 30 minutes! ” si Borex ang sumagot.
“Kapag nagalusan si Jiro ay pipinuhin ko ang bungo mo Captain borex! ” babala ng dalaga ngunit seryoso sya sa sinambit.
“How’s your status! ” ani Amoriz.
” wala akong baril o kahit ano pero kaya ko silang patumbahin lahat si Jiro lang ang inaalala ko. ”
“Tanga ka ba! Napaka dami nila! “galit na sigaw ni Jiro.
“Sampu ang daliri ko, sa isang daliri ay kaya kong pumatay ng dalawampu kaya kumalma ka okay.” nakangiting saad ni Alexa pero ang totoo ay 80-20 ang standing nila dahil hindi makakalapit si Alexa sa kalaban.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.