1

I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS


Report

πŸŽ€KABANATA IKA-DALAWAMPO’T DALAWAπŸŽ€
Napalagay sila Seken sa huling pag uusap nila kasama si Hayasein, umaasa ito na sa sangayon ang dalaga para sa sariling kaligtasan, gayun pa man ay itinuloy ni Eight ang mga panibagong patakaran sa loob ng East.
Ipinatawag ni Eight ang lahat ng Estudyante sa harap mismo ng East, habang naroon sa likod nya sina Raizen, Ivo at Calvin o mas kilala bilang Seken.
“naging sunod-sunod ang mga pangyayari na hindi akma ss paaralang ito. ” matigas na boses ang ginamit ni Eight. “ang unang paglabag, mahigpit na ipinagbabawal na tumapak ng East sa West hindi ba? Pero pinangunahan pa ito ng malaking grupo ng Black Phantom! ” pinukol ni Eight ng masamang tingin si Spade na nakasandal sa Pader. ” Labag ba sa kasunduan ang ginawang pag paparusa sa babaeng ito?” itinuro ni Eight si Avanshien habang nakatali sa upuang bakal.
Nai-ikom ni thunder ang kamao nya nang makita ang sariling myembro sa Harapan, ngunit hindi sya maaaring kumilos dahil lalo itong mapapasama.
“Ngunit nasa batas din ng East na paslangin ang mga panibagong tao na makakaalam dito hindi ba? ” naglakas ng loob si Nuckel na sumagot.
“Sana ay matagal na kitang pinatay, mula nang mag krus ang landas natin sa West.” madilim ang mata ni Ivo habang sinasabi iyon dahil batid nyang si Hayasein ang tinutukoy ni Nuckel.
“Bakit nyo ba kasi pinagtatanggol ang babaeng iyon! ” hindi natiis ni thalia na hindi sumagot, pilit na pinigilan ni Seken ang sarili nya upang hindi mahalata ng mga eatudyanteng naroon kung ano ang koneksyon nila, batid nyang kapag nangyari iyon ay gagawin itong kahinaan ng mga kalabab nila.
“Dahil Espesyal sya sa lahat ng Espesyal. ” nakakasuya para kay Thalia ang paraan ng pagsagot ni Eight non.
“Bro ano bang sinasabi mo!” hindi na napigil ni Seken ang sarili nya.
“So.. Dapat ko na ba syang tuluyan? ” pilit na ginawang sarkastiko ni Thalia ang boses nya “Hayaan mo dahil sa susunod na magkita kami ay babasagin ko na ng husto ang pagmumukha nya. ” biglang tumalas ang tono nito.
Pero kasunod noon nang maglihisan ang mga Estudyante, ang kaninang pulutong ay biglang nahati sa dalawa dahil sa pag lakad nang tatlong panauhin sa gitna nito.
Si Kenzo Gray na nakapamulsa habang ang isang kamay nya ang syang may bitbit sa bag na nakapatong sa balikat nya, si Yana na nakayuko habang sumusunod sa babaeng nasa Harap nya na si Hayasein, maikli na ang buhok nito ngunit kulay Gold na iyon na may pagka curl ng kaunti, mas, maiksi ang palda nya kumpara nung una habang ang medyas naman ay lumagpas na sa tuhod at umabot na iyon sa ibabaw ng hita nya, may kataasan narin ang black shoes na suot nya at ganun parin ang blouse na suot nya.
“Si Hayasein ba yan? ”
“bakit bumalik pa sya? ”
“ang swerte na nga nya dahil nirequst’an na sya ng mga Rank student ng Gate pass kay Dean eh. ”
Bulungan ng mga Estudyante.
Ang lahat ng mga Rank Student ay nabigla, talagang hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito.
“Ako si Kenzo Gray, ika limang pwesto sa Ranggo.” mayabang na saad ni Kenzo, oo nga naman, ilang taon na syang nag aaral sa lugar na iyon ngunit kahit minsan ay hindi nya manlang nailakas ang boses nya para sabihin iyin kaya’t sinamantala nyanv ipagyabang iyon ngayon.
Nakasimangot na naglakad si Hayasein palapit kay Thalia, “Hindi ba….”paputol na saad ng dalaga. ” sabi mo, babasagin mo ang mukha ko? “tumaas ang kilay ni Hayasein.
“Oo! “inis na sigaw ni Thalia. ” at ngayon yon!...


“galit na anito, gaya ng dato ay buong pwersa ni Thalia na inilagay ang lakas nya sa kamay para sampalin si Hayasein pero mabilis na nadakot ni hayasein ang pulsuhan nito at ipinaikot kasabay ng pag ikot nya kaya hindi nakita ni Thalia ang Paa ni Hayasein na sumalubong sa mukha nya dahilan para mapaatras ito kasabay ng pagdurugo ng ilong nya nang bitawan sya ni Hayasein.
Mabilis namang dinaluhan ito nang dalawa nyang alalay, pero hindi roon natapos dahil dinakot ni Alexa ang kuwelyo ang isang alalay ni Thalia tsaka iyon iniangat at ibinagsak sa sahig na kakagad nitong ikinapilipit upang indahin ang sakit. “Hands up! ” utos ni Hayasein sa isang alalay ni Thalia na sa pagkakatanda nya ay hindi sya nito sinaktan, sa halip tuloy na tungan nito si thalia ay itinaas na lamang ng babae ang kamay nya sa takot kay Alexa. ” oh, nalimutan kong magpakilala, Alexandriea Hayasein Villamoriz ika apat na Ranggo.”
Hindi makapaniwala sila Raizen , Ivo o maging si Calvin dahil sa tagal nilang hinanap ang ika apat ay si Hayasein lamang pala iyon,
maliban kay Eight, na alam ang totoo..batid nyang si Yana ang ika apat at nagpapanggap lamang si Hayasein, dahil si Hayasein ang nag iisang taga pag mana ng mga Mc. Cleary na kailangan nyang tapusin.
“Talk to me. ” madilim na tinanaw ni Eight si Hayasein, hindi iyon pakiusap kundi isang Utos.
“Hwag kayong sumunod. ” nagbabadya ang boses ni Eight nang humakbang si Calvin palapit ss kanila.
“Pero Eight..”nakikiusap ang kapatid ni Hayasein.
“Hindi ko sya sasaktan, isa pa nakita mo naman siguro kung ano ang inabot ng dalawang babae sa kanya. ” lukot ang kilay na saad pa ni Eight..
Pumasok silang dalawa ni Hayasein sa Punishment Room, naupo si Hayasein na animo’y wala ang binata sa harap nya.
“Hindi ba’t nag usap na tayo? ”
“Hindi sumagot kaya’t wala kang magagawa, isa pa nandito na’ko eh… “sarkastikang ani Hayasein.
“nababaliw kana ba? O gusto mo na talagang mamatay. ”
“Bakit? Pagbabantaan mo ko ulit? ” nakangiting ani Hayasein, “sabihin mo nga, kilala mo ba talaga ko? ”
Natigilan si Eight, tama ang kutob nya.. Walang kaalam-alam si Hayasein kung sino nga ba’sya, na nasa harap na nya ang taong papatay sa kanya.
“Paano kung sabihin ko sayong Oo..”nakangising saad ni Eight.
“K-kung ganun, sabihin mo ang mga nalalaman mo. ” bigla ay tila lumambot si Hayasein, bumalik ang dating hayasein na unang nakilala ni Eight.
“Sasabihin ko yun sa’yo kapag ma-mamatay kana. ” seryosong ani Eight tsaka tumayo pero nagawang hawakan ni Hayasein ang kamay nya at iangat ang paa nito mula sa likod dahilan para tumama iyon sa Ulo ni Eight kaya’t napaupo sya ulit.
“Kung ganun, makikipagpatayan ako sayo. “seryoso rin ang dalaga sa sinambit nya pero napatawa lang si Eight, kinailangan pa nitong takpan ng likod nang palad nya ang bibig nya pero sumilay parin ang mapuputi nitong ngipin na nagpakalma sa dalaga.
Ito ang kauna-unahang beses na makita nyang tumawa si Eight at ayaw man nyang aminin ngunit napaka gwapo ni Eight sa mga sandaling iyon, siguro nga ay natulala pa si hayasein kaya’t pinitik ni Eight ang noo nya.
“Maglinis ka ng buong East kung gusto mong manatili dito, parusa yan dahil nanakit ka sa harap ng maraming Estudyante dapat kung gaganti ka ay wala noong nakakakita. ” nangangaral ang tinig ni Eight pero hindi nawala ang paglakangiti nito. “sige na.”aniya pa tsaka ginulo ang ulunan ng buhok ni Hayasein bago umalis natanaw pa ng dalaga na nakangiti parin ito kaya’t napalabi na lamang sya.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.