0

πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝔼𝕀𝔾ℍ𝕋 ✍︎


Report

NAKAKASILAW na araw. Alas-siyete ng umaga ay may tumatawag sa cellphone ni Claire. Nakapikit na inaabot niya ang cellphone sa may mesa malapit sa kanyang kamay.
“Hello?” sagot niya habang nakapikit pa.
“Hello, Claire natutulog ka pa ba?” tanong ni Lara sa kabilang linya.
“Gabi na kasi aku nakauwi samin. Si Sir ulan kasi, eh.” sabi niya ng patamad.
“Ha? Gumawa na kayo ng baby?!” tanong ni Lara. Agad naman si Claire napamulagat ng mga mata.
“Baby ka diyan, lagi ngang galit sakin yon, eh. Makita pa lang ako, naiirita na siya sakin.” sabi niya at huminga.
“Claire, aminin mo nga sakin…… May gusto ka na ba kay Mr. Bully?” agad si Claire napabalikwas sa tanong ni Lara.
“Duh! Hindi noh, bakit ako magkakagusto don eh wala yong alam kundi guluhin ako, sirain ang araw ko, ipahiya ako at utus-utusan. Paano ako magkakagusto don? Oh siya sabihin na nating gwapo siya, pero hindi yon sapat na dahilan para magkagusto ako sakanya. At kahit siya ang pinakaguwapo sa buong mundo hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya! Kasi yung ugali niya, bulok! Saka makita ko pa lang siya, sira na ang araw ko! Hindi ko nga alam bakit madami pa rin sakanya nagkakagusto. Haaay! Saka bakit——–” agad pinutol ni Lara ang sinasabi nito.
“Chill na teh, isang sentence lang yung tanong ko pero yung sinagot mo pang thesis na eh,”
Napasimangot si Claire sa sinabi ni Lara. “Ikaw kasi, eh. Bakit ganon ang tinatanong mo.”
“Ang cute mo talaga! Hahaha, oh sige na. Bye na, papasok na ako. Ikaw anong oras ang klase mo?”
“Mamaya pang 2pm. Mag-ingat ka, bye!” at pinatay na ang tawag.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
“MARK!” agad akong lumapit sa lalaki na prenteng nakaupo sa may bench habang may hawak na libro.
Napangiti si Mark habang palapit sakanya si Claire. Umupo siya sa tabi ni Mark.
Hindi niya pinapansin ang mga masamang tingin ng mga kababaehan pag kasama niya si Mark. Gwapo din naman kasi talaga siya.
“May hindi ka sinasabi sa akin.” seryosong sabi ni Claire habang nakatitig siya. Napakunot-noo naman si Mark.
“Wala ka bang tiwala sakin? Hindi ba kaibigan din ang tingin mo sa akin?”p
Naguguluhan si Mark sa sinasabi ni Claire. “Ano ba yon?” tanong nito.
“Si Angenica pinsan mo siya diba?” sabi niya at hinampas ito sa braso.
Napaiwas ito ng tingin sa kanya. Tila nahihiyang napakamot sa batok ito.
“Well…….”
Naningkit ang mga mata ni Claire at tumingin sa kanya.
“Bakit ka pa ba nahihiya sa akin? Ako nga walang pakundangan kapag nagku-kwento sayo, eh. Magsabi kana kasi.” pangungulit ni Claire.
Napabuntong hininga na lang siya. “Gusto ko lang kasi makawala. Gusto kong mapag-isa at mailabas ang tunay na ako. Wala naman akong gustong patunayan sa mga magulang ko, gusto ko lang maging ako.”
Napatango-tango si Claire. “Ayos ka ah, may pa-mysterious effect kapa. Naku, pag nalaman ng mga schoolmates natin yan mas lalo ka nilang magiging crush,”
Natawa naman si Mark sa sinabi ni Claire. “Ikaw ba? Wala kang crush sa akin?” tanong niya at nagtaas baba pa ng kilay.
Napangiwi si Claire. “Ilusyonado ka rin, eh.” naiiling pero natatawang sabi.
Komportable kaagad si Claire kay Mark. Kahit alam niyang matalino siya, guwapo at mayaman, hindi siya arogante at mayabang gaya ng iba.
“Oh, tinititigan mo na ako. Baka may crush kana talaga sa akin.” pang-aasar pa ni Mark.


/> Tinignan ng masama ni Claire si Mark at binatukan.
“Ang kapal mo!”
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NATIGILAN si Claire nang may nagkukumpulan sa may gate.
πŸ’­ Anong meron? πŸ’­
Nakichismis at nakisiksik din siya.
“Sana magkabalikan na sila ni Rain.”
“Lalo siyang gumanda, noh?”
“Siguradong titino na ulit si Rain.”
“Ayan na siya.”
Para binuhusan ng tubig si Claire habang naririnig ang mga bulungan ng mga tao sa paligid.
Napatingin siya sa babaeng naglalakad papasok sa gate. Kulay brown ang medyo kulot nitong buhok, ang berdeng mga mata nito, ang matangos na ilong at mapulang labi nito, lahat maganda.
Siya ang nasa painting sa condo ni Rain. Siya si Angenica.
Natigilan si Claire nang biglang tumunog ang cellphone nito. Agad na sinagot niya na galing kay Rain.
“H-hello?”
“Hide out” tipid na sabi ni Rain at binaba kaagad.
Napalunok siya. Kahit kinakabahan siya, natagpuan pa rin niya ang sarili na naglalakad patungo sa hide out nito.
πŸ’­ Siguro alam na niya na nandito na si Angenica. Dapat masaya ako, makakapag usap na sila nang maayos. Malilinaw na ang lahat at magkakabalikan na sila. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Dahil pa rin ba to sa kape? πŸ’­
“Sir ulan…..”
Kumpleto ang BTS group sa hideout. Seryoso silang lahat.
Napasinghap si Claire nang lumapit sakanya si Rain at kwinelyuhan. Ang sama ng tingin sa kanya. Namumula ang mukha niya sa galit.
“Si Angenica……. A-ayaw na ni Angenica sakin.”
Natigilan si Claire sa sinabi nito.
Tumayo si Mark para awatin si Rain.
“Bitawan mo na si Claire, nasasaktan mo na siya.” pag-awat din ng kapatid niyang si Calex.
“I dont give a d*mn! Walang wala pa yan sa nararamdaman ko ngayon!”
Napapikit si Claire. Ayaw niyang mapaiyak doon, ayaw niyang mapaiyak sa harap nila.
“Rain, bitawan mo na si Claire.” pananaway ni Luke kay Rain.
“S-sorry, kakausapin ko siya. M-makikiusap ako sa kanya.” sabi ni Claire na pinipigilang maluha.
“Maghanda ka, mas lalo kitang pahihirapan.” marahas siya binitawan kaya napaupo siya sa sahig.
Agad siyang inalalayan ni Mark.
“What the hell Rain Fuenteblanca?” galit na sabi ni Calex.
“Damn it!” inis na sabi ni Rain at agad na lumabas.
“Sorry about that Claire.” hinging paumanhin ni Clarence.
Tipid na ngumiti si Claire at tumango. “S-sige, may klase pa ako.”
πŸ’­ Hindi ko alam kong makakapag concentrate ako ngayon sa klase. Si Rain ang laman ng isip ko. πŸ’­
πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­πŸ’­
POV
NAKATINGIN silang lima kay Mike na tila walang pakialam sa nangyari at busy kakacellphone.
“What the f*ck are you thinking, Santiago?” tanong ni Luke kay Mike.
“Bakit hindi mo man lang pinigilan si Rain kanina? Sayo lang nakikinig yon, eh.” sabi ni Mark.
Lahat naman sila, si Mike ang tumatayong kuya nila kahit ganyan siya.
Tumigil si Mike sa pagtipa ng cellphone. “Dont stop him, let him do whatever he wants. Kahit masaktan pa niya si Claire physically, wag niyong pipigilan. Wag kayong makialam, hayaan niyo siya.”
Nahiwagahan sila sa sinasabi ni Mike.
Noong may pinatakbo si Rain na babaeng halos bra at panty nalang sa school ay halos hindi makilala ang mukha ni Rain dahil sa tindi ng bugbog na inabot nito kay Mike kaya ngayon ay naguguluhan sila ngayob sa sinasabi ni Mike.
“Believe me……. he’ll regret it afterwards and that be his biggest punishment.” napangisi si Mike at saka muling binalik ang tingin sa cellphone.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.