0

I BROKE MY GIRLFRIEND’S TRUST


Report

“Babe? Mahal mo ko diba?” Kasalukuyan kaming nag uusap ni Raine sa chat.
Raine is my girlfriend, almost 3 years na rin kami ngunit minsan lang kami magkita, malayo din kasi ang bahay nila kaya mahirap itong puntahan.
“Of course I love you why are you still asking that?” She immediately replied me.
Napangiti ako dahil may ipapagawa ako sa kanya total naman mahal nya ako.
“Can you send your naked body babe?” I smiled even more because I thought of a way to get my girlfriend to agree.
“Babe I can’t do that hindi ako ganyang klaseng babae.”
Nainis ako sa sinabi nya. Kaya tinakot ko sya.
“Akala ko ba mahal mo ko? If you really love me gagawin mo yan para sakin.”
“Tsaka tayo lang naman nakaka alam ako bahala.” Pag pupumilit kong reply sa kanya.
“I’m scared babe,” reply nito sakin.
“Wala ka bang tiwala sakin? Almost 3 years na tayo.”
“Baka kasi may makaalam.”
“Trust me babe. You’re safe with me.”
“I trust you please don’t break it. ”
Maya maya pa ay nag send ito ng katawan nya tulad ng sinabi ko. Nakahubad sya at nakita ko ang makinis nyang balat. Suddenly my body heats up dahilan para mas lalo akong ginanahan. Ilang beses ko syang pinag send at ginawa naman nya.
“Ginagawa ko to kasi mahal kita, sana wag mo ko iiwan kahit anong mangyari.”
That’s what she said after she sent me her obscenity. But I was too stupid at that timeand I didn’t even know what I was doing.
Sinend ko ang private picture ng girlfriend ko sa mga kaibigan ko habang sila ay proud na proud sakin.
It’s been a few months since I did what I did. At gano’n pa din ang ginagawa ko, mas lalo kong kinakalat ang video ng girlfriend ko at wala syang kaalam alam na pinandidirihan na sya ng mga tao at lalo na ako dahil ang alam ko lang marumi na syang babae sa paningin ko.
“Grabe ka pare ibang klase ka!” Saad ng isa sa mga kaibigan ko, nagsi tawanan sila at sabay tapik sa balikat ko.
“Hindi ko akalain magagawa mo yon sa kanya.”
“Kasalanan ko bang uto uto sya?” Mas lalong lumakas ang tawanan sa loob ng bahay ko.
“Kaibigan ka talaga namin!” Sabay sabay nilang sabi sabay tungga ng mga alak na hawak nila.
Ngunit sa isang iglab lang ay bumukas ang pintuan at nakita ko ang girlfriend ko, nakatayo ito sa harapan ko at mugto mata.
Nakita ko ang galit sa mga mata nya maybe she already knew the truth.
Bago pa ako makapag salita sinampal nya na ako.
“Bakit mo nagawa sakin to?!” Alam ko na yan ang una nyang sasabihin.
“Hindi ko na sakalanan kung tanga ka!” Sagot ko.
“Gago ka! Anong klase kang lalaki? Napaka gago mo! pinag katiwalaan kita pero sinira mo! Napaka wala mong kwenta!”
“Look at yourself slut hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Nakakadiri ka! Umalis kana pinapahiya mo lang ang sarili mo!” Sigaw ko para marinig iyon ng mga tao sa loob ng bahay ko.
“Hindi ka naman ganyan dati!”
“Alam mo kung bakit?! Kasi na realize ko na ang dumi mong babae!”Tuluyan nakong nalason sa mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Madumi daw ito at hindi...


nila akalain na gano’n itong klaseng babae.
Nakita ko ang tuloy tuloy na pag agos ng mga luha sa kanyang mga pisngi.
“Pinilit mo ko! Sabi mo ikaw bahala! Nag tiwala ako sayo!”
“At uto uto ka naman?! Tanggapin mo nalang kasi na ganong klase ka ng babae.”
Sampal, tadyak, suntok ang nasalo ko sa kanya. Pero pagkatapos non ay unti unti itong napaluhod. Kitang kita ko na nasaksaktan sya sa ginawa ko.
“I trusted because I love you, Akala ko mahal mo ko, akala ko ikaw bahala, akala ko hindi mo ko iiwan, pero ikaw pa mismo yung sumira sakin. Sana masaya ka sa ginawa mo, sana masaya ka na sinira mo ako, parang pinapatay mo ko sa ginawa mo sana nga literal na pinatay mo nalang ako you ruined me, you ruined my personality, you ruined everything I have. But you know the most painful? You ruined my life!”
Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yon ay umalis sya. Pero kahit umalis na sya patuloy pa rin nag sink in sa isip ko ang mga sinabi nya.
Months passed, I never talked to my girlfriend again. She’s really ended our relationship. Kasalanan ko din naman if I wasn’t a fool before siguro ay masaya kami ngayon.
Pero hindi ko hahayaang mauwi nalang sa wala ang lahat. Gusto kong maka bawi so I bought flowers and chocolate. Alam kong hindi sapat yon pero gagawin ko lahat.
Ngunit habang papalapit ako sa bahay nila palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Ang mga paa ko ay gusto ng umatras. Pero sa huli ay dumeretso pa rin ako, kumatok ako sa bahay nila at bumungad ang magulang ni Raine sakin.
Sinuntok ako ng tatay ni Raine at pagkatapos ay sumigaw ito.
“Ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito gago ka! Kasalanan mo lahat!”
“Tito mag papaliwanag po ako-”
“Tanginamo! Wala ka nang dapat ipaliwanag wala na ang anak ko wala na sya!”
“Ano pong sinasabi nyo?!” Alam kong may sakit ito ngunit pakiramdam ko ay nag sasabi ito ng totoo.
“Nagpakamatay ang anak ko dahil sayo! Dahil akala nya nag iisa na sya pagkatapos ng ginawa mo sa kanya, pag katapos mo syang iwan sa kahihiyan! ”
Hindi ako nakakilos sa mga narinig ko miski makapag salita ay hindi ko na nagawa, hindi ko namalayan na nabitawan ko ang dala dala kong bulaklak dahil sa pangingig ng kamay ko.
“Sinira mo ang buhay ng anak ko! Sa tuwing lalabas sya pinandidirihan sya ng mga tao, sinubukan namin syang damayan pero hindi namin akalain na gagawin nya yon! At kasalanan mo yon. Ikaw ang punot dulo ng lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit sya nagpakamatay!” Mas lalo akong hindi nakapag salita sa narinig ko mula sa mama ni Raine.
Bigla nalang may tumulong luha sa mga pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Unti unti kong naalala kung paano ko sya sinaktan, kung paano ko sinara ang buhay nya. I broke my girlfriend’s trust. Hinayaan kong insultuhin sya ng mga tao, hinayaan ko syang pag daan ang lahat ng yon dahil sa kagaguhan ko at wala manlang akong ginawa para protektahan ang babaeng mahal ko.
Huli na para mag sisi pa ako, dahil sakin namatay ang girlfriend ko.
Full story by Asumi Penrose Amie Sy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.