0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 9


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 9
Hindi pinapansin ni Keziah ang boss Drake niya. Parang ayaw niya na rin magpanggap na girlfriend nito dahil baka araw araw na Pumunta sa opisina ang tita nito sa kompanya at siya ang pagdiskitahan. Ayaw niyang maging center of attraction.
“Allyson!” tawag ni Drake sa kaniya ngunit di niya na lang ito inimik.
“Keziah!” muli na naman siya nitong tinawag ngunit di niya pa rin ito pinansin.
“Ms. Marquez!” hatang aburido na ito at naiinis kaya sumagot na siya.
“Yes boss?!” agad naman kumunot ang noo nito dahil sa narinig. Wala namang Mali sa sinabi niya.
“Boss?! I told you na wag mo kung tatawagin ng ganyan.” asik nito sa kanya.
“Pero boss naman talaga kita at sekretarya mo ako kaya dapat yun ang itawag ko sayo!” ganti niya dito at tinuon ulit ang sarili sa pagtatype sa loptop.
“Dahil ba ito sa nangyari kahapon?” mahinahong tanong nito sa kanya.
“Hindi siyempre! Ayoko lang maging simula ng pagtsitsimisan ng mga empleyado sa kompanya mo! Baka sa susunod ay pumunta na naman yung impaktang tiyahin mo boss!!! Ayaw ko na, humanap ka ng ibang pagpapanggapin mong girlfriend mo!” nagulat naman ito sa sinabi niya.
” What??? “di makapaniwalang tanong nito sa kanya.
” Pasensya na boss, ayaw ko lang na minamaliit ako ng ibang tao!at ayoko rin na pag-usapan at pagtsismisan nila!”sabi niya at lumabas ng opisina nito. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan niya dahil may mas malalim pa doon.
” Kez, totoo ba na kayo ni boss Drake? “tanong agad sa kanya ni Layla.
” Hindi noh, san mo naman nalaman yan? “balik niyang tanong sa kaibigan niya.
” Wala usap usapan lang, sabi pa nga ay ayaw daw nung tita niya sayo kaya pinuntahan ka doon sa opisina at nalaman daw na Secretary ka rin niya! Hindi naman ako naniniwala sa tsismis”dagdag pa ni Layla. Di niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Dapat ay hindi nangyayari ang lahat ng iyon, bakit ba kasi siya pumayag.
“Ito na pala si Keziah, nakakahiya ka pati boss mo ay tinatrabaho mo!” sabi sa kanya ng isang impaktang empleyado.
“I pity you baka kaya ka di natatanggal sa trabaho mo ay dahil diyan sa kalandian mo! Ilusyonada! Di kayo bagay ni boss Drake!”isa pang demonyita ang nagsalita.
” San niyo ba nasagap ang mga kalokohan na yan ha?! “di niya na napigilan ang sarili na magsalita.
” Wala ka na don”sagot nito sa kanya.
“Ehh bakit niyo ba pinakialaman ang buhay ko kaysa atupagin yang mga trabaho niyo!” tinawanan lang siya ng mga ito.
“So inaamin mo na nilalandi mo ang CEO ng kompanyang toh?!” kompronta pa ng isa sa kanya.
“Wala kayong alam! At kung sino man ang nagsabi niyan sayo! Sinungaling siya! Wag niyo kong husgahan!” asik niya dito.
“What is happening here?” bigla naman dumating si Drake, ang boss niya na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.
“Ehh boss pinagtutulungan nila si Keziah” turo ng kaibigan niyang si Layla sa mga babaeng kanina pa siya pinagtutulungan, mga impakta!!!
“Totoo ba yon?” tanong ng boss niya sa mga ito. Siyempre hindi magsasabi ng totoo ang...


mga yan.
” Ehh boss tinatanong lang naman namin si Keziah, tapos na galit na siya”paawa sabi pa ng isa.
” Sinungaling, pinagtutulungan niyo siya, mga impakta kayo wala naman ginagawa sa inyo yung tao! “pagtatanggol sa kanya ni Layla. Hindi siya makapagsalita para sa sarili niya.
” Ohh Keziah bat hindi ka makapagsalita? Totoo ba at tinatamaan ka sa mga sinasabi namin? “Ang kapal ng mukha ng isang yun dahil sa tinanong nito sa kanya.
” Hindi totoo lahat ng yon, tanungin niyo man siya! Sa ilang taon kung pagtatrabaho sa kompanyang ito wala akong ginawang ganun at hindi
ng hindi ko gagawin yun!!! “sabi niya sa mga ito habang nakatingin sa boss niya na walang imik.
Tumakbo siya paalis doon. Kailangan niyang makaalis sa kompanya.
” Kez!!! “tawag sa kanya ni Layla pero di niya na ito pinansin.
Sumakay siya agad ng taxi. Alam niya kung sino ang nagpakalat ng tsismis na yun. At ang tita ito ni Drake sigurado.
Bigla namang may tumawag sa kanya at ang boss niya iyon, di niya sana ito sasagutin pero sinagot niya na.
“San ka pupunta?” tanong nito.
“Sa Lugar kung wala ka!” asik niya dito.
“Im sorry” sabi nito. Pero pinata niya na ang tawag.
“Aaaaaaaaa peste mga bwisit kayo!!! Ayoko na!!! Nakakapagod na!!!” di niya mapigilan ang umiyak. “nagpunta siya sa Lugar na siya lang ang nakaalam at doon inilabas lahat ng hinanakit niya.
” Bakit ba kasi magkakagusto lang ako ay sa maling tao pa!!! Oo gusto ko na ang boss ko!!! Pero bakit humantong sa ganito!!! Pagod na ako! “kasabay ng pagtulo ng luha niya ay pagpatak ng ulan. Pero bakit di siya nababasa. Di niya namalayan na may nagpapayong na sa kanya.
” Drake anong ginagawa mo dito?”pero imbes na sumagot ay niyakap na lang siya nito.
” Allyson I’m sorry, I didn’t mean this to happen. “bulong nito sa kanya.
” Sino ba kasi nagkalat ng tsismis na yun haha? Galing niya gumawa ng kwento “kunyari ay natatawa siya.
” Tita Minerva sabi ng mga empleyado “sagot nito sa kanya.
” Ahh yung tita mo palang impakta!”sabi niya naman dito.
” Come may pupuntahan tayo”sabi ni Drake sa kanya.
“Saan?” nagtatakang tanong niya dito..
“In the mansion” sagot nito.
“Ha?! Anong gagawin natin doon?” usal niya dito.
“Well talk to my mom sasabihin natin yung totoo at kung ano ang ginawa ni Tita Minerva na paninira sayo” may diin sabi ng boss Drake niya.
“ano bat mo naman gagawin yun?” tanong niya dito.
“Para sayo” walang alinlangang sagot nito.
“Anong para sakin?” di niya maunawaan ang sinasabi nito.
“Wait boss narinig mo ba yung pinagsisigaw ko kanina?” kinakabahang niyang tanong ngunit ngumisi lang ito sa kanya.
“oo narinig ko” sagot nito.
“Ang tanga mo Kez bat mo sinabi yun!” sigaw niya habang tinatawanan siya ni Drake. Nakagat niya naman ang labi niya.
“You said you like me” pang-aasar pa nito.
“Ehh ano naman? May masama?”
“Wala, kaya wala ring masama sa gagawin ko” at bigla siya nitong hinalikan.
” I really really like you Keziah Allyson” sabi nito sa kanya. Pagkatapos siyang halikan.
Parang lumabas ang puso niya mula sa dibdib niya dahil sa sobrang kilig.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.