0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 19


Report

“Drake di mo ba napapansin parang di na nagpapakita yung bruha mong tiyahin? Saka yung ex mong sabon?” natawa naman si Drake dahil sa sinabi niya. Parang gusto na tuliy ni Keziah na batukan ito.
“Babe, her name is Calla” iniralan niya ito. Sinabi pa talaga ang pangalan.
“Basta yung ex mong sabon! Loka yung tita mong yun nagdala pa ng back up. Alam mo sa aming dalawa ako pa talaga sinabihin niya ng mukhang pera baka siya yon!”
“Yeah, she really likes money. Yun lang ang importante sa kanya kahit mawalan pa siya ng mahal sa buhay magkapera lang siya. That bitch.”
“Anong ibig mong sabihin?” taka niyang tanong dito. Di niya kasi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito dahil parang may ibang meaning iyon na hindi lang masabi ng diretso.
“Ampon lang si Tita at ang daddy ko lang ang tunay na anak nila lolo at lola.” nabigla siya sa kanyang malaman. Baka yun ang dahilan kaya galit na Galit ito kay Drake.
“Alam niya na ampon siya o ang daddy mo lang ang may alam tapos sinabi niya sayo?”
“She knows it that why she’s really mad at me, sakit siya galit na Galit. Dahil lahat ng mana ng mana ay sakin mapupunta dahil kay daddy. Gusto niyang makuha yon. Gustong gusto niya to the point na pati reputasyon ko ay gusto niyang sirain pati sa harap ng sarili Kong ina.! “paliwanag nito sa kanya.
” Wala siyang matatanggap na pera na sayo lahat? ”
” Meron pero kumpara sa akin lugi siya. Hindi rin naman siya tunay na anak. Kung makaasta kala mo parte ng pamilya pati mommy ko binibilog ang ulo. Akala mo naman mangyayari ang gusto niya.! Matagal ko na siyang gustong mawala. Di ko makakalimutan dahil sa kanya namatay ang daddy ko! “halata sa boses nito ang pagkagalit. Ramdam iyon ni Keziah.
” Pinatay niya ang daddy mo? ”
” No, pero siya ang dahilan kung bakit namatay ang daddy ko. Nung malaman niyang ampon lang siya at kay daddy lahat mapupunta lahat ng mana na ipapamana naman sa akin. Pumunta siya sa bahay at ginalit niya ang daddy ko. Bata pa ako non pero alam ko ang nangyayari. Gusto niya mas malaki ang makukuha niyang pera. Kung among masasakita na salita ang binitawan. Hanggang sa intake ang daddy ko. Inatake isya dahil kay Tita Minerva! Akala niya sa kanya na mapupunta lahat kapag na wala si dad pero sakin.! Mukhang pera ang babaeng yon! Di ko siya mapapatawad. Ewan ko ba bakit ang bait parin ni mommy sa kanya. Sabagay di alam ni mommy na ampon lang ang babaeng yon at di totoony kapatid ni dad.! ”
” Bakit di mo sabihin sa mommy mo? Baka mamaya pati mommy mo idamay niya sa kasakiman niya. Gahaman ang tiyahin mong yun.”giit niya dito.
” My mom is so nice. Hindi niya magagawang manakit ng tao. Mabait siya sa lahat kahit kanino Mabait siya. Pero sa babaeng yun dapat hindi.Now I know pati si Calla kasama sa plano niya. ”
” Yung ex mo? Bakit naman? ”
” Dahil alam ko kung paano mag-isip ang tiyahin kung hilaw na yun.She’ll do anything and everything just ti get what she wanted.She Crazy.”sa kwento palang nito ay ang dami niya ng nalaman. Yun na ba lahat yun o kulang pa?
“Hindi niya naman makukuha ang mga manang iyon dahil para yun sayo at sa mommy mo. Bakit di niya na lang tanggapin.”
“Thats not her babe. Hindi siya titigil hanggang di nangyyaaid ang kagustuhan niya. Kaya ikaw pwede rin niyang gamitin laban sakin.You know how much I love you right?” napangiti naman siya...


sa sinabi nito.
“Oo naman alam ko at mahal din kita kahit ganun pa ang buhay mo. At sabay nating haharapin ang baliw mong tiyahin.”
“Wait tatawagan ko lang si mom.”tumango lang siya dito.
” pAsabi kay Tita dun tayo kakain miss ko na luto niya. “napangiti nalang ito dahil sa sinabi niya. Nagtataka sila kung bakit ang tagal kung sumahit sa kanilang linya.
” Why is she not answering the phone? “frustrated na sabi ni Drake. Kapag tumatawag naman kasi sila dito ay mabilis itong sumasagot.
“Baka busy lang o may pinagkakaabalahan sa mansyon niyo.” pang-aalo niya rito para makampante sila.
“Its ringing pero walang sumasagot. Hindi ganito si mom. Isang tawag ko lang ay sumasagot na siya” nag-alalang sabi ni Drake sa kanya.
“Ohh ayan na sabi ko sayo ehh ba busy lang” dahil tumigil na sa paging ibig sabihin sinagot na ang tawag. Ni loud speaker nila.
“Hello mom bakit ngayon mo lang sinagot?”
“Tita kamusta po kayo” ngunit walang sumasagot…
“Mom were asking you…..” Nag-aalala na ito para sa ina.
“Ako to si tita Minerva mo gusto mo bang makausap ang mommy mo. Ohh sad nakatali siya at nakabusal ang bibig. Wahahhha.kawawa naman siya.” boses yun ng tiyahin nitong bruha.
“Anong ginawa mo sa mommy ko Tita?”
“Hoy anong ginawa mo kay Tita?” sabi niya naman. Ngunit tawa lang ang sinagot nito.
“Ay Nag-aalala kayo. Edi puntahan niyo siya dito bago ko siya patayin!”
“Ano bakit mo siya papatayin? Baliw ka na ba? Asawa yan ng kapatid mo?” sigaw niya dito.
“Wag lang makialam dito na secretarya ka!Mamamatay to kapag di sumunod si Drake sa gusto ko! At isasama kita!
“Baliw ka na Tita Minerva wag mong sasaktan ang nanay ko!”
“Sinong tinakot mo? Ako? Kayang kaya ko siyang patayin!gaya ng ginawa ko para Mamamatay lang ang dadsy mo. Inatake siya Dahil sa kagagawan ko. Alam mo yon diba? At wala kang nagawa, hahaha, sususnod na ang mommy mo.” sabi nito at tumawa.
“Anong kailangan Kong gawin para hindi mo patayin ang mommy ko? Ano bang kailangan mo? Pera magkano gusto mo?” hindi na makapagtimpi si Drake kaya kung ano ano na ang sinasabi nito.
“Lahat ng mana mo, mapapasakin!!! Lahat lahat.!!! Kung hindi papatayin ko ang nanay mo.”
“Ano ka sinuswerte?” Agad na umapela si Keziah.
“Hindi ka kasali sa usapang to, sampid ka lang!” sigaw sa kanya ni Minerva. Kahit na sa cellphone lang sila nag-uusap.
“Kasali ako dito dahil ako ang girlfriend ni Drake! At bakit niya naman ibibigay sayo ang dapat na para sa kanya?! Ha?! Hindi kami tanga. Wag mong sasaktan si Tita!!!!” sigaw ni Keziah sa tita ni Drake.
“Ang tapang mo ring babae ka! Pwes kung di niyo maibibigay yun papatayin ko to. Papatayin ko ang tita mo at ang mommy niya.hahhaha di ako nagbibiro.Ibigay nito ang gusto kung ayaw niyong may magbuwis ng buhay. Nasa mansyon lang kami at wag na kayong magtangka magsumbong sa pulis. Kung hindi patay to! At namatay na ang tawag.
“Baliw na siya! Baliw na siya.! Wag niya lang sasaktan ang mommy ko!” sigaw ni Drake.
“Kumalma ka, Maliligtas natin ang mommy na hindi mo ibinibigay sa tiyahin mong hilaw na yun ang mana mo. May iba pang paraan.” sabi ni Keziah.
“Alam ko na kung paano siya nakakuha ng tauhan. Si Calla! Pupuntahan natin si Calla!” sabi ni Drake sa kanya.
“Kasambwat niya yon?”
“Yeah babe.we need her help I have a plan. And this I know na tayo ang mananalo.Di ginagamit ng tiyahin kung yun ang utak niya.” nakangiging sabi ni Drake sa kanya. Kaya napangiti rin siya.
Umalis na sila sa opisina at Nagmamadaling nagtungo sa parking lot.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.