3

He Stole Her Heart


Report

Itong kwento na ito ay nagsimula noong may pagkakataong umibig ang isang vampira sa isang kalahating lycan at kalahating tao. Nalaman ng pinuno ng mga vampira na ang sariling anak na babae nito ay umiibig sa isang lycan kilala bilang isang mababang uri sa kanilang panahon. Dahil sa pagtutol ng pinuno ng mga vampira sa pag-iibigan sa pagitan ng anak at sa isang mangangaso. Nagbunga ng isang munting anghel ang pagmamahalan ng dalawa. Lalong sumidhi ang pagnanais na parusahan ng pinuno ng mga vampira ang nagtaksil niyang anak sa sariling angkan nito. Hindi siya nag dalawang isip na patayin ang sariling anak.Walang habas niya itong pinatay sa harap ng sinisinta nito. Dito nagsimulang umikot ang paghahasik ng walang hanggan na digmaan sa pagitan ng mga vampires at lycans.

     At bilang isang sinisinta niyang minamahal. Na walan ng pag-asa ang lalaking mabuhay. Puno siya ng paghihiganti sa isang makasariling ama ng sinisinta. Kaya nitong patayin ang nag-iisa mismo nitong anak para lamang sa sariling dignidad. Ayaw nitong madungisan ng anumang lahi o dugo ang angkan na pinamumunuan. Labis-labis ang galit na namumuo sa lalaki. Pinalaya niya ang mahigit na isan’daang mga bilanggo na ikinulong ng labing limang taon sa isang yungib noong siya ay nangangaso sa madilim at liblib na kagubatan. Ng di lumaon bumuo siya ng sariling grupo upang paghigantihan ang pinuno ng mga vampira. At bilang isang manhihiganti ibinigay niya ang nararapat sa ama ng sinisinta. Napatay niya ito kalaunan.Nagtagumpay siya ngunit isang sumpa ang lumukob sa kanya. Binalot siya ng itim na usok hanggang siya ay mawala. Noon niya nakaligtan na ang ama ng kanyang sinisinta ay buhay pa sa natamo nitong galos. Subalit gayon na lamang ang kanyang paghahangad. Hindi man niya napatay ang walang hiyang ama ng kanyang...


sinisinta ay magaan na ang kanyang pakiramdam dahil nagawa niya ang lahat na kanyang makakaya. Ngunit hindi lalaon at mayroon isang natatanging kayang higitan ang lakas  ng kahit sino man nilalang  sa buong daigdig.  Isang mabuting nilalang ang darating at ito ay ang sugo na siya ‘ng tatapos sa matagal na giitan sa dalawang  lahi.

    “Hindi ka mabubuhay ng mahaba Lucio, may isang katulad mo ang siyang ihuhulog at papatayin ka sa sariling pain” Iyon lamang ang kahuli-hulihang sambit ng lalaki bago ito mamayapa at mawala na parang bula.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    

Q4lmn1

1

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.