3

Ikaw pa rin


Report

Noong nasa college ako, marami ang nagsasabing kakaiba daw ako. Mas malapitin ako sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Astang astig kung minsan at paseksi ang imahe ko kung minsan.Walang nagtatagal na relasyon ko dahil wala akong tiwala masyado sa mga lalaki. Nag-iisang anak ako na babae at panganay sa limang magkakapatid. Puro lalaki ang mga kapatid ko kaya siguro ako ganito. Mas malapit ako sa papa ko kaysa sa mama ko. Pero nagbago ang buhay pag-ibig ko noong nakilala ko si Nathaniel.Nakilala ko siya noong panahong pinaglalaruan ko lang ang mga damdamin ng mga lalaking nagkakagusto sa akin at nakakarelasyon ko.
Akala ko iba siya sa mga lalaking nakarelasyon ko.Niligawan niya ako sa pamamagitan ng cellphone. Ibinigay ng Auntie ko sa kanya yong number ko. Parati akong dumadalaw sa bahay ng Auntie ko kaya nakikita niya daw ako.Palagi siya ng magtetext at tumatatawag sa akin.Siya pa nga nagbibigay ng load ng cellphone ko noon.
March 3, 2005,nang sinagot ko siya sa pamamagitan ng text din. Siya yong tipo ng lalaki na mabait,masipag,malambing,maalalahanin,responsable at mapagmahal sa kapatid at magulang niya at higit sa lahat ay sa akin.Habulin siya ng mga babae at mga bakla pero nagtiwala pa rin ako sa kanya. Ibinigay ko ang lahat ng tiwala at pagmamahal ko sa kanya.Binago niya ako ng husto.
Noong ipinakilala ko siya sa mga magulang ko. Hindi siya nagustuhan ng mga magulang ko dahil hindi ito nakapagtapos man lang daw ng high school. Gusto nila na makipaghiwalay ako sa kanya pero sinuway ko ang mga magulang ko. Mas sinunod ko ang utos ng puso ko kaysa ng isip ko.Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal ng totoo.
Nagtagal ang relasyon namin ng isang taon. Grabe!!!Wala pang nakatagal sa akin ng kahit isang buwan pero siya ang nagtagal ng hindi lang isang buwan kundi isang taon. Ang saya saya namin noon.Akala ko talaga eh siya na ang para sa akin. Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin.Ipinakilala niya ako sa mga pinsan,mga kapatid at hipag niya. Nagsumpaan kami na walang makakapagpahiwalay sa amin. Basta may tiwala kami sa isa’t isa.
Nakikisali siya sa mga paligsahan ng basketball...


dahil six footer siya, chinito, makisig ang pangangatawan at talaga namang magaling maglaro ng basketball. Nagtratrabaho din siya ng part time sa mga auntie niya.Yong buong sahod niya eh sa akin niya ibinibigay at ginagamit ko sa pag-aaral ko. Binibilhan din niya ako ng mga damit at sapatos.
Magkasing edad lang kami. Nasubok ang aming pagmamahalan ulit ng malapit na ako matapos ng 2nd year college ko.Nagtext sa akin Ang dalawang matalik na pinsan niya.Lahi sila ng mga makikisig na kalalakihan at chinito.Nagtext sila sa akin na sinasabing gusto nila akong maging kasintahan pero hindi ko sila pinansin. Sa tuwing pupuntahan ko si Nathaniel sa bahay nila, nakikita ko kung paano ako tingnan ng dalawa niyang pinsan.magkapitbahay lang kasi ang mga ito at kadalasan eh labas masok sila sa bahay ng kasintahan ko.
Sinabi ko kay Nathaniel ang mga itinetext sa akin ng mga ito. Tumawa lang siya noon pero ng maglaon eh ayaw na niya na nakikipagkwentuhan ako sa mga pinsan niya.Okay lang sa akin.Nagkukulong kami sa kwarto o sa loob lang ng bahay nila.
Akala ko okay na ang lahat basta umiwas lang ako sa tukso pero nagulantang na lang ako ng magtext siya sa akin noong makalipas ang isang buwan pagkatapos naming magdiwang ng anniversary namin. Maghiwalay na daw kami. Tinawagan ko siya agad ng mabasa ko ang text niya sa akin. Sinagot niya ang tawag ko at tinanong ko sa kanya ang dahilan kung bakit niya ako hinihiwalayan. Ang sabi niya nakausap daw niya pinsan niyang babae na si polen. Sinabi niya daw na nakita niya akong may kasamang ibang lalaki at kasintahan ko daw iyon. Nagalit ako dahil walang katotohanan ang isinumbong sa kanya ng pinsan niya.Sinabi ko na magkita kami at maag usap ng masinsinan pero umayaw siya.Natatakot daw siya na baka ipabugbog ko daw siya sa kapatiran ko.Wow!Hanep! Duwag pala ang gago!
Nung nasabi niya na iyon ay nagpumilit pa rin ako na magkita kami pero ayaw niya na talaga.Mas pinaniwalaan niya ang pinsan niya kaysa sa akin.Masakit man pero tinanggap ko na rin.Hanggang ngayon nasa puso ko pa rin siya kahit na marami ng nagdaan na naging nakarelasyon ko,siya pa rin hinahanap ng puso ko.

2

3 Comments

  1. Maganda sya pero naiinis ako doon sa pinsan nyang kasintahan nya kasi naninira ng relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.