0

From The Past Chapter 1


Report

From The Past
Chapter 1
Angel’s P.O.V
Araw-araw talaga akong excited pumasok.
Sino ba naman di gaganahan pumasok kung nandoon sa eskwelahan ang inspirasyon mo.
Malapit na ako sa Gate ng matanaw kong papasok na rin si Sir Lexus.
Hulaan n’yo kung sino sya,
Siya lang naman yung love ko..
Hahabulin ko sana ng bigla nalang akong natisod.
Nasaktan ako pero ngumiti pa rin ako.ang dami kayang naka tingin tapos yung iba pinagtatawanan ako.
Ang saya nila. Madapa sana sila mamaya!
Napa ngiti naman ako ng huminto ito at kinausap yung guard ng school namin. Kaya naman nagka chance ako para lapitan s’ya.
“Good morning Sir”-masayang pagbati ko dito. Sabay flip hair ko.
Tumango ito at ngumiti. Ngiti na nakaka lusaw ng buong katawan.
“Good morning din miss,Vera.”-tugon n’ya.
Halos mapunit naman ang aking labi dahil sa pagkaka ngiti.
Gusto ko s’yang makasabay na maglakad kaya hihintayin ko s’ya. Dahan-dahan akong naglalakad.para maabutan niya ako.
At hayan na nga..nasa likuran ko na siya. Para tuloy ang hirap humakbang.
What if huminto ako?
Tapos mabunggo siya sa akin..wow! Exciting! Pero bad!
“Miss,Vera..”-pagtawag n’ya sa akin kaya agad akong napa hinto.
At lumingon sakaniya,
“Y-yes Sir?”
“May surprise ako mamaya sa inyo..at iaannounce ko na rin kung sino...


pinaka mataas sa exam. At may gift ako sakan’ya”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n’ya. Sayang lang dahil alam kong hindi ako ‘yon.
“Wow! Talaga sir? Ang swerte naman. Sure ako si Miss President na ‘yon. Kasi naman napaka talino n’ya”
Ngumiti lang ito at nag kibit-balikat.
“Wag mo munang sasabihin sa kanila ha? Secret lang natin”-sabay dikit ng hintuturo nito sa labi n’ya na nagsasabing wag akong maingay.
Ngumiti naman ako at itinaas ang dalawang kilay ko.
“Promise,Sir.”-sabay taas ng kanang kamay ko.
“Sige na..punta ka na sa room n’yo”
“Opo”
Second period pa si Sir,
At kapag s’ya na ang teacher namin ay ganado talaga akong makinig kahit na ang bobo ko sa math kahit pa nga hindi ko maintindihan ‘yung iba. Bakit kasi naging Math Teacher pa s’ya. Dapat kasi Values nalang haha!
Pagdating ko sa Room. Ang iingay na nila. Parang palengke lagi ang Room.
Pinaka maingay ang muse namin. Sarap pasakan ng papel sa bibig eh.
Pagpasok ko nanahimik silang lahat at naka tingin silang lahat sa akin.
“Teka? Anong problema? Bakit bigla kayong nanahimik? Tsaka bakit naka tingin kayong lahat sa’kin? Guys haler! Ako lang ‘to! Hindi si Arianna Grande!”
Ano bang trip nila? Hays!
Itutuloy.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.