0

𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜” (𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘴π˜ͺ𝘹)


Report

” 𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜”
(𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘴π˜ͺ𝘹)
Matapos kumain ay agad naligo si Drake, nakaupo Naman sa sofa si Ivy at nanonood sa telebisyon.
Maya Maya ay lumabas ng pinto Ng cr si Drake, nakatapis lang Ito ng tuwalya at basang basa pa ang buhok. Pinuntahan nito si Ivy sa sofa.
“Maligo ka na.” Tugon nito at ginulo ang sariling buhok.
Lumingon rito si Ivy at bumungad sa kaniya ang nag-uumlukang muscle nito, maputi ang kaniyang katawan at malalaki ang kaniyang mga braso.
Napatitig dito si Ivy at napansin Naman agad Ito ni Drake. Tinabunan iya Ito ng Isa pang tuwalya.
“Hoy! Anong tinitingnan mo Jan?” Saad nito na may pagtataka sa kaniyang isipan.
Bumalik ang isip ni Ivy at napatingin sa mga mata ni Drake nahiya Ito kaya tumalikod Ito.
“Di ka pa maliligo?” Tanong ulit ni Drake.
“Pano naman ako maliligo dito? Wala akong damit.” Sagot naman ni Ivy.
“Sus! Doc meron akong maraming damit Jan! ” Saad nito at ngumisi.
Napalingon uli si Ivy dito na parang nadismaya.
“What? Ipapasuot mo sakin yang damit mo? Eh anong susuotin kong underwear abir? No! That’s very unhygienic! ” Saad nito saka humiga sa inuupuan nito.
Bumalik naman sa cr si Drake at nagbihis. After nitong magbihis, pinuntahan Niya ulit si Ivy, pinaupo niya ulit Ito at tinabihan.
“Ano ba tong pinapanood mo dito ha?” Tanong nito at kinuha ang chichiria na nasa lamesa at binuksan iyon at kumain.
“Gusto mo Doc?” Pag alok Ni Drake Kay Ivy.
“Drake nakalimutan mo na ba? I’m a Doctor, bawal yan sayo! Thats one of the reason why people having UTI. ” Saad nito at kinuha ang chichiria upang iiwas Ito kay Drake.
“Sus Doc, minsan lang Naman eh.” Saad nito at aktong aagawin na sana ang pagkain sa Kay Ivy.
Habang nag-aagawan, biglang na out of balance si Drake kaya nabagsak kay Ivy, nagulat nalang silang dalawa no’ng makitang nagdampi na Ang kanilang mga labi sa isat isa.
Hindi nila maigalaw Ang kanilang mga katawan at Tila nakadikit Ang kanilang mga kaluluwa.
Hinawakan ni Drake ang pisnge ni Ivy at mas ibinaon pa ang kaniyang dila sa bibig ni Ivy, ipagpapatuloy na sana Ito Ni Drake ngunit itinulak siya ni Ivy papalayo.
Agad na tumayo si Ivy at pinunasan ang kaniyang labi, napatulala Ito na parang nawala sa sarili.
Tumayo naman si Drake at lumapit ulit rito.
“Ah… I- Ivy I’m sorry, diko sinasadyang gawin iyon, pasensiya na… ” Paghingi nito ng tawad.
Tumingin rito si Ivy, Nakita nito ang sincerity sa paghingi ng tawad, ngunit sa totoo Lang ay maging siya ay nasiyahan sa kanilang ginawa, Hindi Niya inakalang may makakahalik din after 5 years sa kaniyang mga labi. Hindi Niya inakalang mararamdaman Niya ullit itong lakas Ng tibok ng damdamin sa isang Tao.
“Magpapahangin Lang ako.” Saad ni Ivy at saka tumayo ng upuan at lumabas ng bahay.
Hapon na iyon Kaya naman masarap na Ang simoy Ng hangin, nakaupo sa isang seesaw na nakakabit sa isang malaking puno si Ivy.
Patuloy niyang iniisip ang nangyari kanina, iba ang kaniyang naramdamang tibok ng damdamin, sabik siya sa pag-ibig dahil mahigit isang taon niyang pinigilan Ang kaniyang sarili sa pagkakagusto sa ibang lalaki, dahil nga umaasa siya na magkakabalikan sila Ni Drake no’ng akala niya’y si Drake ay si Daniel.
Habang nilalasap ang bawat hanging humhaplos sa kaniyang balat, napangisi Ito, Ang tanging NASA isip nito ay Ang mukha ni Drake kanina. Batid niyang Hindi lamang iyon aksidente, na sa kabila ng biglaang paghalik niyang iyon ay may mas malalim pang dahilan.
*CRIIIIIING! CRIIIIIING! CRIIIIIIIING!*
Kinuha Niya ang kaniyang cellphone na NASA bulsa nito at sinagot ang tawag.
“Hello? Ivy here.” Pagsagot Niya sa kabilang linya.
“Huh? Sino si Ivy?” Pagtatakang tanong ni Carmel.
“Ah… I mean Icy, si Icy to bakit Carmel? May problema ba? ” Pagbalik nito ng tanong.
“Ah, Ma’am Mr. Albayog told me na tawagan daw Po Kayo, dalawang days na daw ho kayong Wala, Hindi ka din daw nag send ng excuse paper, He just want to check Kung anong nangyayari sayo, atchaka Ma’am nag-aalala din Po ako sayo. Bakit di ka po pumasok? ” Pagtatakang tanong Ni Carmel dito.
“Buti pa Kayo Carmel, kinukumusta niyo kung ok Lang ba ako. By the way oo pakisabi nalang kay Mr. Albayog na pasensiya na, nakalimutan ko at atchaka magsesend nalang ako MAMAYANG Gabi, pakisabi nalang Carmel...


ha? ” Saad nito at ngumiti.
“Sigi Po Doc, walang problema. Pero Doc wait, ok Lang Po ba Kayo? Nasaan Po Kayo?” Tanong Ni Carmel dito.
“Tsk. I’m not in my house Carmel, NASA ibang bahay ako ngayon, siguro dito na Muna ako, magpapalipas lang Muna ako ng pagod at pagkastress. ” Sagot nito saka napatingin sa pintuan ng bahay at napangisi.
“Eh ma’am? Bakit Po Kayo nakangiti?”
“Hala? Bakit mo nalaman?”
“Ma’am, kapag masaya ang kausap mong Tao, siyempre sasaya ka na din, sumaya ako eh Kaya pansin Kong masaya ka din, tsaka pansin Kong nakangiti ka kase Hindi masyado clear Yung boses mo kase nga nakangiti ka habang nagsaasalita.” Paliwanag nito Kay Ivy.
” Nako! Andami mo talagang alam Carmel, sige na, magpapaalam na ako sa yo, ah basta sabihin mo iyon kay Mr. Albayog ha? Salamat nalang. ” Saad ni Ivy at pinatay ang tawag.
Muli niyang ibinaling Ang kaniyang atensiyon sa magandang tanawin, habang pinagmamasdan ang paligid, biglang dumating si Drake at NASA gilid Niya Ito.
“Puwede ba kitang sabahan dito?”
“S-sure.” Sagot nito at napangisi.
Pareho nilang ninanamnam ang malakas na hangin at Ang nakakabighaning paligid.
“Ivy, I want to talk to you talaga, gusto ko pag-usapan natin ang…” Hindi nito naipagpatuloy ang kaniyang pagsasalita no’ng magsalita si Ivy.
“Ang nangyari kanina? Tsk! It’s ok for me, aksidente lang Naman iyon eh, tsaka Wala namang malisya don. ” Saad nito na mukhang napipilitang tumawa.
“No Ivy, it’s not all about sa nangyari kanina, I want to talk to you about us, Yung Tayo, Yung nakaraan natin. ” Kalmadong sagot nitoat napatingin Kay ivy.
Napatingin Naman dito si Ivy at tumawa.
“Anong about satin? Ano ba iyon?” Saad nito na pilot tumatawa Ng malakas.
“Ivy Alam Kong Alam mo Kung gaano kita kamahal dati, even tho Mali pero ginawa ko, minahal Kita kahit na Alam Kong mas Mahal mo si Kuya Daniel, Ivy kahit kailan Hindi nawala itong nararamdaman ko para sayo, Hindi nabawasan Ang pagmamahal ko sayo, Ivy until now I can afford to lose you, until now my feelings is still there, until now, I love you. ” Seryoso nitong tugon at hinawakan ang kamay Ni Ivy.
Kinuha Naman Ni ivy Ang kaniyang kamay at napalingon sa malayo.
“Ivy Mali man Ang mahalin ka no’n I still did it, kase Yun Yung inuutos Ng puso ko, kase Yun Yung nilalaman Ng isip ko. Ivy kahit Alam Kong masasaktan Lang ako kapag sinabi mong mas Mahal mo si Kuya I still there, Hindi ako sumuko diba? Kase Ganon Kita kamahal, Hindi ko na inisip na masasaktan ako sa ginagawa ko kase Mahal na Mahal na Mahal Kita. ” Dagdag pa nito at tumulo na ang luha nito sa kaniyang pisngi.
Lumingon Ito Kay Drake at Nakita nito Kung pano Ito lumuha, Nakita nito sa mga Mata ni Drake Ang pagmamahal na sinasabi nito, Nakita Niya sa mga Mata Ni Drake Ang sakit na nararamdaman nito.
“I’m sorry for that Drake…” Tanging sagot Niya rito.
“I’m sorry for hurting you, I’m sorry for giving you that kind of pain, minahal ko si Daniel, minahal ko siya Ng sobra. But I just want also to let you know that no’ng time na niligawan mo ako, I also fell in love with you. Habang tumatagal no’n nahulog na Ang loob ko sayo, unti unting nabuo ang nararamdaman Kong pagmamahal sayo. I’m sorry kase Hindi ko Ito ipinaramdam sayo, ayokong may masaktan sa into Ni Daniel, ayokong mag-away Kayo dahil sakin, Kaya Hindi na Kita pinansin no’n kahit masakit sa dibdib ko, I’m sorry for doing that before. I’m sorry Drake. ” Saad nito at tumulo narin Ang kaniyang luha.
Hindi maipaliwanag ni Ivy ang nangyayari, para bang may nagtulak sa kaniya na sabihin lahat Ng Iyon Kay Drake.
“Drake I love you.” Tugon nito na siyang ikinagulat ni Drake.
Napalingon dito si Drake at mas lumakas pa ang agos Ng kaniyang luha. Agad Niya itong niyakap Ng mahigpit.
GOOD MORNING GUIZ! SORRY NA LATE AKO SA PAG POST, LATE LANG NAGISING HAHA, SO AYUN NA NGA, ANO ANG MANGYAYARI SA KANILANG PAG-IIBIGAN? SILA BA TALAGA ANG LARA SA ISAT ISA? PAANO SI IVY? ANO ANG KANIYANG GAGAWIN UPANG MAPATAWAD ANG KANIYANG KAIBIGAN AT PAMILYA? ABANGAN IYAN SA SUSUNOD NA CHAPTER! I’LL UPDATE YOU KAPAG NA POST KO NA ANG NEXT CHAPTER. THANKS FOR READING! ILOVEYOU!! 😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.