0

Friends to lovers


Report

Hello! And im here uumpisahan kona ang aking kwento nag simula ako last year 2017 sa aking bagong trabaho isa itong fine dine in restaurant at isa ako ditong server and cashier. Sa una nakakapanibago lahat hanggang sa natuto nako at dito ko nakilala ang aking workmate and naging super close friend kona si kevin.

Si kevin ay isang lalaki pero karamihan ng tao dun ang tingin sa kanya ay Gay or Bisexual so lagi sya inaasar na bakla kung ididescribe ko po si kevin ay matangkad sya sakto lang ang taba ng kanyang katawan at may itsura sya pero pag kumilos sya medyo malambot kaya parang halos lahat napag-kakamalan syang bakla.

Aaminin ko sa una talaga pag minasdan mo sya aakalain mo nga na isa syang bisexual pero pag nakilala mo sya maiisip mo na hindi sya bakla subalit ganun lang talaga ang kanyang pag kilos. At lumipas ang mga araw kami ni kevin ay sobrang naging malapit sa isat isa, lagi kami mag kasama sa duty halos lagi kami parehas ng schedule pag pasok at paguwi di tumagal para kona sya naging buddy partner sa trabaho. Kung ididescribe ko ang samahan namin ay para ko na sya naging kuya dahil mas matanda sya sakin ng ilang taon lagi po kami nag aasaran nag kukulitan lagi nya ko niyayakap at pinang-gigilan dahil medyo chubby ako at madalas mahilig kami mag ice cream pag breaktime after namin kumain lahat ng yun ay walang meaning sakin dahil parang kapatid na ang naging turing ko sa kanya.

At dumadaan ang mga araw meron isang katrabaho ako na may gusto sakin sya ay chef sa restaurant kung san ako nag tatrabaho. Umamin sya sakin na may pag tingin sa akin at opo pinayagan ko sya manligaw si Red ang taong may gusto sakin kung ididescribe ko si red sya ay mga kasing tangkad ko 5’5 ganun, maputi sya, masayahin na tao lagi sya nag papatawa at magaling sya mag luto ngunit may anak na sya pero sabi nya hiwalay na sila ng nanay ng anak nya. Naapreciate ko ang lahat ng effort nya sumasabay sya sakin umuwi medyo malayo ang inuuwian nya pero dun sya dumadaan sa way ko kahit mag iilang sakay pa sya para lang makasabay ako pag uwi at hindi po kami parehas ng schedule madalas pag ako ang huling mag out inaantay nya pako para sabay kami umuwi, madalas binibilhan o nilulutuan nya ko ng pag kain. At lumipas ang mga araw si red ay patuloy pa din na nanliligaw sakin at lahat ng mga katrabaho ko alam yun at ang pag kakaibigan namin ni kevin ay patuloy pa din dahil na nasanay na din sila na close talaga kami.

Isang araw pag pasok ko na ninibago ako sa mga kasama ko sa trabaho parang may something pero hindi ko alam kung ano kasi bago yung araw na yun nag inuman ang mga kasamahan ko din na server at manager pero ako ay hindi nakasama at yun na nga dun na nag umpisa na may tinanong yung isa kung manager sakin

Manager: bhe pano kung lalaki talaga gusto ni kevin?
Me: ok lang kung san sya masaya
Manager: “eh pano kung sayo sya masaya?”
Me: (speechless) “hindi ah di naman kami talo”

And yun na nga...


after nun yung mga kasamahan ko parang may iba tapus ayaw nila sabihin sakin the n si kevin wala nakangiti lang sya.

So mga ilang araw din ako clueless, after ng ilang araw nalaman kona nga at umamin na sakin si kevin parehas na kami nakauwi ng bahay nung gabing yun mahilig kasi sya mag chat pero wala lang nang aasar lang sya pero nung gabi na yun parang may gusto syang sabihin sakin and then yun sya una nag chat sakin nung una ayaw nya pa umamin dahil din siguro pinipigilan nya din kasi alam nya naman na nililigawan ako ni red at yun hanggang sa napaamin kona sya at sabi nya “oo gusto kita…, gusto kita kasi masaya ko, masaya ko pag kasama kita pag andyan ka pero alam ko naman na kayo na ni red” pero hindi pa talaga kami nanliligaw lang. Kaya ayun kaya din pala nalaman ng mga kawork ko kasi may sinabihan sya na isa sa mga kasamahan namin sa trabaho siguro may halong alak na kaya nag kalakas na sya ng loob na may sabihan ang di nya alam nakikinig yung mga manager namin kaya yun nalaman na.

Ng gabi na yun na umamin sya sakin syempre nagtanong ako kung kelan pa sabi nya hindi nya alam basta naramdaman nya nalang. Syempre yung time na yun wala pa talaga ko nararamdaman sa kanya nasabi ko sa sarili ko kapatid lang talaga turing ko pero sinabi ko naman sa kanya na magkaibigan pa din kami at walang mag babago sa samahan na meron kami kahit na ganun.

And when the time flies narerealize ko na di lang pala kuya ang turing ko sa kanya may special din ako na feelings para sa kanya at oo aminado ako na kinain ko lahat ng sinabi ko na wala ko gusto sa kanya at di kami talo. Isang araw pag gising ko may natanggap ako na text mula sa dating gf/asawa ni red at kung ano ano sinabi nya sakin dun saka ko lang nalaman na niloloko nya ko at ang lumabas ay ako pa malandi at kung ano ano pa sinabi sakin ng babae na yun pero diko sya masisi kasi siguro parehas lang naman kaming naloko. That day kinausap ko si red nung una nag denied sya pero umamin din sya pero sabi nya wala na daw talaga para sa mga bata nalang nasaktan din ako at inamin ko sa kanya na may nararamdaman ako kay kevin oo ayaw ko masaktan si red dahil sa sinabi ko pero sa totoo lang mas ayaw ko masaktan si kevin sa tuwing nakikita nyang mag kasama kami ni red. Then that night ginawa ko malinaw lahat samin ni red at dun kona nga sya binasted at pinatawad k din sya kasi alam ko nag sinungaling sya sakin.

Hindi rin po madali na may dalawang nag kakagusto sayo kasi diko alam kung san ako lulugar lalo na mag kakasama kami sa isang trabaho at lagi ako inaasar ng mga kasamahan ko na anf haba daw ng buhok ko. Pero kahit ganun mas pinili ko po yung puso ko.

Hanggang dito na lang po muna ang akin kwento itutuloy ko ito sa sunod maraming salamat sa nag basa ng aking kwento at kung nakarelate ka sakin 🙂

-LJ💚

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.