0

I remember the boy but i dont remember the feelings anymore


Report

Hi 1st yr college ako nun ilan weeks after ng pasukan merun nagtext sakin hindi ko kilala kung sino. Naging textmate kame then fast forward merun ako boyfriend nun bf ko sya since 4th yr high school den may nanliligaw sakin na clasmate ko den merun din nanliligaw sakin na 2nd yr college hndi po ako ganun kaganda pero siguro dahil bago ako sa campus kaya ganun.. Dumating yung araw ng acquaintance party namin feeling ko ang ganda2 ko haha ung 2 nanliligaw sakin nag aagawan sila sa pagsayaw sakin sweet dance un feeling ko prinsesa ako halos mag away na silang 2 haha.. Den ung nanliligaw sakin na 2nd yr nag paalam sya habang nagsasayaw kame kung pede daw nya ako ikiss.. Ewan ko pero pumayag ako. Naguluhan ako dko alam sino pipiliin ko ung bf ko nung high school, ung classmate ko na nanliligaw sakin or ung 2nd yr na nanliligaw sakin.. That night ako ang napiling ms acquiantance. Then i decided na makipagbreak sa bf ko binasted ko ung classmate ko dahil ang sinagot is ung 2nd yr college student na nanligaw sakin.. Ang saya2 ko nung naging kame napaka sweet nya mabait gwapo etc. Mejo babaero sya b4 pero simula nun naging kame nagtino nman sya den nalaman ko na kaya pla naging text mate kame dahil kinuha nya ung no. Ko sa index card na pinasa nmn sa prof ko.. Ayun na nga sobrang saya namin pinapakilig nya ako palagi sabay kame kumakaen hinahatid nya ako pag uwian.. Magkatext kame umaga tanghali gabi may mga times pa nga na puyatan tlaga hndi kame natutulog magkatext lng kme buong magdamag (hndi pa uso fb nun). Lumipas ang mga araw we celebrated monthsarries lagi sya may gifts or letters sakin… Hanggang sa nakagraduate na sya 2yrs course lng sya. After nya makagrad dahil bakasyon syempre almost everyday dumadalaw sya sa bahay nmn tanggap sya ng family ko ganun dn ako sa family nya.. Hanggang sa nagkaroon na sya ng work mejo busy na sya madalang na sya magtext sakin bihira na dn sya pumunta sa bahay nmn inintndi ko sya sabi ko baka pagod or busy lng sa work.. Ok lng kahit ramdam ko na nagbago na sya.. Then eto na 1st yr anniv namin sabay sa birthday nya pagkagaling nya sa work derecho sya sa house nmn sobra saya ko nun dhl naka 1 yr na kme.. Den may gift sya na nilapag sa upuan akala ko para sakin dahil nga anniv namen nung silipin ko nagulat ako...


panlalaki ung gift tinanong ko sya sabi nya may nagbigay daw sakanya na kawork nya bday gift… Nasaktan ako nun dahil babae ung nagbigay pero deadma ko nlng importante ung araw na un samin 2 eh. Hanggang sa lumipas ang mga araw padalang ng padalang ang text nya sakin hndi na dn nagpupunta sa house hanggang isang araw nagtxt sya sakin sabi nya bhe palitan natin ung tawagan natin gawin natin baby.. Ako naman nagtaka kung bakit sabi nya wala lng daw naisipan lng nya.. Hndi ako pumayag… Hangang sa dumating ung point na hndi na sya nagrereply sa mga texts ko hndi na nya sinasagot mga tawag ko.. Nag birthday ung tropa nya tumawag ako para batiin ng happy birthday sabay kinamusta ko ung bf ko baka me balita sila or what.. Sinabi lng nya sakin kung ako sau frend wag ka ng umasa sa knya kc baka may iba na sya… Hndi pa rin ako makapaniwala na magagawa nya akong lokohin hnggang sa tumawag ako sa knya sinagot nya pero hndi sya nagsalita pinakikinggan lng nya ung mga sinasabi ko umiiyak ako habang nagmamakaawa sa kanya na wag nya ko iwan na ayusin namin.. Pero wala akong narinig sa knya. Pinatay ko ung cp habang umiiyak dun ko narealize na oo nga ayaw na nya sakin may gf na sya na iniwan na nya ko na niloko nya ko.. Hndi ko matnggap sobrang sakit ilang araw ako hndi lumalabas ng kwarto hndi kumakain halos magpakamatay nko. Sa sobrang sakit ng naramdaman ko. Ni ha ni ho wala ako narinig sa knya iniwan nya ko ng ganun ganun nalang.. Ilang taon hndi ako nag bf umaasa ako na 1 day babalikan nya ako hanggang sa nabalitaan ko na nag asawa na sya at nagkaanak na sila ng girl na pinalit nya sakin… After ilang yrs naka move on dn ako nagka bf na dn ako… 1 day dko ineexpect nagkaroon kme ng comunication ni ex after so many yrs saka lng sya nag sorry sakin sa ginawa nya. (Well atleast nagsorry sya) Thats the time na pinalaya ko sya sa puso’t isip ko kinalimutan ko na ung sakit para tuluyan na ako makamove on sa knya sa lahat ng naging bf ko sya lng ung minahal ko ng sobra sobra na kahit ilan taon na hndi ko pa dn makalimutan.. Fast forward today i am happilly married with kids
And may mga times pa rin na I remember the boy , but i dont remember the feelings anymore


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.