0

FORBIDDEN LOVE Kabanata 2


Report

“Sorry, Six. What do you want? Tell us, at ibibigay din namin agad. Mapatawad mo lang kami.” Ani Trevor pero ‘yong tinig niya nahahaluan ng tawa.
Isaac was on the steering wheel now while Collete was on his side. Pinalitan muna sila Aidan at Juancho.
Talagang hindi na nila hinayaan ipahawak ang manibela kahit isa kila Six, Trevor, and Kage.
Tumawa sila nang matagal nagsalita si Six. Pinag-iisipan pa siguro kung kakagat siya sa pinagsasabi ni Trevor. Tumabi na siya kay Ara ngayon.
“This one, Brook.” Pinili ko ang litratong pinapapili niya sa akin para i-post niya daw sa instagram niya.
It was the two of us, just smiling sweetly infront of the camera.
“Gorgeous,” nakangiting aniya at kinuha na sa akin ang cellphone niya.
Tinignan ko muli ang cellphone ko at ni-reply-an si Coco. Still, my ears are on them.
“Tumama ang noo ko sa sahig. That wasn’t funny, Trevor.” galit pa rin siya ‘gang ngayon.
Nabadtrip talaga siya. Ngayon nalang siya uli nagsalita pagkatapos niyang paaminin kung sino’ng gumawa no’n pero wala talagang umamin sa kanila.
“Ikaw naman kasi, tulog mantika. Kung kasama mo kami dapat maging alerto ka, palaging kaming may iniisip na kabalastugan,” panunuway ni Ara sa Kuya niya.
“So you admitted it. All of you planned that,”
“Malamang, alangan sadya.” sabi ni Trevor.
“But Casydee tried to stop us.” sa sinabing iyon ni Isaac ay lumingon sa akin si Six.
I look over Six’s shoulder at napunta iyon sa madilim na titig sa akin ni Isaac sa salamin sa harap.
I averted my gaze. Binalikan ko muli ng tingin si Six. Just to find out he was watching at me intently, too.
“What?” Hinipan ko ang bangs kong tumama sa mata ko.
Its just my bangs needs a haircut. Ayoko ng pagupitan ang hanggang balikat kong buhok. I like it this way.
“Dapat sinuntok mo sila. Next time I’ll teach you how to kick a butt,” seryosong aniya.
I rolled my eyes at him. “I know how to kick a butt, Six. It’s so easy,”
I saw Isaac’s eyes playfully looking at me. I even rolled my eyes at him.
Nang-aasar na naman siya dahil doon sa text ni Coco. Hindi ko naman siya pinapansin pero pinipilit niyang hindi daw kami bagay no’n kasi nga jejemon.
What’s wrong with jejemon people? It was their style. Importante may mabuti siyang puso.
“Eyes on the road, Isaac,” ani Aidan sa kanya nang mapansin ata niyang nasa akin ang tingin ni Isaac.
“You are a bad influencer, Six.” komento naman ni Juancho.
Gising pala siya akala ko kasi tulog. Kage, Thalia, and Charlotte were sleeping.
“Bakit?” tanong ko kay Brooklyn nang mahina niyang hinampas ang hita ko, enough to steal my attention from my cellphone.
She’s blushing pero may kakaibang kislap sa mata niya. “It was Kylar,” atsaka impit na tumili.
Lumawak ang ngiti ko. Kylar was her long time crush, pero saksakan ng suplado.
Himala dahil nagtext siya kay Brook na ngayon lang nangyari. Did my cousin done something about it?
Walang pag-alinlangan niyang pinabasa sa akin ang sinasabing mensahe galing kay Kylar.
Palihim kaming tumili, ngunit natigil din nang sumilip sa amin si Aidan, at mapanuri kaming tinignan. Sa huli, sinarili nalang namin ang kilig.
“Ano nga ang gusto mo, Six? Name it,” Hindi pa rin tumitigil si Trevor. Siya kasi ang may kasalanan talaga kaya siya ang nanghihingi ng sorry kay Six.
“You want my forgiveness. Then, give me your Arabian horse,”
“Shut the fuck up. No way!”
“Akala ko ba ibibigay mo ang gusto ko?”
“I changed my mind.”
“Then fuck you,” Six said fluently.
Naabutan ng tingin ko na binatukan ni Ara si Six. “Your mouth! Sarap putulin ‘yang dila mo,”
“This tongue is a multitasker, lil sis. You don’t want your brother become helpless, do you?” nagtawanan ang mga lalaki sa sinabing iyon ni Six.
Bumalik na muli ang pilyong si Six. Nag-aasaran na uli sila.
Ako;
It’s already late, Coco. Matulog ka na.
Kanina ko pa sinasabing matulog na siya, but he was so damn persistent. Gusto niya matutulog lang siya kapag nakarating na kami.
Hindi ko alam kung tama bang kaawaan ko siya, imbes na hangaan ko ang tibay ng pasensya niya. Dahil alam ko sa sarili kong hanggang kaibigan lang talaga.
Paano ko sasabihin ‘yon kung ganito siya kabait sa akin?
Underneath the full and bright moon was the Mansion Monteavo. Preskong hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng sasakyan. Like before, I always felt this warm feeling seeing at the mansion.
Marami kasi kaming mga masayang alaala dito ng mga pinsan ko.
Mga bodyguards at maids na ang mga bahalang ipasok ang mga gamit namin.
I saw Tita Dani and Tito Matthew at the entrance of the wooden double door. Sinalubong namin sila.
“Hi, beautiful,” nakangiting sabi ni Trevor sa ina at hinalikan sa pisngi. Juancho do the same too. At sumunod ang iba.
Lumapit ako kay Tita Dani pagkatapos ni Ara. “Hello po, Tita,” I gave a pecked on her cheek. She half-smiled. At kay Tito Matthew din.
As always, hindi ko makita sa mga mata nila ang pananabik para sa akin.
Pero ‘di na bale, ang importante, mahal ko sila.
Ikinawit ni Brooklyn ang braso niya sa braso ko at iginaya ako likod ng mansyon, sa may swimming pool. Hindi ko alam kung saan na nagsusuot ang iba.
Pinanliitan ko siya ng mata. “Are you going to swim, Brook?”
“Nope. I...


heard the boys have a plan to drink a beer here,” aniya atsaka umupo sa gilid ng pool. She let her feet swaying under the water.
Umupo din ako sa gilid niya pero hindi ko nilublob ang paa ko sa tubig.
“Hindi ka papayagan ni Aidan.”
“I’m not sleepy, kaya dito muna tayo. Its refreshing here. Sila Charlotte at Thalia mukhang inaantok pa rin, dumeretso na sila sa silid nila.”
Tumango ako. Sabagay hindi pa din naman ako inaantok. Mahabang oras din ang itinulog ko sa sasakyan kanina.
May nakita akong dalawang maid na lumapit sa pahabang mesa, at inilapag ang bitbit nilang mga beer.
Pampatulog nila ang alak. Ngunit sa dami no’n, baka may plano silang maglasing.
Nasaan na ba mga ngayon? Siguro naligo at nagpalit muna ng mga damit.
“Doon ako sa kwarto mo matutulog mamaya,” pahayag iyon kaysa tanong. Magkakatabi lang ang mga kwarto naming babae sa ikatlong palapag. While on the fourth floor were for the boys.
“Sure,” nakangiting aniya. “Tatawagan ako ni Kylar mamaya. What will I tell him?”
Natawa ako sa itsura niya. “You have more experienced in handling a guy than me, Brook.”
“Yeah, but this is different, Casydee. I think, I’m trapped,”
Tinaasan ko siya ng kilay. “You, Brooklyn Lysa Monteavo falls inlove. That’s a good news,”
Umirap siya pero namumula ang magkabilang pisngi. “It just happened,”
“Oh, God!” tili ko nang may biglang humawak sa balikat ko at pabirong itutulak sa pool.
“The fuck, Isaac!” Tumayo na din si Brook. Akmang tutulungan ako kay Isaac nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Binalingan niya ako, “I’ll help you later to kick his ass,” atsaka sinagot na ang tawag. It must be Kylar.
Lumingon ako sa tumatawang si Isaac. Bagong ligo na siya at nakasuot ng puting sando.
“Buwisit ka! Paano kung nahulog ako?”
Matalim ko siyang binigyan ng tingin at nilapitan siya. Then, I hit his arms.
“Problema ko na ‘yon,” aniya na may kasamang pang halakhak.
In the end, I got myself hurt from hitting his hard biceps.
“I want you to get drown but not in the water, Casydee.”
Mas lalong sumiklab ang inis ko sa kanya. Ang sabihin niya may balak talaga siyang lunurin ako. Not that I don’t know how to swim, it’s just that baka hindi gumana ang unang instinct kong lumangoy dahil sa gulat.
I hit him, again. Pero hindi niya sinasalag mga ‘yon. He’s laughing.
“Stop it. You are just hurting yourself.”
Akmang hahampasin ko uli siya nang hawakan niya ako sa wrist ko.
“See, namumula na ang palad mo.” aniya.
“Kasalanan mo! Bakit ka kasi nanggugulat?”
“You were too damn serious, for you not to noticed me on your side.”
Why I haven’t seen or felt his presence come near us? Marahil sinadya niyang lumapit ng walang ingay para makasagip ng pinag-uusapan namin ni Brook.
“Nakikinig ka sa usapan ng iba, chismoso!” angil ko.
He raised his eyebrow in a manly way, “Paano mo nasabi? I wasn’t even paying attention to your topics with Brook.”
“Bakit ka lumapit kung gano’n?” hamon ko. Umarko ang kilay ko sa kanya.
“Nalaman mo sana kung tumingin ka sa akin.”
Bakit nasa mata niya ba ang kasagutan? Ano’ng nakasulat do’n?
I rolled my eyes at him. “I’m not that stupid to believe you, Isaac.”
“Isaac!” Tinawag siya ni Trevor.
Pati ako napalingon sa kanya.
“Tita Lisa’s calling!” Hawak nito ang cellphone ni Isaac.
Walang salitang tinalikuran ako ni Isaac at sinagot ang tawag ng ina.
My irritation to Isaac was vanished. Napalitan iyon ng awa ko sa sarili.
Their parents’ already called them. At tinatanong kung maayos ba kaming nakarating dito. Bago pa may mamuo at pumatak na luha sa mata ko ay lumapit na ako kay Ara.
Sanay na akong ganito pero bakit naghahanap pa rin ako ng yakap ng isang ina….ng pananabik at pagmamahal ng mga magulang.
I sighed heavily. Hihintayin ko muna si Brook, saka ako maliligo.
“I already talked to the president of the university tungkol sa pag-transfer niyo. Pwede na kayong pumasok sa lunes kahit on-going pa ang proseso ng mga requirements niyo.” ani Tito Matthew, umupo siya sa tabi ni Juancho, at kumuha ng beer sa mesa.
Mabuti dahil nasa first semester palang naman ngayon, at nasa kalagitnaan pa lang ng prelim. Makakaabot pa kami.
“What did grandpa told you, Papa?” Ani Juancho sa ama.
Tito Matthew shrugged, “He gave me the right to discipline all of you.”
“Ano ang pumasok sa isip niyo at bakit sa mansyon niyo ginawa ‘yon?” Umiiling siya.
“We just want to have fun, Tito. And that was the day Grandpa was away.” Saad ni Collete pagkatapos tumungga sa bibig ng lata ng beer.
“At sa mansion? Tama nga ang ginawa ni Papa para dalhin kayo rito. Kayo ang sisira sa apelyido Monteavo, na kailanman ay hindi pa nadungisan,” He said, disappointed at us.
“Ano’ng klaseng disiplina ba ang ibibigay mo, Tito?” Six said.
“No partying, so probably no alcohol, even here. Bahay at paaralan lang kayo. If you want to enjoy, libutin niyo ang mansyon.”
“That’s all?” saad ni Six. Binatukan siya ni Collete.
“Why, may isu-suggest ka pa bang iba?”
“Wala po, Tito. We are okay with that, ‘di ba, guys?” Then, he locked Colletes’ neck through his arms. Tumawa lang ang huli.
“Pinagbigyan ko lang kayo ngayon na uminom dahil ito na ang huling makatikim kayo ng alak,” nakangising sabi ni Tito Matthew.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.