0

Fight For You


Report

Hello everyone gusto ko po e share sa inyo Ang story namin ng partner ko๐Ÿ˜
Actually pareho kaming working student sa school ng partner Kong si Arjohn,, to be honest po kuya po Ang tawag ko sa kanya before Hindi ko alam Kong paano naging kami. Kasi in the first place Myron naman syang co working na kakilala ko na natitipuhan nya basta one

day bigla na lang sya nag confess ng feelings nya sa akin.I remembered I was celebrated my bday Hindi ko eni expect na magka bday kami same month and same date Ang pinagkaiba lang namin Year kong kailan kami
pinanganak. The day kong kailan sya nag confess ng feelings nya yon din Ang day kong kailan Ang day na sinagot ko sya. And he was my First boyfriend Hindi ko alam Ang bilis ng mga pangyayari basta sinagot ko sya ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…
actually si Arjohn mabait,walang bisyo, mapagmahal sa family. Yon lang alam ko sa kanya before. Pero Ang Hindi ko lang alam is Ang Dami nyang naging gf at pinagsabay kami sobra akong na hurt sa kanya noon kong
alam nyo lang para kaming sirang plaka ilang beses kaming nag break at nagka BALIKAN siguro ganon talaga kahit niloloko kana pag mahal mo laging my second chances para sa kanila. Yong willing kang ipaglaban sya Kahit
nasasaktan kana kasi umaasa ka na one day ma re-realized din nya na worth it ka para sa kanya ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ isang araw naki pag change ako ng phone sa kanya timing pauwi na ako noon ng biglang my tumawag sinagot ko pero hindi ako nag salita nakinig Lang ako kong sino yong tumawag sa ibang linya . Parang binuhusan ako ng tubig kasi as usual babae hinahanap si Arjohn. So Ang ginawa ko nag isip ako ng paraaan para. Mahuli ko kong sino sya. At Ang naisip ko that time magpapangggap ako na kapatid ni Arjohn. So hindi ako nagkamali niloko na naman ako ni Arjohn. Kinabukasan nagkita kami at nag meryenda hinihintay ko Ang tawag nong girl. Timing tumawag sya so binigay ko Ang cp sa kanya pero bigla nyang kinancel . Sabi ko bakit ayaw mong kausapin kausapin mo sabi nya wala mamaya nalang daw. Nong narinig ko yon napasigaw ako sa kanya sabi ko bakit Hindi mo sagutin dahil ba natatakot ka na malaman ko na my relation kayong dalawa . Nong time na yon nanghina ako ng subra Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya paulit ulit nya akong niloloko at ginagawang tanga ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ kaya sa mga oras na iyon nakipag break ako sa kanya ng tuluyan at sinampal sya ng todong Todo๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… mga ilang araw after nagka hiwalay kami umalis na ako at nagpa kalayo layo nag change ng sim bin lock sya sa fb mga ilang months na akong walang balita sa kanya at naka move on na rin ako๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘Œ biglang one day my nag send ng friend request sa fb ko at nagpapanggap na Kaibigan ni Arjohn. Actually Hindi...


ako nag rereply sa kanya pero nong medyo nakahalata na ako na sya yong ka chat ko napatawa ako Ang landi ko talaga
๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜… Pero Hindi parin ako nag rereply sa kanya ng madalas. Ang Hindi ko alam nasa Gensan narin pala sya after he graduated college pumunta sya dito sa mga relatives nila. To cut the long story short gusto nya makipag kita ako sa kanya nalaman nya din na sa Isang mall ako nag tatrabaho kaya nag hintay sya nong pa out na ako sa trabaho. At Nagkita nga kami for how many months. Walang patumpik tumpik nyang sinabi na sorry kong nasaktan kita sorry kasi ginago kita please Mhine give me a second chance nagbago na ako!! Pero para sa akin parang wala nang dating kasi Ganon Naman ginawa ko n noon kaya Hindi ko sya binigyan agad ng second chance. Ang kaya ginawa nya nag apply sya ng work kong San ako nag work doon nagsimulang nagka closure kami. Sinuyo nya ulit ako haggang nag oo na ulit ako sa kanya. Sabi ko pag lolokohin mopa ako please lang maawa ka ayaw kona ulit masaktan pa ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ Ang sabi nya Hindi na mauulit promise magbabago na ako para sa iyo!! To cut the long story short na buntis nya ako subrang takot ko that time Ang dami Kong iniisip Isa na don paano kong Hindi nya ako panagutan ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ pero nong nalaman nyang buntis ako agad nyang pinaalam sa family ko at sinabi sa papa at mama ko na willing nya ako panagutan subrang happy ko at medyo naiyak iyak ako sa NASAKSIHAN ko๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Even though Kahit medyo ayaw sa akin ng Mama nya kasi nong mga time na Pina alam nya sa mama nya na nabuntis ako at medyo nagalit Ang mama nya kasi sa 4 years namin mag bf/gf na nabuntisan nya na ako don Lumabas yong ibang masasakit na salita na narinig ko through phone while kausap nya mama nya. And Still Hindi nya ako iniwan pinaglaban nya ako at Ang magiging Anak namin ๐Ÿค—๐Ÿค— don ko pinagtanto na seryoso na talaga si Arjohn sa akin. I Asked him bakit mo ako binuntis agad he Replied Ayaw kong magkahiwalay pa tayo ulit ayeeeeehh medyo kinilig ako pero Hindi ko lang pinahalata ๐Ÿ˜๐Ÿ˜
And im very Thankful kasi Hanggang ngayon kami parin at biniyayaan kami ng dalawang anak ๐Ÿ™๐Ÿ™ . At dahil dyan na realized ko paano Kong Hindi nya ako hinanap at paano kong Hindi ko sya binigyan ng maraming chances magiging kami pa kaya????!!
Lagi nating tatandaan “People Do Make
Mistakes And I Think They Should have Punished.But They Should Be Forgiven And Given The Opportunity For A Second Chance. kasi Tao lang tayo nagkakamali ๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚

Sana Palarin akong manalo pag ako po Ang mananalo ng 10,000 pesos gagamitin ko po pang binyag ng bunso namin kasi hanggat ngayon Hindi pa po nabibinyagan๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ Godbless po and thank you po sa opportunity na ma share namin Ang aming mga Love story dito๐Ÿ˜๐Ÿ˜


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.