0

Nag hiwalay dahil sakanyang pangangailangan


Report

Hi ako nga pala c Ruffa Mae Llagas Ibo 21 yrs old from sagrada familia minalabac Camarines sur. Hmm may boyfriend ako noon nag aaral kami Ng grade 11 nung naging kami Nov. 3 2016 nung sagutin ko siya at naging masaya Ang aming pagsasama nun dahil palagi kaming magkasama sa school Kase classmate kami at magka barangay din kaya lagi kami nagkakasama. Nung unang taon ng aming relasyon may Hindi magandang nangyari sa relasyon naming dalawa dahil nagkaroon siya Ng ibang babaeng kausap Kung baga (kalandian) Hindi ko alam na may ginagawa na pala siya na ikakasakit ng damdamin ko. nalaman ko na may nakakausap siyang ibang babae dahil Hindi niya alam na alam ko Ang password at email Ng Facebook niya Kaya nung buksan ko Ang messenger niya Yun agad Ang bumugad saking mga mata! Ang saya Ng conversation nila puro harutan! Sobrang sakit nung nakita ko Yung usapan nilang dalawa. Kinaumagahan kinausap ko siya about dun sa nakita ko sa messenger niya umiiyak ako sa harap niya sinasabi ko sakanya Kung ano paba Ang kulang ko Kung bakit kailangan niya pa Ang babaeng Yun! Tinanong ko siya kung Hindi na siya masaya sakin o Hindi niya na ba ako Mahal pero Hindi siya kumikibo nakatingin lang siya sakin at nung Hindi na ako nagsasalita iyak nalang Ng iyak bigla niya akung niyakap at sinabing “sorry Hindi ko na uulitin. Ikaw Ang Mahal ko” at nung marinig ko Yun dun mas humagulhol ako Ng iyak dahil bakit kailangan niya pa akung saktan Kung Mahal Niya ako. Gusto ko na bumitaw nung time na Yun pero kahit nasasaktan ako Hindi ko magawang Iwan siya. sobrang Mahal ko siya Kaya binigyan ko ng chance para Hindi Lang masira Ang relasyon naming dalawa. At Hindi na din niya kinausap Yung babae na yun naka block na at simula nun binubuksan ko na palagi account niya. Hindi naman nawala Ang tiwala ko sakanya at nag umpisa kami ulit naging masaya nanaman Ang aming pagsasama ngunit makalipas lang Ang ilang buwan ay mayron nanaman Hindi nangyari sa aming relasyon! Kung ano Yung ginawa niya dati Yun din Ang ginawa niya sa pangalawang pagkakataon! Sobrang sakit na Ng nararamdaman ko dahil ginawa niya nanaman ulit Kaya Ang nangyari Hindi ko na siya kinausap nun hinayaan ko siya na mag paliwanag sakin ngunit tumagal Ng ilang araw na Hindi siya nakikipag usap sakin walang pansinan sobrang sakit dahil Akala ko Wala na! Wala Ng kami dahil Hindi siya gumagawa Ng way para kausapin ako ipaliwanag Kung bakit niya ginawa ulit Yun! gusto Kung uminom Ng uminom nun para makalimot sa sakit na nararamdaman ko kaya Ang nangyari inaya ako ng best friend ko dahil may party siyang pupuntahan Kaya sumama ako nun at sa Hindi inaasahan nakita ako nung boyfriend ko na kasama best friend ko dun sa party pero deadma lang yun sakin Kase gusto ko maramdaman niya Yung sakit na nararamdaman ko! Yung best friend ko Kase lagi niya Yung pinagseselosan Kaya alam kung magagalit siya nung nakita niya kami. At kinaumagahan pag pasok ko sa room nakita ko siya nakaupo mag isa Kaya ginawa ko tinabihan ko Hindi ako umimik umupo lang ako at tiningnan niya lang din ako. Ngunit Hindi ko kinaya bigla nalang tumulo luha ko uumiiyak na ako pero Wala parin kumikibo saming dalawa. Kaya ako nanaman nag adjust nagsalita ako Sabi ko ” ano na? Ano na ba talaga Tayo? Ano ganto nalang?” Pero Hindi siya sumagot At Hindi na din ako nagsalita pa umiyak nanaman lang ako ng umiyak Wala na akung pake nun Kung marami nakakakita sakin na umiiyak at bigla siya nagsabi na “tumigil kana , sinasayang mo lang luha mo! Tayo pa din naman Mahal Kita Kaya tahan na” at bigla naman siyang niyaya Ng kaibigan niya na pumunta sa canteen dahil kakain Kaya Hindi na ako nakapag salita at nagpaalam na din siya sakin na “sige na Alis muna ako ha , tahan na” at napatango nalang ako ng time na Yun. Ang Dami ko pang gustong sabihin sakanya , itanong pero Wala na ako magawa di na ako nakapag salita. At ayun naging okay nanaman kaming dalawa , naging okay na ganun...


lang Ang pag uusap Ang bilis lang maging okay kahit sobrang sakit nung nangyari Hindi ko alam bakit ganun lang kung bakit Hindi ko Kayang bitawan kahit sobrang sakit na ganun ko pala siya kamahal kahit sobrang sakit na Ng ginawa niya tanggap ko pa din. At Ang nangyari na Hindi na siya masyadong nagcecellphone at palagi na din niyang pinapahawak sakin Ang cellphone niya at Minsan Hindi na din niya dinadala. at ayun nakapag tapos na kami Ng grade 12 bakasyon na sinulit niya Yung bakasyon na kasama ako dahil aalis siya sa Laguna siya mag aaral Ng college Kaya magkakahiwalay kami Kaya Yung bakasyon na yun halos Hindi kami magkahiwalay palagi kaming magkasama at ayun nga aalis na siya ngunit nung umalis siya Wala ako Hindi ko siya naabutan dahil biglaan din Yung pag Alis niya sinabi niya sakin bigla na ngayon na Ang alis niya Kaya pinapauwi niya na ako para magkita kami bago siya umalis pero hindi ako nakauwi agad nun Kaya Hindi ko siya naabutan. Sobrang lungkot dahil Hindi ko siya nakita bago siya umalis at lumipas Ang ilang buwan na magkalayo kaming dalawa sa Laguna siya ako andito sa bicol pero Hindi niya alam na pupunta din ako Ng manila para mag trabaho Oo mag tatrabaho ako Hindi na Kase kaya nila mama na paaralin ako Kaya pupunta ako Ng manila dahil may naghihintay saking trabaho dun at ayun sinabi ko sakanya na pupunta na akung manila sobrang saya niya dahil magkikita na ulit kami dahil malapit lang din naman Ang Laguna sa aking pagtatrabahohan Kaya nung nasa manila na ako napunta siya sakin siguro sa isang buwan tatlong beses kaming magkita at nung kaarawan niya Hindi niya alam na ako naman Ang pupunta sakanila Kaya nabigla siya nung tumawag ako sakanya na sundoin ako dahil malapit na ako sakanila nakita ko sa Mukha niya na sobrang saya niya Kaya kung ano man Yung pagkakamali niya dati simula nun Hindi ko na inisip kinalimutan ko na talaga dahil nakita ko naman sakanya na nagbago na siya Kaya ayun nag celebrate siya Ng birthday na Kasama ako at hanggang sa kapag may okasyon samin napunta din siya Kahit nga walang okasyon napunta siya Kaya parati kaming nagkikita at hanggang sa umuwi kami sa bicol magkasama pa din kami palagi dahil fiesta nun Kung Saan saan kami napunta para mag gala at sabay din kaming bumalik Ng manila at tatlong taon mahigit na Ang aming relasyon nun Kaya legal na kami both side at naging masaya Ang aming pagsasama naging open kami sa isat isa at para sakin siya na talaga Ang lalaking para sakin Ang mapapangasawa ko ngunit mapag laro Ang Tadhana biglang nag iba Ang aming pagsasama dahil sa kadahilanang Hindi pagkakaintindihan dahil sakanyang pangangailangan Oo alam ko matagal na kami ngunit Hindi ko pa Kayang ibigay Kung ano Ang kanyang hiling nagalit siya dahil Wala daw akung tiwala sakanya at baka daw Hindi ko siya Mahal nag explain ako ng nag explain sakanya ngunit Hindi ko alam kung bakit Hindi Niya ako maintindihan nung time na Yun at nagtataka ako bigla dahil bakit kailangan niya Yun? Bakit atat siya sa ganun Ang Dami ko nanaman naisip nung time na Yun na baka prank lang or Hindi siya Yung kausap ko na hack account niya at Ang pinaka nakakatakot na naisip ko ay baka gumagawa siya Ng reason para bumitaw ako ngunit naisip ko Kung Mahal Niya ako Hindi Niya ako pipilitin at maiintindihan niya ako kung bakit Hindi ko Kayang ibigay Ang pangangailangan niya! pero Wala na Hindi Niya talaga ako naiintindihan sarili niya lang inisip niya sobrang sakit ngunit Hindi ko kaya Kaya kahit Mahal ko siya Ng sobra Hindi ko Kayang ibigay Ang gusto Niya kaya’t dun natapos Ang aming relasyon. Dahil lang sakanyang pangangailangan nauwi sa hiwalayan… Sobrang sakit Ng nararamdaman ko nun para akung tinakloban Ng Mundo dahil sa sobrang sama Ng loob ko halos mag Wala ako dahil dun lang sa reason na yun tinapos niya kaming dalawa!! Sobrang sakit💔😭 July 15, 2020 12:00am halos gumuho Ang Mundo ko Ang bigat sa pakiramdam sobrang sakit!! At Jan nagtatapos Ang aking story…

Maraming salamat sa pagbabasa..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.