0

Fathers and son Part 20


Report

” Salamat nga pala sayo,Larry. Sinabi mo sa anak ko na ako ang tunay niyang ama.”
” Karapatan niyang malaman na kayo ang tunay na mag ama at hindi kami,Lee. Malaki ang naging kasalanan ko sayo kaya tama lang na..na gawin ko ang tama para sa ating lahat.”
” Salamat pa rin. ”
” Alam kong bata pa si Viel at hindi pa niya lubusang maiintindihan sa ngayon. Pero matalino ang anak mo,Lee. Kaya hindi rin magtatagal, unti unti niyang mapasok sa kanyang isipan ang lahat.”
” Anak mo na rin siya ,Larry. Kaya anak na nating dalawa.”
Masaya naman si Larry sa naging tugon ni Lee sa kanya . Kahit papaano ay maiibsan na ang bigat na dalahin buong buhay niya. Ang akala niya kasi mananatiling lihim na lang ang lahat ng tungkol sa pagkatao ni Viel.
” Anong anak niyong dalawa?!” Sabat ni Rodney sa dalawa. Pumagitna pa ito at inakbayan si Larry at si Lee. ” Naging anak ko rin naman ang batang iyan kahit na sa madaling panahon lang. Kaya anak natin yang tatlo!” Pagtatama niya.
Bumaling ng tingin si Lee kay Rodney. Nagkasalubong ang dalawang kilay nito. Nagpapahiwatig na hindi siya sang ayon sa sinasabi nito. Hinawakan niya ang kamay ni Rodney at saka inalis sa balikat niyang naka akbay. Saka naunang maglakad patungo kay Viel na kasama si Leslie at naroon rin si Yssa.
” Ginalit mo ,ah…” Tukso ni Larry sa kanya.
” Bahala siya. Papa rin ang tawag sakin ni Viel kaya huwag siyang ano.” Sabi ni Rodney na bahagyang nainis kay Lee.
” Hindi mo siya masisisi. Mas malaki ang kasalanan mo sa kanya . Ang gawin mo na lang,bigyan mo siya ng panahon para mapatawad ka niya.”
Kumalas si Rodney sa pag akbay kay Larry. Saka seryosong tiningnan.
” Patawarin mo rin sana ako ,Larry. Nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong hindi ko na mahal si Yssabel. Pero ang totoo…”
” Huwag mo nang ituloy,Rodney. Alam kong wala akong panama sayo. Kahit hindi niya man sabihin sakin..alam kong ikaw ang ama ng anak niya.”
Natahimik saglit si Rodney. Matalino rin pala si Larry.
” Oo. At gusto kong mabawi ang mag ina ko.” Tapat niyang saad.
” Hindi mo siya kailangang bawiin sa kahit kanino. Wala naman sigurong nagmamay ari sa puso ni Yssa ngayon. Kaya, magtrabaho ka ng mabuti para mapatawad ka ng mga taong nasaktan mo.”
” Tama ka. Sinisikap ko nang magbago. Ayoko nang maging masama. Kung noon,si Viel lang ang dahilan kaya ako unti unting nagbago,ngayon…pati mag ina ko,inspirasyon ko na rin.”
” Mabuti naman.” Ngumiti man si Larry pero sa loob ng puso niya,nandoon ang kirot ng dibdib. Dalawang tao ang natatakdang mawala sa kanya kung saka sakali. Si Viel at si Yssa.
Hinawakan ni Lee ang kamay ni Viel nang maabutan niyang naglalakad na kasama si Leslie at si Yssa.
” Papa…” Bahagyang nagulat si Viel pero ngumiti rin nang makilala ang humawak ng kamay niya.
” Sabay tayong maglakad.”
” Opo.”
” Teka lang….kami yong magkasabay. Doon ka na kina kuya.” Pagsalungat naman ni Leslie. Saka hinawakan ang kabilang kamay ni Viel.
” Huh! Baka nakakalimutan mong gulo lang ang dala mo sa anak ko.” Paalala ni Lee sa babae na siyang ikinatahimik nito saglit. Pero bumawi rin.
” Bakit ba ang sungit mo sa kin? Para kang babae na may dalaw ,ah! O di kaya parang buntis at pinaglilihian ako!” Sabi nya na naiinis.
” Hayaan mo na ,Leslie. Papa naman siya si Viel. ” Wika ni Yssa na nakikinig lang sa kanila kanina pero hindi nakayanan at nagsalita na rin.
Hindi siya pinansin ni Lee. Hinila nito si Viel at saka binuhat.
” Papa ,mabigat po ako.”
” Ok lang anak. Kaya ko naman. Malakas ako.”
”...


Talaga ba?” Sarkastikong sabat ni Leslie. ” Eh,hindi mo nga ako magawang maiangat,ah!”
” Tumigil ka. Mabigat ka pa sa anak ko. Pang dalawang tao yata yang timbang mo.”
“Oy! Oy! Ang sexy ko kaya. Tingnan mo oh! Ang payat ko para sabihan mo ng ganyan!” Pagmamalaki nito kay Lee at napaneywang pa.
” Ang sexy nga po ni tita Leslie,papa.” Sumang ayon rin si Viel.
” Hindi ko naman sinabing hindi siya sexy ,anak. Sabi ko mabigat siya.”
” Huuhuu…..Viel ah. Kahapon pa yang papa Lee mo. Nakakainis na. Dalawang araw nang sinisira niyan ang mood ko.”
“Papa..huwag nyo pong awayin si Tita Leslie. Mabait po siya. ”
” Leslie..tama na yan.” Saway naman ni Yssa sa kaibigan.
Hindi na lang umimik si Lee at napangiti naman si Leslie sa ginawang pagtanggol ni Viel sa kanya. Nagpatuloy na sa paglalakad para makalabas na sa gubat na kinaroroonan.
Ngunit hindi nila akalain na mahahanap sila ng mga tauhan ni Chairman. Mabuti na lang at nakita nila ang mga ito at sinikap na makalayo mula sa armadong mga kalalakihan. Pero sa kabila ng kanilang pagtakbo palayo,pinaputukan pa rin sila. Sa takot ay tumigil at yumuko.
” Isang hakbang at tapos na kayong lahat!” Sigaw ni Chairman. ” Kung hindi ko man lang makukuha ang pera,mas mabuti nang patayin ko na lamang kayo!”
Takot at kaba ang namayani sa bawat isa sa kanila. Ano mang sandali ay matatapos na ang kani kanilang buhay.
Papalapit si Chairman pati na ang mga tauhan nito. Nakatutok ang mga baril sa kanila. Ito na yata ang katapusan ng masalimuot nilang buhay.
” Papa…..” Sambit ni Viel na bakas ang takot sa mukha habang hawak ni Lee.
” Maaayos rin ang lahat anak.” Niyakap niya ito.
Malapit nang makalapit sina Chairman at ang mga tauhan nito sa kanila nang biglang dumating ang mga pulis. May nakapagreport sa mga ito kahapon na may nagaganap na barilan. Napag alaman nilang grupo ni Chairman ang mga ito at matagal nang under survielance. Naghahanap lang ng tamang ebidensya at tyempo para mahuli ito.
” Itigil mo na ‘ to chairman. Bistado ka na sa lahat ng mga karantaduhan mo!” Anas ng pulis na nakatalagang mamuno para hulihin si Chairman. ” Arestuhin silang lahat!” Utos nito sa mga kasamahang pulis.
” Pati kami po ba?” Tanong ni Leslie dito.
” Sumama po kayo at nang maipaliwanag ang buong pangyayari.”
” Sige po. Sasama po kami.” Binalingan niya si Yssa.
” Oho…” Sabay tango naman ni Yssa.
Inaresto na ang lahat maliban sa grupo nina Leslie. Pero lahat sila ay dapat na sumama at magpaliwanag.
” Sandali!!” Agaw pansin ni Lee sa lahat. ” Hindi! Yong!!! Anak!! Gumising ka!” Nababakas sa mukha nito ang takot at panginginig ng katawan.” Yong!”
” Lee, anong nangyayari?!” Lumapit si Larry sa kanya.
” Gumising ka!” Malakas na hiyaw ni Lee habang akap akap si Yong.
” Viel…..” Mahinahong sambit naman ni Larry. ” Viel….viel…hindi!” Pati ito ay nakaramdam na rin ng pag alala nang makitang walang malay si Viel.
Saka napansin ni Lee na basa ang kanyang palad na nakahawak kay Viel. May bahid na dugo ito.
Nagpanic si Rodney. Patakbong lumapit kay Lee at inagaw si Viel. Dali daling binuhat .
” May sasakyan ba kayong dala?!” Tanong niya sa pulis.
” Oo! Nandoon!” Sabay turo sa direksyon kung saan iniwan ang police mobile.
Hindi na nag atubili pa si Rodney. Tumakbo na buhat buhat ang walang malay na si Viel.
” Viel!!!!!” Sabay na tawag ng dalawang babae saka sumunod.
Sumunod na rin sina Larry at Lee. Natauhan na buhat sa dagling pagkagulat dahil sa nangyari. Iniwan nilang lahat ang mga pulis pati na rin sina Chairman at mga tauhan nito. Dali dali nilang isinugod sa Hosital si Viel.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.