0

DEMONIC ANGELS


Report

AUTHOR: ME( AUTUMN AVERY)/ MariangLJ
GENRE: Rom-Com, Action
🖋️PROLOGUE
Isang napakatahimik na hating gabi ang nabulabog dahil sa naganap na sunog sa isang hospital. Nag-umpisa ang sunog sa Neonatal Intensive Care Unit o NICU kung saan inilalagay ang mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng espesyal na pagbabantay at pag-aalaga.
Rinig ang mga iyak ng mga kakapanganak na mga ginang dulot ng labis na pag-aalala sa kanilang mga Anak.
Isa sa mga ginang ay nagpupumiglas sa mga pulis at nurses kahit na galing lang ito sa napakadelikadong operasyon.
” Madam, maghunos dili ka ho. Ginagawa na namin lahat ng paraan. ” Sabi ng isang bombero na tumulong na rin sa pagpigil sa Ginang.
” Lahat ng paraan? Pwes kulang pa rin! Padaanin niyo ako! ” sigaw nito.
Kaya wala ng ibang mapiling paraan ang mga nurses na nandun. Tinurukan nila ito ng pampatulog, at ilang saglit pa ay unti-unti ng tumigil sa pagpupumiglas at tuluyan na ngang nakatulog.
~~
Sa kabilang banda.
“Tama ba tong ginagawa natin?” Tanong ng isang lalaki sa kasama neto.
” Matagal ng hindi tama ang ginagawa natin, ngayon ka pa ba aatras? Ha! ” Sabi naman nito pabalik.
” Alam...


ko, pero kahit kailan di pa ako nagkaTarget ng bata! Ang mas malala pa, eh ilang oras pa nga lang ng isinilang to eh! ” Singhal niya na.
” Aba! Wala ka ng mapagpipilian, alangan naman na ibalik mo iyan? ” inis na ring turan neto.
” Tumahimik na kayo! Nandito na si Boss ” sabi ng isa pa nilang kasama na nagsilbing driver nila ng gabing yun.
“Boss! ” Sabay sabi ng tatlo.
“Oh? Ano yan?! ” Tanong nito habang nakaturo sa dalawa.
” Ang mga Prinsesa ng Buenaventura, boss! ” Saad naman ng isa.
” Mga? Haha! Kung sinuswerte ka nga naman! ” tumawa ito ng tumawa
Nakitawa na lang din ang tatlo dahil baka mapikon ito at sabihing bastos sila dahil hindi nila sinabayan ito.
” Anong pang ginagawa niyo? Iligpit niyo yan! ” parang demonyo itong nakatingin sa dalawang sanggol.
” Boss? ” Nagdadalawang isip na tanong ng isa.
” Narinig niyo ako! Alis. ” sigaw nito at tumalikod na at bumalik sa silid nito.
Nagkatinginan naman ang tatlo at di mawari ang mararamdaman, habang nakatingin sa mga walang kamuwang-muwang na sanggol.
Continue? Then comment Blue Heart “💙” .. Thank you!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.